NAGING KASAMBAHAY AKO SA LALAKING NAKA ONE N*GHT ST*ND KO BAGO ANG KASAL NITO
W-whaatt?! Ibinigay mo sa lalaking hindi mo kilala ang iyong—“
“Ang ingay mo naman, Shaina eh. Secret nga lang natin ‘di ba? Best friend kita, kaya sinasabi ko ‘to sa ‘yo. At sa ‘yo ko lang ‘to sinabi.”
“Sorry naman. Nabigla lang ako eh. Pero bakit ba? Paano nangyari ‘yon?”
“Yung customer nga kasi kagabi. Malungkot kaya naglalasing. Nag-away sila nung soon to be bride niya.”
“Nung fiancee niya? Hala, kaloka ka, girl. Isasak4l na pala siya eh, este ikakasal na pala. Oh, tapos? Ano’ng nangyari?”
“Kasalann ‘to nung bading kong ka-trabaho eh. Naghahanap kasi ‘yung customer na ‘yon ng makakasama. Makaka table, gano’n.” Then, pina shot niya rin ako. Pampasarap usapan daw.” pagkukwento ko.
“And then?”
“Tumagal ‘yung kwentuhan. Tapos nadagdagan ‘yung naiinom namin. Nahilo na rin ako. Nakwento ko ‘yung tungkol kay nanay. Yung sa utang niya. Tapos sabi nga nung guy na ‘yon, matutulungan n’ya ‘ko. Matutulungan n’ya ‘kong makabayad sa pinagkakautangan ni nanay.”
“So, ang ibig mong sabihin. Bayad ka? Bayad ‘yung isang gabi n’yo?”
Nahihiya man ako pero tumango pa rin ako sa kaniya.
“Okay lang sa ‘kin kung… kung huhusgahan mo ‘ko best. Sa totoo lang, nandid*ri ako sa sarili ko.”
“Uy, ano ka ba?! Bakit naman kita huhusgahan? Yung iba nga d’yan, mas malala pa ang ginagawa eh. Pero hindi ko sinasabing tama ‘yung ginawa mo ha? Tsaka, may fiancee na pala eh. Paano kung… kung malaman niya na may naka one nigh st*nd ‘yung fiance niya? Masasaktan ‘yun panigurado. At ang pinaka worst pa is hindi matuloy ang kasal dahil do’n.”
Napabuntong-hininga ako.
“Hindi mo nga ako hinusgahan, kinonsensya mo naman ako.”
“Ay, sorry best. Nag over think lang ng malala. Pero, what if gano’n nga ang mangyari ‘no? Hindi matuloy ‘yung kasal nila nung fiancee niya tapos hanapin ka nung guy?”
“Imposible ‘yan. Ba’t naman ako hahanapin no’n?”
“Kasi, marerealized niya na gusto ka na pala niya kahit isang gabi lang kayong nagkasama.”
“Imposible talaga ‘yan, Shaina.”
“Hmmmm.. Pogi ba ‘yung guy?”
“Oo, pogi s’ya. Pero mas pogi pa rin ang Joshua Garcia ko. Ang unang nagpatibok ng puso ko.”
“Masarap ba s’ya?” bigla niyang tanong na nagpalaki ng mga mata ko.
“Ano’ng klaseng tanong ‘yan?”
“Sige na, sagutin mo na lang ako.”
“Ewan ko sa ‘yo, Shaina.”
“Siguro, ang galing n’yang humalik ‘no? Ang swerte nung guy na ‘yon ah. Kasi, s’ya ang first kiss mo. Ang first —“
“Wag mo ng ituloy.”
“Hi, Eliza.” pagbati ni Miguel.
“Siya lang ba ang tao dito at s’ya lang ang binati mo, ha?” reklamo ni Shaina.
“Uy, nandiyan ka pala? Hindi kita nakita eh. Excuse me, ha? Tatabi ako kay Eliza.”
“Ewan ko sa ‘yo. Ba’t ka ba nandito?”
“Wala lang. Nakita ko ‘tong best friend ko eh. Bakit ba?”
“Wala lang, tinanong ko lang.”
Nangingiti naman ako sa pagbabardagulan nilang dalawa.
“Alam n’yo, d’yan nagsimula ‘yung lolo at lola ko eh. Sa simpleng bardagulan na ganiyan. Naiinis kunwari sa isa’t-isa pero nahuhulog na pala sila sa isa’t-isa.”
“Nako! Kung si Miguel lang naman, best! Kahit tumanda na lang akong dalaga!” at nanginig pa nga ito.
“Grabe, diring-diri sa ‘kin? Lalo naman ako ‘no? Baka kahit ikaw nalang ang babae sa mundo, hindi pa rin kita papatulan!”
“Duh! Ako rin ‘no! Akala mo ba, guwapo ka?”
“Oo, kaya. Pogi ako. Sabi ng lolo ko nung nabubuhay pa. Hindi ka ba nagugwapuhan sa ‘kin, Shaina?”
“Hindi! Ang chaka mo!”
“Ganda ‘yan?”
“Talaga!”
“Kukuha na ba ako ng martilyo at tubo sa bahay?” natatawang tanong ko sa kanila.
“Paalisin mo na nga ‘to, best. Nakak init ng ulo eh.”
“Alam n’yo, kayo? Hindi na kayo nagkasama ng hindi kayo nag-away. Mga bata palang tayo, ganiyan na kayong dalawa. Baka, magulat na lang ako, mag jowa na kayo ha?”
“Eewww! Kung s’ya lang? Kahit hindi na ‘ko magka boyfriend ‘no!”
“Oo na, ganda mo eh!” sagot naman ni Miguel.
Nang biglang may magtext sa akin.
Text na nagpabilis ng tibok ng puso ko at nagpalungkot bigla sa akin.
“Oh, best? Ano’ng nangyari? Bakit bigla kang nalungkot d’yan?” tanong ni Shaina.
“Nagtext ‘yung manager ng resto.”
“Oh, eh ano’ng sabi?”
“Tinatanggal na ‘ko sa trabaho.”
“Ano?! Eh, bakit daw?!”
“Dahil sa nangyari.”
“Nangyaring ano?” tanong ni Miguel na walang kaalam-alam sa nangyari sa akin.
“Wala! Kalalaki mong tao, tsismoso ka!” sagot ni Shaina.
“Nagtatanong lang naman ako eh. Saka, kaibigan ko si Eliza. Concern lang ako sa kaniya.”
“Ano kasi, may naka away na customer itong si Eliza. Kaya ayan, nagsumbong siguro at sinabi na sesantihin na si Eliza.”
“Paano na kami ngayon? Nasa amin pa si Kia. Ang hirap pa namang maghanap ng trabaho ngayon. Nakaka inis!”
Saka ako tumayo at umalis sa tabi ng mga kaibigan ko.
“Wait lang, Eliza!” sigaw ni Shaina.
Pero hindi ako huminto maglakad.
Naiinis ako sa sarili ko.
Nakabayad nga kami ng utang ni Nanay, nawalan naman ako ng trabaho. At nawala ang pinaka iingat-ingatan ko
Hindi ko pa nga muna sinabi kay nanay ang tungkol sa pagsesante sa akin. Dahil pipilitin ko ang manager ng resto n ibalik ako sa trabaho.
Kaya kinahapunan ay nagtungo pa rin ako sa resto. Ang baklang manager agad ang hinanap ko.
“Oh, Eliza? What are you doing here? Hindi ba’t tinext na kita na sesante ka na? Eh, ba’t nandito ka pa?”
“Sir, ba’t naman po agad ninyo akong sinesante? Okay naman po ang trabaho ko dito ah? Okay naman po akong magtrabaho. Please naman po, sir. Kailangang-kailangan ko po ng trabaho.”
“Naku, Eliza. Sorry! Pero hindi na p’wede. Nag-iingat lang ako.”
“Nag-iingat po saan?”
“Sa esk4ndalong p’wedeng mangyari! Yung customer kagabi na sinamahan mo, regular customer dito dati ‘yung fiancee niya. Paano kung malaman n’ya ‘yung nangyari ha?! Ayokong madamay itong resto sa gulo n’yo! Kaya, sige na. Makaka alis ka na.”
“Sir, parang awa mo na. Kailangan ko talaga ng trabaho.”
“Ang kulit! Alis na!”
“Oo na, baklang single!” mahinang sabi ko sabay talikod.
“What did you say?!”
Pero hindi na ako kumibo pa.
“Baklang bingi.” wika ko sa aking sarili at natawa na lamang.
Laglag nga ang mga balikat kong lumabas ng resto. Pinag-iisipan ko rin kung ano’ng sasabihin ko ngayon sa nanay ko. Kung anong idadahilan ko sa kaniya kung bakit ako nasesante.
Hindi ko naman puwedeng sabihin sa kaniya ang totoong dahilan.
Nakaka inis!
_____________
LORENZO’s P.O.V
“Babe, kanina pa kita napapansin na parang tahimik ka?” tanong sa akin ni Monica habang kumakain kami ngayon sa restaurant. “Hindi mo ba gusto ‘tong place?”
“Ah, no. May iniisip lang.” sagot ko at bahagyang ngumiti sa kaniya.
“Naku, sino’ng babae ‘yan ha?” nakangiti niyang tanong.
“A-ano’ng babae?” bigla na lang akong kinabahan.
Ganito pala talaga kapag may kasalanan ka sa taong mahal mo.
“Biro lang naman. Alam ko naman na ako lang ang babae sa buhay mo ‘di ba? Kaya nga tayo magpapakasal eh. I love you so much, Babe.” saka siya tumayo at nagpunta sa tabi ko.
Walang pag-aalinlangang hinalikan ako sa labi kahit maraming taong kumakain din ngayon.
“Kain na tayo, Babe.” sabi niya bago bumalik sa upuan.
“Ah, Babe? Kahapon pa kasi ‘to gumugulo sa isipan ko eh. Kahapon ko pa ‘to gustong itanong sa ‘yo.”
“What is it?”
“Why did you meet up with your ex?”
Kita ko nga ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
“W-what?”
“Nakita ko kayo kahapon na magkasama.”
“Babe.”
“So, bakit nga ha?”
“Wala lang ‘yon. Nagkataon lang na nagkita kami sa place na ‘yun. And ‘yun lang.”
“Pero magkausap kayo.”
“Ito naman oh. May tinanong lang naman s’ya. After no’n umalis na rin ako. Pero bakit hindi mo ‘ko nilapitan? Nakita mo na pala ‘ko?”
“Ano’ng naramdaman mo nung makita mo ulit s’ya? Ano’ng naramdaman mo nung muli mong makausap ang ama ng anak mo?”
“Ano’ng klaseng tanong ba ‘yan, Enzo?! Parang may gusto kang palabasin ha?! Apat na taon na kaming break ni David! Ni hindi nga n’ya alam na may anak s’ya sa ‘kin ‘di ba? Dahil ikaw ang kinikilalang ama ni Dave. Hanggang ngayon ba, pinagdududahan mo pa rin ang pagmamahal ko sa ‘yo? Malapit na malapit na ang kasal natin oh. At sa tingin mo ba, magpapakasal ako sa ‘yo kung may pagmamahal pa ‘ko kay David?”
Tumango lang ako sa kaniya.
“Sige na, kumain na tayo.” saad ko.
“No! Nawalan na ‘ko ng gana!” aniya sabay kuha ng bag at lumabas na ng restaurant.
Bakit nga ba sinabi ko pa kasi ‘yung nakita ko?
Hinayaan ko na lang sana para hindi na kami nagtalo at para hindi na siya nagalit sa akin.
Sinita ko siya sa pagkikita nila ng ex niya, gayong ako itong may ginawang mali.
Ako itong may ibang babaeng ikin4ma kahit malapit na ang kasal namin.
Kahit lasing ako kagabi, alam ko, at naaalala ko ang lahat ng nangyari. Kung paano kong dinala sa hotel ‘yung babae.
Kung paano ko siyang hinalikan at hinawakan ang kataw4n niya. Na dapat ay kay Monica ko lang gagawin — sa araw ng honey moon naming dalawa.
Pero ang mas hindi ko makakalimutan ng malaman kong ako ang nakauna doon sa babae. Akala ko talaga ay hindi na s’ya virg*n kaya okay lang kung may mangyari sa amin.
Pero nagkamali ako.
Kung sa bagay, pareho lang namana kami.
Iyon din ang unang beses ko sa kama. Dahil never ko pang ginalaw si Monica. Kahit may anak na kasi s’ya ay gusto kong sa araw na ng honey moon kami gagawa ng kapatid ng anak niya.
Tinawag ko na nga ang waiter upang bayaran ang mga na-order namin ni Monica, at lumabas na nga lang din ako ng restaurant ng hindi nauubos ang pagkain ko.
At habang nagmamaneho ako paalis ng restaurant ay may nakita akong pamilyar na mukha.
Hindi ako puwedeng magkamali.
Siya ang babaeng iyon. Ang babaeng nakasama ko buong gabi hanggang umaga.
Naglalakad siya sa gilid ng kalsada at para bang may mabigat na problema.
Pero hinayaan ko na lang siya at nagpatuloy na ako sa pagmamaneho. Pero hindi ko pa rin maiwasang tignan siya sa side mirror ng sasakyanPagkatapos kong umalis sa resto ay nagtungo ako sa bahay nila ate. Para ipa-alam sa kaniya na natanggal na ako sa trabaho at obligado na s’yang magsustento sa anak niya.
“Wala akong maibibigay kay Kia, Eliza. Alam mo namang palamun*n lang din ako ng asawa ko. Buntis pa ‘ko oh. At ilang buwan nalang, manganganak na ‘ko. Pasensya na talaga. Wala rin ako.” aniya matapos kong sabihin ang problema.
“Pero paano naman si Kia? Paano naman ang anak mo, ate? Hindi naman ako hihingi sa ‘yo kung may trabaho pa rin ako eh. Dahil sa totoo lang ate, para ako ang nanay ni Kia at hindi ikaw!”
“Alam ko ‘yan, Eliza. Kaya nga ako humihingi ng pasensya eh. Wala rin naman akong mahihinging sustento do’n sa walang kwent4 niyang tatay. Lasenggo na, sugarol pa tapos babaero pa. Ang mal4s ko nga eh.”
“So, paano si Kia?”
“Hindi ko nga alam, Eliza. Paulit-ulit naman tayo eh.”
“Baka p’wede ka namang manghingi muna kay Kuya Jarred? Problema ko pa nga rin si nanay pati na mga bayarin sa bahay eh.”
“Sige, susubukan kong makahingi kay Jarred mamaya pag-uwi n’ya. Kumusta pala si Nanay? Alam kong stress na ‘yon sa napaka laki n’yang utang. Alam mo bang araw-araw akong kinakabahan. Baka totohanin kasi nung—“
“Okay na ate, nabayaran na namin.” sagot ko.
“A-ano? Paano? Saan kayo kumuha ng ganong kalaking halaga?”
“Binenta ko ang sarili ko sa mayamang customer sa resto kagabi.” diretsahan kong sagot.
“A-ano?! Eliza naman! Bakit?! Bakit mo ‘yun ginawa?!” halos mangiyak-ngiyak nga siya.
“No choice, ate. Mas okay na rin ‘yun. Kaysa hindi mabayaran ‘yung Kulas na ‘yon.”
“Nakaka inis! Naiinis ako sa sarili ko! Kung hindi lang sana ako nagpab*ntis ng maaga sa tatay ni Kia at kung nagpatuloy lang ako sa pag-aaral at nagkaroon ng magandang trabaho, hindi sana hahantong sa ganito ang lahat.”
“Wala na tayong magagawa, ate. Nandiyan na eh. Nangyari na ang mga nangyari. May kasalanan din naman si Nanay eh.”
“Alam ba ni Nanay? Alam ba n’ya ang pinagdadaanan mo ngayon?”
“Hindi ate. Wala s’yang alam. Ang buong akala niya, inutang ko lang ‘yung pera.”
Napasabun*t naman siya sa buhok niya at napaupo sa upuan.
“Nakaka inis! Nakaka inis! Pero heto ang tatandaan mo, Eliza. Kahit mabilis kumita sa ganiyan, wag na ‘wag mo ng uulitin ‘yan ha? Wag mong dungisan ang pagka-babae mo.”
“Wag dungisan ate? Nadungisan na eh.”
“Teka nga, paano kung… paano kung mab*ntis ka non ha? Ano’ng gagawin mo?”
“Edi, ipagpapatuloy ko. Talagang gano’n. Wala namang kasalanan ‘yung bata kung sakali. Pero, hindi naman siguro. Ayoko, ate. Kung magkaka anak man ako, hindi sa ganitong paraan. Gusto ko kapag nagka anak ko, doon talaga sa mapapangasawa ko.”
“Tama. Kaya sana, hindi ‘yan magbunga.”
“Okay lang kung bunga ng mangga eh.” pagbibiro ko.
Sakto naman na dumating na ang asawa niyang si kuya Jarred.
“Oh, nandito pala ang maganda kong hipag eh.” saad nito.
“Hello, Kuya.”
“Ikaw lang? Hindi mo kasama sila Nanay at Kia?”
“Hindi, Kuya. Ako lang ang nagpunta dito.”
“Ah, Mahal? May sadya kasi si Eliza. Nawalan kasi s’ya ng trabaho. Eh, kailangan ng pang gastos ni Kia. Baka meron kang—“
“Oo naman. Sige, magbibigay ako ng para kay Kia.”
“Salamat, Kuya Jarred. Siya nga pala, baka may alam kang trabaho? Kahit ano lang. Kahit tindera o kasambahay. Papatusin ko na ‘yan. Mas mahirap walang trabho.”
“Ay, sakto, hipag! Yung pinsan kong si Juris, naghahanap ng kasama sa pinagtatrabahuhan niya. Kasi ‘yung taga linis daw don sa bahay ng amo n’ya. Nag-asawa na, kaya umalis na do’n. Nagpapahanap nga sa akin eh. Wala naman akong maipasok. Gusto mo, ikaw nalang?”
“Hala, kuya. Maraming salamat. Hindi ko tatanggihan ‘yan. Sige kamo, sabihin mo sa pinsan mo na may nahanap ka na. Kahit bukas, p’wede na ‘kong mag-umpisa.”
“Ay, sige. Wait, tawagan ko.”
Tinawagan nga ni Kuya Jarred ang pinsan niya at sinabi nga niyang may nahanap na siyang papasok at ako nga iyon.
“Oo naman, masipag ‘tong hipag kong ‘to. Wala ‘tong inaatrasan. Bukas daw p’wede na s’yang magsimula. Bale ilan ba ‘yung mga amo n’yo d’yan? Ah apat lang? Tapos ‘yung isa, lilipat na rin ng bahay kapag kinasal na? Okay, sige. Sabihan ko ‘tong hipag ko. Ikaw na rin ang sumundo sa kaniya dito bukas ng umaga.”
Pagkatapos nga nilang mag-usap da cellphone ay hinarap ako ni Kuya Jarred.
“Dito ka n’ya susunduin bukas ng umaga, hipag. At wag ka raw mag-alala kasi mabait ‘yung mag-asawa. Yung magiging amo mo. Ganoon din daw ‘yung mga anak. Dalawang lalaki raw ‘yon. Yung isa, aalis na rin dahil mag-aasawa na.”
“Okay, kuya. Salamat talaga ah.”
“Walang anuman, hipag.”
Sinabi ko na nga rin kay nanay na nasesante na ako sa resto pero sinabi ko rin na may bago na akong papasukan.
“Sorry, anak ha? Mula nung mawala ang tatay mo at nung mabuntis ang ate mo kay Kia, ikaw na ang naging bread winner ng pamilya.”
“Ayos lang po ‘yun, ‘Nay. Wala pong problema ‘yun sa akin. Hangga’t kaya po, fight lang!”
“Napakabait mo talaga, anak. Pero sana, wag mo pa ring kalimutan ang sarili mo. Mag boyfriend ka na. Hindi ka naman na teen-ager. 24 years old ka na.”
“Nay, wala pa po sa isip ko ‘yan. Saka na ‘yang lovelife na ‘yan. Makakapaghintay ‘yan. Saka, may hinihintay ako eh.”
“Hinihintay manligaw? Hulaan ko kung sino.” naka ngiti niyang sabi.
“Sige nga po.”
“Si Miguel.”
“Naku, Nay. Hindi ah. Kaibigan ko lang po si Miguel. Si Joshua Garcia po ang hinihintay ko.”
“Halos mapuno na nga ng picture niya ‘yung kuwarto mo eh.”
“Pupunuin ko po talaga ‘yon hanggang kisame.”
Natawa na lang kaming pareho dahil sa sagot ko.
“Mag e-empake na po ako. Kasi po, stay-in ako do’n. Pero may day-off naman po. Twice a month. Kaya, hindi n’yo ako gaanong mami-miss.”
“Lagi kang tatawag, anak ha?” sabay hawak niya sa mukha ko.
“Opo, nay.”
KINABUKASAN nga ay nagpunta na ako kila Ate.
“Sakto, kararating lang din ni Juris dito. Ah, Juris, ito ‘yung hipag ko.” pagpapakilala sa akin ni Kuya Jarred sa pinsan niya.
Nakipagkamay naman ang pinsan niya kaya agad kong tinanggap ang palad nito.
“Yung ganda mo, hindi pang kasambahay.” saad nito.
“Naku, grabe naman po.” nakangiting sagot ko.
“Juris, ikaw ng bahala sa kapatid ko ha? Ikaw ng bahalang magturo ng mga gagawin n’ya.”
“Oo, Elijah. Ako ng bahala sa kaniya. Hindi naman din s’ya gaanong mahihirapan dahil wala namang bata na nagdudumi sa bahay. Kapag nakapaglinis s’ya sa umaga. Sa hapon na ulit ang pagwawalis. Yun nga lang, maluwang ‘yung pool area at gusto ng mga anak ng amo ko na laging malinis ‘yon. Nalalaglagan din kasi ng mga dahon kasi may mga puno do’n eh.”
“Kayang-kaya ko po ‘yan, ate Juris.”
“Ayos pala eh. So, ano? Tara na?”
“Sige po. Bye, ate. Bye, kuya.”
“Mag-iingat kayo.” sabay na sabi nila ate at kuya Jarred.
Habang nakasakay nga kami sa tricycle ay todo kwento siya tungkol sa mga anak ng amo niya ganoon din sa mga amo niya.
Ayon sa kaniya ay mababait naman ang mga ito. Pwera sa bunsong anak na minsan ay may kasungitan daw at istrikto.
“Pero, hindi naman laging masungit si sir Enzo. May time lang talaga na masungit. Palabiro din ‘yon. Pero kapag nakita mong seryoso ang mukha, ‘wag kang magbibiro or kahit ang kausapin s’ya.”
“Hala, nakakatakot naman pala s’ya.”
“Di bale, aalis naman na ‘yon eh. Ikakasal na. Lilipat na sila sa pinagawa niyang bahay. Kaya, si Sir Seb na lang ang maiiwan.”
“Nauna pa ‘yung bunsong ikasal ‘no?”
“Oo nga eh. Si Sir Sebastian kasi, mula nung mag break sila ng Girlfriend niya, five years ago, hindi na s’ya nag girlfriend ulit. Parang ano… parang nagka trauma sa pag-ibig. Ewan ko ba, napaka pogi naman. Pero nagawa s’yang lokohin nung babae.”
“Sinong mas pogi sa magkapatid?”
“Yung panganay ah. May hawig ‘yun kay Joshua Garcia at Alden Richards eh.”
Napatili nga ako ng mabanggit niya ang pangalan ni Joshua Garcia.
“Hala! Parang makikita ko na pala ng personal ‘yung crush na crush kong artista!”
“Oo, parang siya talaga. Kahit sa pag ngiti. Pero guwapo din naman ‘yung bunso.”
Hanggang sa makarating na nga kami sa bahay na pagtatrabahuhan ko.
Grabe, ang laki!
Mukhang maghapon akong maglilinis dito.
Pagkapasok namin sa loob ay agad niya akong ipinakilala sa amo niyang babae na mala Dawn Zulueta ang ganda.
“Ma’am, ito na po ‘yung kasambahay na sinasabi ko po.”
Lumapit naman sa akin si Dawn Zulueta. Este ang amo kong babae.
Hinagod ako ng tingin nito kaya medyo nahiya ako.
“Sure ka, hija? Na kasambahay ang papasukan mong trabaho? Marunong ka bang maglinis ng bahay? Eh, parang papel lang sa opisina ang kaya mong hawakan eh.” nakangiting sabi nito.
Medyo kinikilig naman ako.
“Magaling po akong maglinis, Ma’am. Sanay po ako sa mga gawaing bahay.”
“Talaga?”
“Opo, Ma’am.”
“Sige, sabi mo ‘yan eh. Pagkatapos n’yong kumain ng almusal. Paki linis na ang kuwarto at C.R namin ng asawa ko ah?”
“Sige po, Ma’am.”
“Mommy, wala bang ibang food?”
Napatingin naman ako sa nagsalita at nanlaki ang mga mata ko ng mamukhaan ko ito.
Mabilis akong umiwas ng tingin at tinakpan ko pa ng buhok ang kalahati ng mukha ko.
“May gusto ka bang ipaluto pang pagkain, anak? May sinundo kasing bagong kasambahay si Juris eh.”
“Naku po! Kapag minam4las ka nga naman. Dito pala nakatira ‘to! Heelllppp!” wika ko sa aking sarili.
Wala na nga akong nagawa kun ‘di ang humarap sa lalaking ito. At nagpanggap na lang akong hindi ko siya namumukhaan.
“M-magandang umaga po.” nahihiya kong pagbati sa kaniya.
Pero hindi siya tumugon. Nakatingin lang siya sa akin.
“Halla! Mukhang namumukhaan niya ‘ko!” wika ko ulit sa aking sarili at napa pikit sandali.
“Juris, paki prituhan naman ako ng luncheon meat. Yun ang gusto kong ulam ngayon.”
“Okay, sir.”
Hanep ah. Parang hindi ako nakita at narinig.
Pero ayos lang ‘yun.
Mas mabuti nga ‘yun eh.
“Ah, halika na, Eliza. Ilagay mo na muna sa kuwarto natin ‘yang maleta mo.”
Agad naman akong sumunod kay ate Juris.
“Oh, see? Ang sungit ng mukha ‘di ba?” aniya.
“Oo, ate. Parang dinosaur eh.”
At sabay nga kaming natawa Gulat na gulat ako ng makita ko dito sa bahay ang babaeng naka one nigt st4nd ko. Hindi ko alam kung paano niyang nalaman kung saan ako nakatira at kung ano ba ang binabalak niya.
Bayad ko siya, pero bakit tila may balak siyang manggulo sa akin.
Pero ayoko siyang komprontahin. Baka kasi nagkakamali lang ako. Baka nagkataon lang ang lahat.
Nagpapanggap nga ako na hindi ko siya namumukhaan at mukhang ganoon nga rin siya.
At hindi ko alam kung paano ko pa itatago ang malaki kong sikreto, gayong nandito na siya. Sana lang talaga, hindi siya magsalita.
“Tol, may new maid na raw? Totoo ba?” tanong sa akin ni kuya pagkagising niya.
“Oo, kuya. Late ka nanaman nagising ah. Nakapag breakfast na kami.”
“Oo nga eh. 2 am na kasi akong nakatulog. Inaantok pa nga rin ako eh.”
“Bakit naman 2 am na? Grabeng late naman n’yan.”
“Hindi ko alam eh, halos one week na rin akong ganito. Hirap na hirap akong makatulog. Mukhang may insomnia na ‘ko. Hays, maka kain na nga lang. Pero sa pool area ko gustong kumain.”
“Sige kuya, utusan mo na lang ‘yung new maid para dalhan ka ng pagkain sa pool.”
“Hindi ko naman alam kung nasaan siya.”
Nang bigla nga kaming mapatingala sa hagdan dahil pababa na ito.
“Oh, hayan siya.” sabay turo ko.
Hinintay nga namin siyang makababa. At nang magtagpo ang mga mata namin ay agad siyang umiwas ng tingin at si kuya ang binati niya.
“M-magandang umaga, sir. Ikaw po siguro si Sir Sebastian? A-ako naman po si Eliza. Bago po ninyong kasambahay.”
“Hi, Eliza. Kasing ganda mo naman ang pangalan mo.”
“S-salamat, Sir Sebastian.”
“Uhm, p’wede mo ba akong dalhan ng food sa pool area? Dun ko kasi gustong kumain.”
“Oo naman, sir. Sige po. P-pero saan po ‘yung pool dito?”
“Nasa likod.” sagot ko.
Hindi naman siya tumingin sa akin kahit ako ang sumagot. Dahil kay kuya talaga siya nakatitig.
_____________
ELIZA’s P.O.V
Ang lakas nga ng kabog ng dib-dib ko ng makita ko na si Sir Seb. Tama si ate Juris. Napaka guwapo nga nito. Pinaghalong Joshua Garcia at Alden Richard nga. Para itong korean.
Nakakapagtaka lang na hindi sila magkahawig ni Sir Lorenzo. Dahil si Sir Lorenzo ay moreno. Pero guwapo din naman siya. Yun nga lang, mas matingkad ang kaguwapuhan ni Sir Sebastian.
Tuwang-tuwa nga ako dahil ako ‘yung nautusan niyang maghatid ng pagkain sa kaniya. Chance ko na ito para makita ko ulit siya.
Nang mahatiran ko nga siya ng pagkain ay nagpasya akong maglinis na rin ng swimming pool. At habang naglilinis ako ay panay ang tingin ko sa kaniya.
Pasulyap-sulyap ba.
Hindi ko talaga siya pagsasawaang pagmasdan.
Para siyang magandang tanawin na nakaka relax pagmasdan.
At dahil panay ang tingin ko sa kaniya ay bigla akong…
Nalaglag sa pool.
Hindi ko namalayan na tubig na pala ang nahakbangan ko Kakatingin ko sa kaniya.
“T-tulong!” sigaw ko dahil ang lalim pala ng tubig at hindi ako marunong lumangoy.
Buong akala ko, si Sir Seb na ang tutulong sa akin pero…
Si Sir Lorenzo ang lumundag para sagipin ako.
Hiyang-hiya ako dahil sa nangyari. Feeling ko kasi, nakita niya ang nangyari. Kung paano akong nahulog.
Nang masagip nga niya ako ay idinala niya ako sa gilid.
“Are you okay?” agad niyang tanong.
Tumango lang ako. At napatingin kay Sir Seb na halatang nag-aalala rin sa akin.
Nag-aalala ang future husband ko.
I’m sorry, Joshua!
Mukhang ipagpapalit na kita.
Umahon nga kami sa pool at napatingin pa si Sir Lorenzo sa uniform ko na basang-basa na ngayon.
“Inunahan mo pa ‘kong maligo dito ah.” aniya.
“S-sorry, sir.” sagot ko.
“Sa trabaho kasi ang tingin. Hindi sa kung saan-saan.”
Napakagat-labi na nga lang ako.
Sabi na eh. Sabi na’t nakita niya ako na tingin ng tingin sa kuya niya.
“O-opo. Sorry talaga.”
“Sige na, magbihis ka na.”
“Opo.”
Pagtalikod ko nga ay napatampal nalang ako sa noo ko.
Sayang, si Sir Seb pa naman ang gusto kong sumagip sa akin.
Pero, ayos lang. Ang importante ay buhay.
Takang-taka nga si Ate Juris ng makita niya akong basang-basa.
“Oh, ba’t basang-basa ka? Umulan ba sa labas?”
“Literal na na-fall ako.” sagot ko.
“Na-fall? Kanino? Kay sir Seb o kay sir Enzo?”
“Sa pool. Kainis!”
“Ay nge! Bakit ka naman nahulog do’n?”
“Kakasilay ko kay sir Seb.”
“Anak ka ng tinapa. Magbihis ka na. Buti at sa tubig ka nalaglag at hindi nabag*k yang ulo mo sa tiles.”
“Buti nga eh.”
“So, ano? Sinagip ka ni sir Seb?”
“Hindi, ate. Si sir Enzo ‘yung sumagip sa ‘kin. Hindi ko nga akalain na… na nandoon ‘yun eh.”
“Naks ah! Sa iba ka nakatingin kaya ka na-fall sa pool tapos si sir Enzo ‘yung sasagip sa ‘yo. Kung hindi lang sana siya ikakasal. Alam mo, bagay kayo ni sir Enzo.”
Hindi na nga ako kumibo at dumiretso na ako sa C.R.
Diretso ligo na ako at nilabhan ko na rin ang uniform ko.
Pagkabihis ko ay diretso linis na ulit ako ng bahay. Da sobrang laki nga ng bahay na ito ay hindi ko alam kung kailan ako matatapos maglinis.
Mabilis na natuyo ang buhok ko dahil tumapat ako sa electricfan habang naglilinis kanina sa living room.
Maya-maya nga ay lumapit sa akin si Ate Juris.
“Ah, Eliza. Sabi ni sir Enzo. Pakidalhan siya ng Juice at Sandwich.”
“Ah, sige ate. Si ano ba…si sir—“
“Wala na s’ya sa pool.”
“Ay, wala na ba? Sige ate, igagawa ko na ng meryenda si sir Enzo.”
Matapos ko ngang magawan ng meryenda si sir Lorenzo ay agad na akong dumiretso sa pool area kung saan siya naroroon.
Napa iwas pa ako ng tingin ng makita kong wala siyang damit pang itaas.
Pero bakit pa nga ba ako iiwas?
Eh, hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siyang naka hub4d.
Saka, nakita ko na ang lahat-lahat.
Seryso naman siyang lumapit sa akin. Akala ko ay kukuhanin na niya ang meryendang pinagawa niya pero…
“Alam kong ikaw ‘yan.” aniya, na nagpalambot ng mga tuhod ko.
“P-po? Ano pong ibig mong sabihin?” maang-maangan kong tanong.
“Sa tingin mo ba talaga, hindi kita namumukhaan, Eliza? Sinadya mo ba talagang magtrabaho dito?”
“Hindi po, hindi talaga, sir. Hindi ko alam na dito ka nakatira. Nagkataon lang na… na pinsan ni Ate Juris ‘yung live-in partner ng ate ko.”
“Nagtatrabaho ka sa resto ‘di ba? Bakit biglang naging kasambahay ka dito?”
“Sinesante na po ako nung manager. Dahil po sa… dahil po sa nangyari. Regular customer daw po dati doon ‘yung fiancee mo at ayaw daw po n’yang madamay if ever malaman daw po ng fiancee mo. Kasi nga po. Malaking eskandalo ‘yung kapag nangyari.”
Kitang-kita ko naman ang pag galaw ng adams apple niya.
Mukhng napalunok siya at kinabahan din.
“Hindi n’ya ‘yun malalaman if walang magsasabi.”
Tumango lang ako.
“Sure po ako, masasaktan s’ya ng sobra kapag nalaman n’ya.” nakayuko kong sabi.
Pero bigla niyang iniba ang usapan.
“Ba’t ganiyan kaikli ang short mo? May mga lalaki dito sa bahay. Ako at si Kuya. Tsaka ‘yung driver at hardinero.”
“Sorry, sir. Magpapalit po ako mamaya. Yung uniform ko po kasi, basa pa rin. Gawa nga po ng nalaglag ako kanina sa pool. Ito na po ‘yung meryenda mo.”
“Ba’t hindi ka makatingin ng diretso sa akin? Na para bang ngayon mo pa lang ‘to nakita?”
Sa pagkakataong ito ay ako naman ang napalunok.
“Daddy!” sigaw ng bata. Kaya napalingon kami rito.
Ano? May anak na siya?!
Agad na yumakap ang batang lalaki sa kaniya na parang nasa edad apat na taon. Kasunod naman nito ang magandang babae.
Sexy ito at short hair.
Napaka kinis ng balat niya at sobrang puti na para bang hindi nasisikatan ng araw.
“How are you, baby?” tanong ni sir Enzo sa bata.
“Okay lang po.” sagot naman ng bata.
Hanggang sa makalapit na nga ang fiancee ni sir Enzo at humalik ito sa labi niya.
Napa iwas naman ako ng tingin habang hawak ko pa rin ang juice at sandwich.
Para akong sin4mpal ng katotohanan.
Bigla rin akong nanginig dahil nasa harapan ko na ang babaeng napagtaksilan namin. Maging ang anak nila.
“Ah, Eliza. Pakidagdagan mo ang meryenda. Ahm, baby, ano’ng gusto mong meryenda?”
“Nothing, Daddy. I’m full. Mommy and I had a late breakfast.”
“Ah, gano’n ba? Wag mo na palang dagdagan, Eliza. Pakibaba na lang sa mesa ‘yang meryenda ko.”
“Okay, sir.” sagot ko.
“New maid n’yo?” tanong nga ng Fiance niya habang nilalapag ko sa mesa ang meryenda.
“Yes, babe. Kakasimula pa lang niya, today. Buti at nadalaw kayo ni Dave?”
“Nami-miss ka raw n’ya eh. Sabi ko nga, malapit na rin naman tayong magkakasama-sama sa iisang bahay. At ikaw ha? Tama na ‘yung pagseselos kay David.”
“Opo, Babe. Sorry ulit.”
“Ah, sir. Maiwan ko na po kayo.” pagpapa-alam ko sa kanila.
“Te, Juris. May tanong ako.”
“Ano ‘yun?”
“May anak na pala si Sir Lorenzo?”
“Akala mo ba talaga anak n’ya ‘yung batang nangpunta dito kanina? Hindi n’ya anak ‘yon.”
“Ay, weh?”
“Oo nga. Anak lang ‘yon ni Miss Monica sa ibang lalaki. Sa ex-boyfriend niya. Alam mo, ang swerte nga ni Miss Monica eh. Kasi, kahit may anak na s’ya. Minahal s’ya ng totoo ni sir Enzo. At tanggap din ng Pamilya Montenegro. Parang apo na rin ang turing nila sa bata. Kasi, para sa kanila, kapag mahal ng anak nila, mahal na rin nila. Ganoon kabait ang mga amo natin.” pagkukwento niya.
“Napaka bait nga. Ang ganda ni Miss Monica ‘no?”
“Sus! Sosyalen lang. May pampaganda eh. Pero kung walang make-up ‘yon or hindi branded ang mga suot no’n. Mas maganda ka pa ro’n eh.”
“Ikaw ha! Masyado mo akong pinapakilig n’yan, ate. Hayaan mo, sa kasal ko. Ipagte-take-out kita ng shanghai.”
“Ikakasal ka na?”
Nagulat kami pareho ng bigla na lang sumulpot sa likuran namin si Sir Lorenzo na may hawak na isang baso ng tubig.
Paktay!
Narinig kaya niya lahat ng pinag-usapan namin from the top?
Maging si Ate Juris nga ay nahiya.
“Ay, naalala ko. May hihiwain pa pala ako sa kusina, Eliza.”
Sabay eskapo nito.
Napatingin naman muli ako kay sir Enzo na halatang naghihintay ng sagot ko.
“Ahh… uhmmm…”
Nangunot naman ang noo niya. Mukhang naiinip na sa sagot ko.
“Kanina ka pa ba d’yan, sir? Narinig mo lahat?”
“Hindi. Yung last lang na sinabi mo. So, ikakasal ka na rin pala?”
“Ahh, opo! Ikakasal na rin ako.”
“That’s good. Congrats.”
“S-salamat, sir. Congrats din po.”
Ngumiti lang siya ng tipid sa akin at tumalikod na rin.
Bakit ko nga ba sinabing ikakasal na ‘ko kahit hindi naman?
Kung sa bagay, okay na rin na isipin niyang ikakasal ako.
Makalipas ang tatlong araw…
“Hoy, best! Hindi mo naman sinabing nakahanap ka na pala ng ibang trabaho. Galing ako sa inyo kanina at ‘yung nanay mo nga lang ang nagsabi sa akin na nagkasambahay ka.”
“Pasensya na. Hindi na ‘ko nakapag-paalam sa inyo ni Miguel. Alam ko kasi na ang O.A n’yo eh. Alam kong iiyak-iyak pa kayo kapag nalaman n’yong mag i-stay-in ako sa trabaho.”
“Talagang iiyak kami!”
“Oh, see? Kaya ayokong magpaalam sa inyo. Siya nga pala, may chika ako sa ‘yo.”
“T-talaga? Ano ‘yan, dali? Nabuhay bigla ‘yung d*go ko ah.”
“Diyan ka magaling basta tsismis e no?”
“Siyempre naman. So, ano nga ‘yang chika mo na ‘yan?”
Luminga muna ako sa paligid para masiguro kong walang parang kabuting susulpot bigla.
At nang matiyak ko nga ay saka pa lang ako nagsalita ulit.
“Uy, ano na?”
“Sandale, ito na! Naaalala mo ba ‘yung kinuwento ko sa ‘yo? Yung about sa naka one night ko?” mahinang sabi ko.
“Oo naman. Bakit ‘yun best? Muli ba kayong nagkita?”
“Hindi lang nagkita. Nagkasama pa kami.”
“W-what?! May naganap nanaman sa inyo? Isinuko mo nanaman?”
“Hoy, hindi ah! Ano kasi eh… anak siya ng amo ko. Dito ako ngayon nagtatrabaho sa bahay nila.”
“Hala, seryoso? Hala, bakit parang nakatadhana kayo?”
“Tse! Ano’ng nakatadhana ka d’yan?”
“Pinagtagpo kayong muli.”
“Ano ka ba? Ikakasal na s’ya.”
“Nalulungkot ka?”
“Siyempre, hindi. Bakit ako malulungkot?”
“Talaga? Kahit katiting na lungkot? Kaunting kirot at panghihinayang, wala ba talaga?”
“Wala nga! Hindi ko naman s’ya gusto. Yung kuya n’ya ang crush ko. Grabe, best! Ang guwapo.”
“Ay talaga?”
Nang bigla ko ngang matanaw si sir Sebastian.
“Nandito s’ya, best. Nandito s’ya sa garden.”
“Kuhanan mo ng litrato dali. Tapos send mo sa akin. Para makita ko kung gaano nga kaguwapo ‘yang kuya ng naka isang gabi mo hahahahah.”
“Sira ka talaga!”
“Sige na, dali na. Send mo sa ‘kin sa messenger.”
“Ayoko. Baka makita n’ya ‘ko.”
“Hindi ‘yan. Pasimple lang naman eh. Dalian mo na.”
“Oo na. Sige na. I-end call ko na muna. Tapos ise-send ko sa ‘yo.”
“Sige.”
Agad ko ngang nilagay sa camera at pasimpleng itinapat kay sir Seb. Medo malayo naman siya kaya hindi niya siguro mapapansin.
Pero pag click ko.
Biglang….
Sh*t, may flash pala ang camera ko.
Kaya nakuha ko ang atensyon niya.
Biglang nanginig ang mga kamay ko.
Hanggang sa nahulog nga ito sa bermuda grass. Agad ko namang pinulot at napansin ko ngang papalapit sa akin si sir Seb.
Yari ako nito!
Kainis!
“K-kinukuhanan mo ba ‘ko ng litrato?” tanong niya.
Kaya napatulala talaga ako habang nanginginig ang mga labi ko.
“N-naku, h-hindi, sir. Yung ano po ‘yung kinukuhanan ko. Yung ano po—“
“Patingin ng phone mo.”
“Po?!”
“Akin na ang phone mo. Patingin ako.”
Yari na talaga ako nito.
Dahan-dahan ko ngang iniabot sa kaniya habang napapa-pikit ako.
“Hindi naman maganda ang kuha mo sa ‘kin dito. Medyo blurd. Ulitin mo.”
Napamulat nga ako dahil hindi siya nagalit.
“Isa pa, po-pose ako ng maayos.”
“S-sir, h-hindi ka galit? Sorry po talaga. Yung kaibigan ko po kasi. Gusto raw po n’yang makita kung sino po ‘yung pinagsisilbihan ko.”
“Ganoon ba? Sige, selfie na lang tayong dalawa.”
Nanlaki naman ang mga mata ko at napangiti ako ng maluwang.
“Talaga po?”
“Oo, ako na ang maghahawak ng phone mo. Okay, one, two, three! Smile!”
Tiningnan nga muna niya ito bago ibinigay sa akin.
“Ayan, ang cute natin diyan.”
“S-salamat, sir. Sorry po ulit.”
Bahagya naman niya akong tinapik sa balikat.
“Ayos lang ‘yon.” sagot niya. Saka nga siya umalis.
Grabe! Napaka bait talaga niya.
Guwapo na nga. Napaka bait pa.
Malayong-malayo sa kapatid niyang masungit.
May pang wallpaper na ako sa cellphone ko nito
Hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko ang nangyari kanina. I don’t know if what Eliza said earlier is true—that her friend just wanted to see me.
Pero isa lang ang alam ko. Natutuwa ako sa kaniya. Kaya kung minsan — pasimple ko rin siyang pinagmamasdan.
Ang katulad niya ang gusto o hinahanap ko sa isang babae. Masipag at walang kaarte-arte sa buhay. At simple lang ang kaligayahan. Madaling pangitiin at patawanin sa simpleng bagay.
Bakit pakiramdam ko — nagugustuhan ko na siya?
Ganito talaga kabilis?
Nang may biglang kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Kaya lumapit ako rito upang buksan.
“Hi, sir. Kakain na po kayo. Pinapatawag ka na po ng mommy mo.”
“S-sige, susunod ako, Eliza. Salamat.”
Ngumiti naman siya sa akin at tumalikod na. May kakaibang tibok talaga ang puso kapag nakikita at nakakausap ko siya.
Pagkatapos naming mag dinner ay diretso ako sa pool area. Mas gusto ko talagang tumambay dito maging sa garden.
Nang bigla ko nanamang maalala si Eliza.
Hindi ko alam kung ano ang iuutos ko para mapa punta siya dito.
Hanggang sa maisip ko nga kung ano ang ipapadala ko sa kaniya dito.
Kaya agad kong tinawagan si Juris.
“Hello, sir? Why po?”
“Uhm. Namamahinga na ba si Eliza?”
“Hindi pa naman po. Nandito po sa tabi ko, nagsusuklay ng buhok. Bakit po pala? May iuutos ka po ba sa kaniya?”
“Oo sana eh. Gusto kong magpa-timpla ng gatas. If, okay lang? Kung hindi ako nakaka abala?”
“Okay lang daw, sir. Pahintay nalang daw po siya.”
“Ah, sige. Salamat.”
“You’re welcome, sir.”
Ilang minuto nga ang lumipas at nandito na siya.
“Hello, sir. Ito na po ‘yung gatas mo.” aniya. Sabay baba ng isang baso ng gatas sa mesa. “May ipag-uutos ka pa po, sir?”
“Pasensya na kung inabala kita ha? Alam kong oras na ng pahinga n’yo ni Juris eh.”
“Ayos lang po ‘yon. Maaga pa naman po. Saka, hindi pa naman po kami natutulog ni Ate Juris.”
Nang bigla nga akong mapatingin sa kabuuan niya.
Ang sexy niya sa suot niyang white sando at black short. Pero ayoko namang pag-isipan niya ako ng kung ano kaya agad din akong nag-iwas ng tingin.
“Uhm… so, p’wede akong magpasama sa ‘yo dito kahit mga 20 minutes lang? Ang boring kasi kapag walang kausap at kasama.”
“Okay lang naman po, sir. Sure po.”
Uminom nga lang ako ng kaunting gatas. Saka ako tumayo at nagpunta sa gilid ng pool.
“Halika rito. Dito tayo maupo.”
“O-opo.” sagot niya at nagmadali ngang lumapit sa akin.
Halos kalahating dipa nga ang layo niya sa akin kaya ako na ang tumabi.
Napatingin naman siya sa akin at halatang nahihiya.
“Anong trabaho mo dati, bago ma magtrabaho dito?” tanong ko para magka topic naman kami.
“Waitress po ako sa… sa resto po.”
Napatango-tango naman ako.
“Ba’t ka umalis?”
Sandali siyang natigilan at bahagyang napayuko.
“Nagkaroon po ng problema, sir. At hindi ko po kayang sabihin kung ano po ‘yun. Pasensya na po.”
“No, it’s okay. Hindi mo kailangang i-kwento sa ‘kin. Buti pumayag ‘yung boyfriend mo na magtrabaho ka rito as a maid?”
“Wala naman po akong boyfriend, sir.”
“Hindi nga? Totoo ba?”
“Opo. Wala po talaga. NBSB po ako.”
“Sa ganda mong ‘yan, wala kang naging boyfriend kahit isa? Parang hindi naman ako naniniwala.”
“May mga nanliligaw po. Pero, wala po akong sinagot sa kanila. Kasi po, wala pa po sa isip ko ang magkaroon ng BF eh. Naka focus po ako sa trabaho ko dati. Ako nalang po kasi ang inaasahan ng nanay ko eh. Mula ng mawala po si tatay.”
“So, hindi ka na pala nagkaroon ng time para sa pag-ibig.”
Umiling naman siya. “Hindi na po. Pero, okay lang naman po. Kasi, alam ko pong magkakaroon din ako niyan. Sa tamang panahon po. At gusto ko po kapag nagka boyfriend po ako. Siya na rin po ang makakatuluyan ko.”
“Ako rin, kapag nag girlfriend ulit ako. Gusto ko is siya na. Siya na ‘yung makakasama ko habang-buhay. Siya na ‘yung magiging nanay ng mga anak ko.”
“Eh, ano po ba ang hanap mo sa isang babae, sir?”
“Yung… ‘yung mabait. Hindi maarte, masarap kasama. Mapagmahal at masayahin. Ganoon ‘yung gusto ko. Kagaya mo.”
“P-po?”
“Ah, I mean, kagaya ng ugaling meron ka.”
Napangiti naman siya at tumango-tango.
“Ang ganda ng buwan ‘no, sir? Alam mo ‘yung parang ang lapit lang niya pero ang layo pala. Abot-tanaw pero hindi abot-kamay. Kagaya ng taong gusto ko.”
“Bakit naman mahirap para sa ‘yo na maabot siya?”
“Eh kasi po… magka-iba kami ng estado ng pamumuhay. Siya po, mayaman. Ako po feeling mayaman lang.” sabay tawa niya.
Pati nga ako ay napatawa na rin niya.
Tunay na ang gaan at ang sarap talaga niyang kasama.
Hanggang sa, marami pa nga kaming napagkwentuhan at hindi na namin namalayan ang oras
Kahit hindi na kami magkasama ni sir Sebastian ay nakangiti pa rin ako. May hang-over pa rin ako sa mga napag-usapan namin kanina.
Sobrang kinikilig talaga ako.
Baka nga mapanaginipan ko pa siya.
“Oy, matulog na. Damang-dama ko ‘yang kilig mo d’yan. Na para bang may kissing scene na naganap.” ani Ate Juris na nasa taas ang higaan.
Double deck kasi ang higaan namin.
“Ate naman. Walang gano’n. Happy lang ako kasi nakakwentuhan ko siya. Ang bait-bait talaga niya. Ang sarap niyang kausap. Kapag nagkukwento ako, nakatingin siya sa akin. Talagang pinapakinggan niya ‘ko.”
“Naku, baka naman inlove ka na sa kaniya ha?”
“Hala! What if, oo?”
“Wala namang masama. Pero tandaan mo, masakit masaktan. Sa lahat ng tao dito, mabait talaga si sir Seb. Pero bakit feeling ko, special ka sa kaniya?”
“H-ha? Ako? Espesyal sa kaniya? Paano mo naman nasabi ‘yan, ate?”
“W-wala. Feeling ko lang naman. Pero ‘wag tayong mag assume. Halika na, matulog na tayo. Ituloy mo na lang sa panaginip ‘yang kwentuhan n’yo. At baka sa panaginip mo may kissing scene na with aminan ng feelings.”
“Ateeee! Ano ba? Pinapakilig mo nama ako ng sagad eh.”
“Sige na, matulog na. Maaga pa tayong gigising bukas.”
Hanggang sa pagpikit nga ay nakangiti pa rin ako.
Grabe na ‘to.
___________
Nagising ako ng maramdaman kong may humahaplos sa mukha ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at pagtingin ko ay si Sir Seb ito.
Kaya napangiti ako.
“S-sir…” mahina kong sambit.
Pero ng lakihan ko ang mga mata ko ay si Sir Lorenzo pala ito at hindi si Sir Sebastian.
Kaya napabalikwas ako ng bangon.
“S-sir Enzo?! A-ano’ng ginagawa mo dito sa kuwarto namin?!”
Nang bababa na sana ako mula sa higaan ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko upang pigilan ako.
“Eliza…”
“Ano’ng ginagawa mo?!”
“I love you, Eliza. Mula nung… mula nung may mangyari sa ‘tin. Hindi ka na mawala sa isip ko. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na isa lang pagkakamali ‘yon. Na hindi kita dapat maalala o maisip pero… kusa talaga kitang naiisip eh. Yung init ng mga labi mo. Yung kat4wan mo. Paulit-ulit kong nararamdaman ‘yon kahit tapos na.”
Napalunok naman ako at napatitig sa kaniya.
“Alam nating mali ‘yon, sir. Kalimutan na po natin ‘yon. Ikakasal ka na.”
“Bakit gano’n? Bakit parang pakiramdam ko, bawat araw na lumilipas ay nababawasan ang pagmamahal ko kay Monica? Hindi pa naman siguro huli para umatras na ko sa kasal namin ‘di ba?”
“Hindi po maitatama ang mali ng isa pang pagkakamali. Bumawi ka nalang po sa kaniya.”
“Pero ikaw na ang gusto ko, Eliza.”
Sabay halik niya sa mga labi ko.
Napa pikit na lang ako habang magkalapat ang mga labi naming dalawa.
Hanggang sa…
“Oy, Eli! Gising na!”
Nararamdaman ko nga ang pagyugyog niya sa mga balikat ko.
Kaya napamulat ako.
Hinanap ko pa sa paligid si Sir Lorenzo pero wala siya.
Si Ate Juris lang ang naririto.
“Am i dreaming ate?”
“Oo! Nakakatawa ka. Bakit ngumunguso ka d’yan, ha?! Don’t tell me, napanaginipan mo si Sir Seb? Halla! Yung pinag-usapan natin kagabi, nangyari nga!”
“Hindi s’ya, ate.”
“Ha? Eh, sino?”
“Ang kontra bida sa love story namin ni Sir Seb.”
“Sino?”
“Wala ate. Hayaan mo na ‘yun. Hindi ko na rin maalala eh. Sige na, maghihilmos at magsisipilyo na ako. Para makapagsimula na ng trabaho.”
“Sige na, sabihin mo na sa ‘kin kung sino ‘yung kahalikan mo sa panaginip mo?”
Napahawak naman ako sa ibabang labi ko at biglang rumehistro sa isip ko ang mukha ni sir Enzo.
“Si ano… Si Sir Enzo.”
“Ano?! Wag mong sabihing may lihim ka ring pagtingin sa kaniya?”
“Naku, wala ate ah! As in, wala talaga. Ewan ko ba kung ba’t s’ya ang napanaginipan ko eh.”
“Naku. Iba na ‘yan.”
Napasapo na lang ako sa noo ko at nagtungo na nga sa C.R para makapag-hilamos.
Paglabas na paglabas ko nga ng kuwarto namin ay natanaw ko kaagad si sir Lorenzo.
Kahit panaginip lang ‘yon. Bakit bigla akong nahiya?
Sakto rin na napatingin siya sa akin kaya agad akong umiwas ng tingin.
Akala ko, aalis na siya pero lumapit siya sa akin.
“Paki una mo ngang linisan ang kuwarto ko.”
“S-sige po.”
“Salamat.
Habang nagluluto ng almusal si Ate Juris — ako naman ay nagpunta na sa kuwarto ni sir Lorenzo. Ngayon lang niya ito pinalinis sa akin. Hindi ko alam kung bakit.
Nung unang araw ko ay siya ang naglilinis ng kuwarto niya. Ayaw niyang may ibang nakakapasok dito.
Ang ganda ng kuwarto niya. Maayos at malinis pa. Kaya hindi ko alam kung anong lilinisan ko dito. Ang bango-bango rin.
Pero dahil pinapalinis niya. Pinunsan ko na ang mga naka display. Ang mesa niya kung saan nakalagay ang laptop niya. At kung ano-ano pa niyang mga gamit.
Binuksan ko rin ang closet niya para tingnan kung may kailangan akong ayusin dito. Pero maayos naman ang lahat. Nakakatuwa kasi napaka ayos talaga.
Para siyang babae pagdating sa kaayusan, at kalinisan.
Tiningnan ko rin ang drawer niya, baka sakaling may maayos ako dito.
At isang picture frame ang nakita ko.
Picture frame na nakataob.
Kinuha ko naman ito at iniharap sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong ako ang nasa litrato.
Litrato ko noong bata ako. Na nasa park.
Siya ‘yon? Siya ‘yung lagi kong kalaro sa park na mahilig maglitrato ng mga kung anu-ano?
Ang batang madalas kong kalaro noon. Ang batang pinangakuan ko na lagi kaming maglalaro sa park. Pero isang araw, hindi na ako nakapagpakita sa kanya dahil lumipat na kami ng tirahan.
Dati na pala kaming magkakilala.
At pinagtagpo na lang ulit.
“Tapos ka na bang maglinis dito? Paki sunod ang C.R ko ha?”
Hindi ko namalayan na pumasok na pala siya sa kuwarto niya. Mahigpit akong napahawak sa picture frame.
“Ba’t mo hawak ‘yan?” tanong niya ng makalapit sa akin.
“Kababata mo po?”
Nangunot naman ang noo niya dahil sa tanong ko at kinuha ang picture frame mula sa akin.
“Hayaan mo lang ‘yan sa drawer.”
“Sir, sino s’ya?”
“Bakit ba interesado ka sa picture na ‘yan ha?”
“Kilala ko po kasi siya.”
“K-kilala mo? Sigurado ka?”
“Opo, kilalang-kilala.”
“Nasaan siya ngayon?”
“Nandito. Nandito sa harapan mo.” sabay kuha ko ulit sa kaniya ng picture frame at itinapat ko ito sa mukha ko. “Oh, ‘di ba? Kahawig ko siya. Kasi ako ‘to, sir. Ako si Eli. Ako ‘yung kalaro mo lagi sa park kung saan ito kuha.”
Napatitig naman siya sa akin.
“Ikaw ‘yung batang hindi na nagpakita sa akin matapos mangako na lagi kaming maglalaro sa park na ‘yon?”
“Sorry, sir. Hindi na ako nakapunta nung hapon na ‘yon eh. Biglaan kasi ‘yung pag-alis namin sa inuupahan naming bahay. Pinalayas kami kasi tatlong buwan na kaming hindi nakakabayad.”
“Alam mo bang… lagi akong bumabalik doon? Umaasa na makita ka ulit. Na makalaro ka ulit. Pero kahit pala araw-araw akong bumalik doon, hindi na kita makikita.”
Napayuko naman ako.
At siya naman ay lalong lumapit sa akin. Iniangat niya ang ulo ko at nakipagtitigan sa akin.
“Ikaw ang unang babaeng naging kaibigan ko. Ikaw rin ang unang… ang unang naangkin ko.”
“Sir Enzo, ‘wag na sana nating pag-usapan ‘yung pagkakamali nating ‘yon.”
“Alam mo bang, first time ko rin ‘yon? Wala pa akong ibang babaeng naik4kama bukod sa ‘yo.”
Napalunok naman ako.
“W-wala pa pong nangyayari sa inyo ni Miss Monica?”
Umiling-iling naman siya.
“Wala.”
Saka siya tumalikod sa akin at bahagyang lumayo.
“Alam mo, hindi ko alam kung paano ko siyang haharapin na walang guilt na nararamdaman. Hindi ko alam kung deserve ko pa ba siya? Napagtaksilan ko s’ya eh. At araw-araw akong makokonsensya.”
“Sir…”
“Pero tuloy na tuloy pa rin ang kasal namin. Mahal na mahal ko siya.”
“Ayos ‘yan, sir. Masaya po ako para sa ‘yo.”
“Salamat. Gusto mo, sa ‘yo na ‘yang picture na ‘yan. Hindi ko na ‘yan kailangang itago.”
“Sige, sir. Salamat ah. Ang tagal mo rin itong naitago ah.”
Ngumiti naman siya. “Hindi ko talaga akalain na ikaw ‘yan.”
“Ako rin, sir. Hindi ko rin akalain na ikaw po ‘yan.”
Hinawakan naman niya ako sa braso.
“Hangad kong makakilala ka ng lalaking mamahalin at tatanggapin ka ng buong-buo, Eliza. Sorry sa nangyari sa ‘tin. Sorry kasi—“
“Ayos na po ‘yun. Nangyari na. Kalimutan nalang po natin.”
“Tama ka. Sige na, pakilinis na ang C.R ko. Kakain na kami.”
Ngumiti naman ako at tumango sa kaniya
“Eliza?”
“Sir Marco?”
“Wait, magkakilala kayo?” tanong ni Sir Sebastian.
Napatulala naman ako, habang hawak ko ang tray na may lamang meryenda na pinagawa sa akin ni Sir Seb.
Hindi ko akalain na kaibigan pala nila si Marco.
“Yes, magkakilala kami.” sagot niya.
“How?” tanong naman ni Sir Enzo.
Ibinaba ko naman sa center table ang meryenda nila.
“Wala ka na pala sa resto, Eliza? Dito ka na pala nagtatrabaho?”
Napatingin naman muna ako sa magkapatid bago ako sumagot sa tanong niya.
“Ah, opo.” tipid kong sagot.
“Bakit ka umalis don?”
“Uhm… ano kasi eh…” sabay tingin ko kay Sir Enzo na titig na titig sa akin.
Baka iniisip niya na ituturo kong siya ang dahilan.
“Mahirap din kasi sa resto, sir. Puyat ‘yung kalaban ko.”
Napatango-tango naman siya.
“Paano ba kayong naging magkakilala?” tanong nanaman ni Sir Seb.
“Nililigawan ko siya dati.” sagot ni Marco.
“Ow, really?” tanong ulit ni sir Seb.
“Yeah. Ilang buwan din ba ‘kong nanligaw sa ‘yo? Three months or four months?”
“H-hindi ko na po maalala.” sabay yuko ko.
“Bakit hindi naging kayo?” tanong naman ni Sir Enzo.
“Pinatigil n’ya ‘ko sa panliligaw, dahil hindi pa raw s’ya ready na pumasok sa relasyon. Ang tagal ko ring nag move-on, Eli. Kasi, isipin mo ha? Four months akong nanligaw sa ‘yo. Asang-asa na ‘ko no’n na magiging tayo eh. Na sasagutin mo na ‘ko. Pero biglang—“
“Sir Marco, sorry talaga. Una palang naman sinabi ko na ‘di ba? Na… na hindi pa talaga ako ready. Pero sabi mo, hayaan lang kitang manligaw. Kasi willing ka naman maghintay. Pero dahil ayoko pa talaga, tinapat na kita.”
Nangingiti naman ang magkapatid dahil sa sinagot ko kay Marco.
Napatango-tango na lamang ulit si Marco at hindi na nagsalita.
Mukhang nasupalpal ko yata siya.
Aalis na sana ako ng biglang magsalita ang dream guy ko.
“Sama kayo sa ‘min sa court, Eliza. Kayo ni Juris.”
“Po?”
“Sabi ko, sama kayo ni Juris sa amin. After namin mag meryenda. Alis na tayo.”
“Sasama po kami?” paniniguro ko.
Tila nabibingi ako ah.
“Oo, para may kasama kami. May taga cheer, ganoon.”
“Ah, sige po. Sabihan ko po si Ate Juris.”
“Sige.”
________
Pero bago ko pa man mapuntahan si Ate Juris ay may humatak sa akin papasok sa isang kuwarto.
Hindi ko na nagawang tumuli dahil tinakpan niya ang bibig ko.
“Sir Enzo?!” nanlalaki nga ang mga mata ko. “Ano’ng ginagawa mo ha?! Bakit mo ‘ko ipinasok dito? Oy, sir ha?! Mali ‘yang iniisip mo! Ano’ng gagawin mo sa ‘kin ha?! Lalabas na ‘ko!”
“Wala akong gagawin sa ‘yo. Itikom mo ‘yang bibig mo at baka halikan ko ‘yan. May gusto lang akong itanong sa ‘yo.”
“T-tungkol saan? I mean, tungkol kanino? Kay Marco ba?”
“Hindi ‘no!”
“So, tungkol po saan?”
“Tungko sa nangyari sa atin.”
“Nanaman?! Sir naman. Ulit-ulit ba? Akala ko ba, kakalimutan na natin ‘yon?”
“Wala akong protection na nagamit that night. Gusto ko lang malaman kung… kung wala ka bang nararamdaman?”
“Nararamdaman? Meron sir.”
“A-ano?”
“Naiinitan po. Ang init dito sa stock room n’yo.”
“Eliza naman! Ano ba? Seryoso ako. Wala ka bang nararamdamang pagbabago sa katawan mo? Wala ka bang morning sickness?”
Nangunot naman ang noo ko.
“Wala naman. Bakit po ba?”
“Baka hindi agad-agad nararamdaman. Mag-iingat ka sa pagkilos ha? Lalo na kapag naglilinis ka sa C.R. Madulas pa naman.”
“Sir, iniisip mo bang… iniisip mo ba na baka may nabuo?”
“Oo, Eliza. Paano kung meron? Paano kung nab*ntis pala kita?
“Hindi p’wede ‘yon sir.”
“Kahit ayaw natin. Wala naman tayong magagawa.”
“Sana talaga — wala. Kasi, kawawa naman ‘yung magiging anak natin. Magiging illegitimate child siya.”
“Hindi mangyayari ‘yon.”
“A-anong ibig mo pong sabihin?”
“Dahil pananagutan ko kayo.”
Napa iling-iling naman ako.
“Hindi sir. Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ako mahal. At hindi ko rin mahal. Mahirap ‘yon. Isa pa, masasaktan mo ng sobra ang fiancee mo. Kaya kung meron mang mabuo. Pakasalan mo pa rin ang totoong maha mo. Sige na po, lalabas na ‘ko.”
“Teka lang, Eliza.”
Pero hindi ko na siya pinansin pa. At binuksan ko na nga ang pinto para makalabas ako. Pero…
Biglang naririto si Ate Juris.
“Eliza? A-anong ginagawa mo rito? Naglilinis ka?”
Napatulala naman ako.
At bigla na lang sumulpot sa likuran ko si Sir Enzo.
“Hala, magkasama kayo sa loob?”
“Ate Juris, wait lang ha? Bago ka mag-isip ng negatibo. Wala kaming ginagawang masama ni sir. May inayos lang kami dito sa loob.”
“Wala naman akong iniiisip na kung ano. Nagtaka lang ako na magkasama pala kayo ni sir.”
“Excuse me.” ani sir Enzo at tuluyan na nga itong lumabas.
“Bakit parang badtrip ‘yon?”
Nagkibit-balikat lamang ako.
“Siya nga pala ate, sama raw tayo sa court.”
“Sinong sasamahan natin?”
“Sila sir Seb.”
“Aba, ayos ‘yan ah. Game ako d’yan.
Sumama nga kami sa kanila sa court dito sa village. Para kaming body guard ng tatlo dahil nasa likuran nila kami. Pero panay naman ang lingon sa amin ni Sir Seb. At sa bawat lingon niya ay ngumingiti siya sa amin.
Grabeng ngiti naman iyan. Nakakawala ng pagod. Tapos magkakatinginan kami ni Ate Juris at magngingitian din. Alam na alam talaga niyang kinikilig ako.
Nang makarating nga kami sa court ay nagsimula na silang mag basket ball.
“Go, sir Seb!” sigaw ko.
Lumingon naman sa akin si Marco na para bang sinasabi niya na siya ang i-cheer ko.
Neknek niya!
Pagkahagis nga niya ng bola ay na-shoot ito sa basketball ring kaya napalundag ako sa tuwa.
“Wag kang lumundag!” sigaw ni sir Enzo, kaya lahat kami ay nagulat.
At bigla ko ngang naalala ang napag-usapan namin kanina. Iniisip talaga niya na baka may nabuo kami.
Kaya naman naupo na nga lang ako at pumalakpak. Hanggang sa nag-aagawan na sila ng bola at kung sino ang next na makakapag shoot sa puso ko este sa ring pala.
So, ayun nga, si sir Enzo ang nakakuha ng bola at nakapag shoot. Pero wala siyang palakpak at sigaw na natanggap mula sa amin ni Ate Juris.
Lumingon pa siya sa akin pero agad din namang umiwas ng tingin.
“Go, sir Seb! Go, sir Sebastiannnnn!” sigaw ko. At may pa taas-taas pa ng kanang kamay.
Halata namang naiinis sina Marco at sir Enzo dahil puro si Sir Sebastian ang chini-cheer ko.
“Yung may pinakamaraming shoots, may kiss kay Eliza.” sigaw ni Ate Juris kaya bigla ko siyang napalo sa balikat.
“Go, sir Seb!” sigaw pa niya.
At para maungusan ni Marco si sir Seb ay nakita naming tinabig niya ito.
“Oy, walang ganyanan!” sigaw ko.
At halatang nagkaka initan na sila. Pawis na pawis na rin sila. Kaya napagpasyahan naming tawagin na sila para maibigay ang thumbler nila.
Lumapit naman sila sa amin. At kinuha ko ang isang thumbler at iniabot kay sir Seb.
“That’s mine.” saad ni sir Enzo.
“Ay, sorry po. Sayo po pala ‘to. Akala ko kay sir Seb.”
Hindi naman siya kumibo at kinuha ito sa akin.
Grabe, kahit pawisan na silang tatlo. Ang gugwapo pa rin. Pero siyempre, mas pogi ang sir Seb ko.
Buti may dala akong panyo ko, kaya pinunasan ko ang mukha ni sir Seb.
Nakatingin naman sa akin ang dalawa na sila sir Enzo at Marco.
“Sorry po. Iisa lang ang panyo kong dala eh.” sabi ko sa kanila sabay ngiti.
Umiwas naman ng tingin si Sir Enzo.
At nagatuloy na nga ulit sila sa pagbababasket-ball.
Mas nakakarami nga ng shoot ng bola si Marco. At kada shoot nito ay tumitingin sa akin at kinikindatan ako. Nginingitian ko naman siya ng mapang-asar. Pero kumikindat pa rin.
Akala naman niya, nakaka kilig ‘yon.
Hanggang sa…
Bigla akong tinamaan ng bola sa dibdib.
Sapul na sapul talaga.
Lahat sila ay nagpanic.
Nagsitakbo silang tatlo palapit sa akin at ako naman — iniinda ko yung sakit.
“Hala! Tinamaan mo s’ya, Seb. At sa dibdib pa niya talaga.” ani Marco na akmang tutulong sa akin pero hinawi siya ni sir Enzo.
“Sobrang sakit ba, Eliza? Mukhang kailangan ka naming dalhin sa ospital?”
“Ospital agad, sir?”
“Baka kung napano ‘yan eh.”
“Sorry, Eli. Sorry talaga. Tama si Enzo. Baka kailangan kang dalhin sa ospital para malaman kung—“
“Hindi na po. Medyo nawawala na rin ‘yung sakit.” sagot ko.
“Sorry talaga, Eli.”
“Ayos lang po. Hindi mo naman po sinasadya eh.”
“Umuwi na tayo. Kaya mo bang maglakad, Eli? Or kailangan kitang ipasan?” tanong ni Sir Seb.
“Aray, masakit pa rin pala. Sige po, ipasan mo po ako.”
Napa irap naman si sir Enzo at si Marco.
Nagpunta nga ako sa likuran ni sir Seb para makapasan sa kaniya.
Salamat sa pagtama sa akin ng bola.
Dahil mapapasan ako ng dream guy ko.
Habang naka pasan nga ako sa kaniya ay paulit-ulit niya akong tinatanong kung masakit pa raw ba? Paulit-ulit din siyang nagso-sorry sa akin.
“Ayos lang po. Unti-unti na rin pong nawawala ang sakit.”
“Magpahinga ka na pag-uwi natin sa bahay ha?”
“Opo, salamat po.”
“Juris, gusto mo, ipasan din kita?” rinig kong sabi ni Marco.
“Hindi na sir, hindi naman ako tinamaan ng bola. Kaya ko namang maglakad.”
Napangiti na lang ako ng palihim at palihim na inaamoy-amoy si Sir Seb. Kahit pawisan — ang bango pa rin niya
Alalang-alala nga sa akin si Sir Seb at alam kong ganoon din si Sir Enzo. Kahit pa nga sinabi ko naman na sa kanilang okay na ako.
Hindi na rin nila ako pinakilos pa pag-uwi namin. Pero naaawa naman ako kay Ate Juris kaya tumulong pa rin ako sa kaniya.
“Sabi nila sir, magpahinga ka nalang ah.”
“Hayaan mo sila, ate. Eh, ang dami pa nating gagawin eh. Tsaka, okay naman na talaga ako.”
“Grabe ‘yung eksena kanina ha? Para akong nanonood ng taping. Akalain mo ‘yon. Tatlong lalaki ‘yung lumapit sa ‘yo na nag-aalala. Tapos, dib-dib lang ‘yung tinamaan sa ‘yo, pero parang pati paa mo napilay na. Kung sa bagay, kung ako ‘yon, mas malala pa ang gagawin ko. Aba, chance ko na ‘yon eh.”
“Nakaka kilig si Sir Seb ‘no? Ang bait-bait niya.” saad ko.
“Mabait din naman si Sir Enzo ah. Ay, teka nga pala. True ba?”
“Ang alin, ate?”
“Na dati mong suitor si Sir Marco?”
“Paano mong nalaman?”
“Pinag-uusapan ka nila kanina eh.”
“Ay, weh?”
“Oo nga. Pagkatapos ka raw niyang ligawan ng ilang buwan, pinatigil mo lang daw s’ya. Eh, bakit nga ba? Guwapo naman si Sir Marco ah. Hindi mo ba s’ya bet?”
“To be honest, ate. Crush ko s’ya nung una. Pero nung nakikita ko na halos iba-iba ang dine-date sa resto. Bigla akong na turn off sa kaniya. Tapos isang araw, nagkita ‘yung dalawang dine-date n’ya do’n. Ayun, nag-away. Kaya hayun, kabilaan ‘yung s4mpal na natamo niya. Tapos ‘yung ka-date din niya, that night. Iniwan din siya. Tapos, bigla nalang siyang manliligaw sa akin, kasi wala na siyang mauto. Sinabi ko sa kaniya no’n na hindi pa ako ready, ayokong sabihin ‘yung totoo na ayokong maging isa sa mga nil*loko niya. Pero mapilit eh. Kaya, hinayaan ko. Pero naaasiwa ako sa kaniya talaga. Kaya pinatigil ko na. Kasi, wala naman talaga akong balak na sagutin s’ya eh.”
“Ibang klase pala ‘tong si Sir Marco ‘no? Buti hindi nahawa sa kaniya si Sir Seb.”
“Buti na nga lang talaga, ate.”
________
Kinagabihan, pagkatapos kong kausapin si nanay ay may biglang nag friend request sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kong si Sir Sebastian.
Napatili talaga ako kaya nagulat si Ate Juris.
“Oy, ano’ng nangyari sa ‘yo d’yan?”
“May nag friend request sa akin na anghel, ateeee!”
“Huh? May social media na rin pala ang anghel ngayon?”
“Si Sir Seb, ate! Paano niya kaya nalaman ang facebook account ko?”
“Baka sinuggest ‘yung account mo. Yung sa people you may know?”
“Ah, baka nga.”
“Accept mo na dali!”
“Naku, makikita niya mga jeje pictures ko noong 2016 pababa.”
“Ayos lang ‘yan. Maganda ka naman kahit noon pa.”
“Si ate talaga. Gandang-ganda sa ‘kin.”
“Pero wait, paano kung biglang manligaw sa ‘yo ‘yan si sir Seb?”
“Naku, ate Juris! Malabo pa ‘yon sa malabo. Basta ako, hanggang crush crush lang. Hanggang paghanga lang gano’n. Mahirap magmahal ng kagaya nilang mayaman eh.”
“Bakit naman mahirap, aber?”
“Eh, s’yempre, mahirap lang ako. Maid lang. Tapos sila, mayaman. Sa tingin mo, matatanggap ako ng family n’ya?”
“Hays, bakit naman hindi? Eh, kung si Miss Monica nga na may anak sa ibang lalaki, natanggap nila para kay Sir Enzo. Ikaw pa kaya? Ikaw pa kaya na dalaga? At mukhang wala pa namang experience sa ano. Basta, alam mo na ‘yon.”
Natigilan naman ako at napalunok.
Hanggang kailan ko kaya maitatago sa kanila ang tungkol sa nangyari sa amin ni Sir Enzo.
“Basta ate, malabo talaga ‘yan.”
“What if nga lang eh.”
“Nakalimutan ko ng i-accept si Sir Seb. Wait lang, ate ha? Accept ko muna siya.”
“Sige lang. Bukas na lang tayo mag chikahan. Bebe time na namin ng boyfie ko eh.”
“Sige ate. Sana all may ka bebe time.”
Nang ma-accept ko nga ang friend request ni sir Sebastian ay may bigla itong message sa akin.
“Ilan uniform mo, Eliza?” chat niya.
“Tatlo na po. Nung una isa lang sir. Bakit po?”
“Ahm. Gusto ko lang sabihin na. Na hindi mo na need mag uniform sa bahay. Kayo ni Juris.”
“Pero po si Maam ang nagbigay ng uniform ko.”
“Kami ni Lorenzo ang nagpapasahod sa inyo hindi si Mommy. Kaya ako ang masusunod. No uniform na, simula tomorrow.”
“Copy, Love.”
“Ay este sir.”
“Naku! Paano to iunsent?”
Nagulat nga ako sa nai-type ko. Kaloka.
I-a-unsent ko na sana ng bigla siyang typings na. Kaya nabitiwan ko ang phone ko at sobrang kinakabahan.
“It’s okay, Love.”
Halos lumundag ang puso ko ng tawagin niya akong love.
Grabe! Matutulog nanaman ako ng masaya!
“Love?” reply ko.
“Yes, love?” reply niya nanaman.
Tinatawag niya talaga akong love.
Nakaka inis!
Este, nakaka kilig!
“Sorry, sir. Namali lang po ako ng nai-type.” palusot ko.
“Ayos lang ‘yon. Hehe. Siya nga pala, okay ka na ba talaga? Hindi na masakit? Sorry ulit ha?”
“Hindi na po. Okay na okay na po ako.”
“Mabuti naman. Sige, good night na.”
“Good night din, sir.”
At ayun nga. Sineen nalang niya ang reply ko.
Kinuha ko naman ang unan ko at niyakap ko ito. Iniisip ko na — siya ito. At hinahalik-halikan ko pa talaga.
Hays, malala na ata ‘tong kab4liwan ko sa kaniya
Dahil natawag kong Love si Sir Sebastian kagabi — nahihiya tuloy akong magpakita sa kaniya ngayon. Todo iwas din talaga ako sa kaniya.
“Ah, Eli. Pakibigay naman kila Sir Enzo at Sir Seb itong kape nila. Nasa garden sila. Mamaya papasok na rin sa opisina ang mga ‘yon.” saad ni Ate Juris.
Iniiwasan ko na nga, nautusan pa talaga akong magbigay ng kape nila.
“Hala, ate. Nahihiya ako kay sir Seb.”
“Ayan kasi. Bahala ka diyan. Sige na, hinihintay na nila ‘yan. Marami pa akong gagawin. Mamaya, magtutulong tayo sa labahin at plantsahin.”
“Bakit kasi dalawa lang tayo ‘no? Ang yaman naman nila. Afford naman nila kahit sampung kasambahay.”
“Apat talaga kami dito dati. Kaso nga lang. Halos wala ng ginagawa ‘yung iba. Tsaka, wala namang mga bata eh. Goods lang ‘yan. Madali lang naman ‘di ba? Hindi rin araw-araw nagpapalaba.”
“Kung sa bagay nga naman ate. Kering-keri naman nating dalawa eh. Kinekembotan nga lang natin ang mga gawaing bahay eh.”
“Oh, siya. Sige na, kembotan mo na ‘yung dalawa do’n. Hinihintay na ‘yang kape nila.”
“Hala, ateeee…”
“Dali na!”
“Oo na, ito na.”
Nagtungo nga ako sa garden kung saan naroroon ang mga ito. Tamang kwentuhan lang ang magkapatid na parang magbarkada lang.
Nakakatuwa talaga sila.
Napaka close nila sa isa’t-isa
“Good morning, mga sir! Here’s your coffee na po.”
At pinilit ko ngang huwag mahiya kay sir Seb. Kunwari wala lang sa akin ‘yung kagabi.
“Thank you, Eli.” pagpapasalamat niya.
Nakatingin lang naman sa akin si Sir Enzo at napansin kong tumingin siya sa tiyan ko. Kaya napahawak ako dito
“Maiwan ko na po kayo mga sir. May mga gagawin pa po ako sa loob.” pagpapa alam ko sa kanila.
“Sige, Eli. Thank you ulit, ha?”
“You’re welcome, sir.” sabay ngit ko ng matamis.
___________
LORENZO’s P.O.V
“Ang cute ni Eliza ‘no, ‘Tol?” ani Kuya pagka alis ni Eliza.
“Medyo.” sagot ko.
“Anong medyo? Cute naman talaga siya. Ang charming nga niya eh.”
“Bakit parang may laman ‘yan, kuya?” tanong ko.
“Tol, I like her.” aniya na nagpa kirot sa puso ko.
“What?”
“I said, i like—“
“Hindi puwede, kuya.”
“But why?”
“Ikakasal na s’ya.”
“Really? Pero ang sabi n’ya sa ‘kin, single siya.”
“Ano? Idine-deny niya ‘yung fiance niya? Ano’ng pag-uugali meron ang babaeng ‘yon?”
“Tol, wala talaga s’yang boyfriend o fiance.”
“So, ako pala ‘yung niloko n’ya?”
Nagkibit-balikat lamang si Kuya.
“Kuya, may past kami ni Eliza.” saad ko na ikinagulat niya.
“A-ano? Are you serious? That’s imposible!”
“May nangyari na sa amin, kuya.”
Natawa naman siya ng mapakla.
“Joke ‘yan ‘no?”
“Naaalala mo ba ‘yung kinuwento ko sa ‘yo, about my childhood friend?”
“Yeah. Wag mong sabihing—“
“Yes, kuya. Si Eliza ‘yon. At siya rin ‘yung naka one n*ghy st*nd ko.”
Napanganga lang si Kuya. Habang umiiling-iling.
“Gets ko na. Kaya pala napaka protective mo sa kaniya kahapon. Binawal mo pa siyang tumalon ‘di ba? Pero paano n’yong… paano n’yong nakakaya na magpanggap na parang walang nangyari sa inyo?”
“Dahil kailangan, kuya. Ikakasal na ‘ko ‘di ba? Gusto rin nyang kalimutan na namin ‘yung nangyari.”
“Paano kung nab*ntis mo s’ya, Enzo? Ano’ng gagawin mo ha?”
“Mukhang hindi naman, kuya. Pero kung may nabuo. Kailangan kong gawin ang tama at nararapat. Pero kung wala. Mas okay ‘yon.”
Napabuga naman siya ng hangin at tumayo.
“Oh My God, Enzo! This is ridiculous! Are you really telling the truth? This might just be a prank, right?”
Umiling naman ako. “No, kuya. Totoo ang mga sinabi ko. Eliza is my first friend, first crush and first —“
“Pero kung walang nabuo sa isang gabing pagkakamali na ‘yon. Tuloy ang kasal n’yo ni Monica ‘di ba?”
“Oo, kuya. Tuloy na tuloy.”
“Saan mo ulit natagpuan si Eliza? Sa resto ba?”
“Oo, sa resto.”
“Ano si Eliza do’n?”
“Waitress.”
“Tapos?”
“Waitress lang kuya. At ako lang ‘yung… ako lang ‘yung naglabas sa kaniya. Lasing na kasi ako no’n, pero alam ko lahat ng ginagawa ko. Virg*n siya kuya, nung may mangyari sa ‘min. At ‘yun din ‘yung dahilan kung bakit siya napa alis sa resto. Sana kuya, walang ibang maka alam nito ha? At sana, walang magbago sa pagtingin mo kay Eliza. Hindi s’ya mad*ming babae, kuya. Nagkataon lang na… na sinamantala ko ‘yung kahinaan niya. Binayaran ko siya, binayaran ko ‘yung isang gabing ‘yon. Kapalit din ng pananahimik niya. Nalaman ko kasing may malaking utang ang nanay niya at pinagtatangkaan na ito. Kaya malamang, ‘yung binayad ko sa kaniya. Ibinayad niya sa utang ng nanay niya.”
“Salamat, tol. Sa pagiging honest at pagiging open mo sa ‘kin. Makaka asa ka na, hnding-hindi magbabago ang pagtingin ko sa kaniya.”
“Salamat, kuya.”
“Pero may tanong lang ako sa ‘yo.”
“Ano ‘yon, kuya?”
“Nung nakita mo s’ya ulit at nalaman mong siya ang kababata mo. Wala ka bang naramdaman? Hindi mo na ba s’ya gusto?”
“Inaamin ko kuya na may kaunti akong pagtingin sa kaniya. Pero pilit kong pinuputol. Pilit kong pinipigilang mas lumalim. Kasi, lalo na akong nagtat4ksil nito kay Monica eh.
Pagkatapos naming maglaba at magplantsa ay inutusan ako ni Ate Juris na bumili sa save more. Ibinigay niya sa akin ang listahan ng mga bibilhin ko roon.
Pagkalabas ko nga ng save more ay may nakita akong pamilyar sa akin. Iniisip ko kung saan ko ito nakita.
Nang bigla kong maalala na si Miss Monica nga pala ito. Sakto naman na patapat na sila sa akin.
“Miss Monica?”
Napahinto naman siya.
“Who are you?!” tanong niya sabay hawak sa braso ng lalaking kasama niya.
“Ikaw po ‘yung fiancee ni Sir Enzo, ‘di ba?”
Bigla nga siyang bumitaw sa lalaki at bigla akong hinatak palayo rito.
“Ikaw ‘yung bago nilang maid, right”
“O-opo. Ako nga.”
“Don’t tell Enzo that you saw me, okay?! The guy I’m with—he’s my brother.”
“Kapatid po? Eh, bakit parang nagulat ka kanina? Saka, kung kapatid mo s’ya. Bakit hindi p’wedeng malaman ni sir Enzo?”
“Ba’t ba ang dami mong tanong ha?! Maid ka lang naman nila?! Umalis ka na nga! Masyado kang pa-bida eh! Get out!”
“Oo na po. Aalis na! Hindi mo ‘ko kailangang sigawan!”
“Wala kang nakita ha?!”
“Oo, wala na! Baka bulag ako ‘no?”
“Hoy! Bakit ganiyan ka kung makasagot-sagot sa akin ha?! Baka nakakalimutan mo kung ano ka lang? Maid ka lang naman nila Enzo ‘di ba?”
“Eh, ano naman? Kahit maid ako, tao pa rin naman ako, ah! Bakit ayaw mong malaman ni sir Enzo na nagkita tayo? Siguro, may nililihim ka sa kaniya ‘no?”
“Of course not! Anong ililihim ko sa fiancee ko, ha?!”
“Eh, bakit nga po ayaw mong malaman niya?”
“Basta! Wala ka na do’n! Itikom mo na lang ‘yang bibig mo at baka pasakan ko ng toilet tissue ‘yan! At kapag kinasal na kami ni Lorenzo, mag good bye ka na sa bahay nila dahil palalayasin na kita! Ayoko ng maid na mas mald*ta pa sa akin! Kuha mo?”
“Tagalog man po ‘yon, pero hindi ko na-gets. Sorry.”
Akma sana niya akong sasamp4lin pero mabilis kong nahawakan ang braso niya.
“Wag na ‘wag mong padadapuin sa pagmumukha ko ‘yang malambot mong mga palad. Sige ka. Baka masugat ‘yan.” sabay bitaw ko sa braso niya.
“Nakaka inis ka!”
“Nakaka inis ka rin!”
Akma nanaman sana niya akong sasamp4lin pero pinigilan na siya ng lalaking kasama niya.
“Tama na ‘yan, Monica!”
“Siya kasi kuya eh.” pagpapa bebe nito.
“Sumbungera ‘yarn?”
“Ano’ng sabi mo?!”
Nang bigla kong maalala na may kasalanan nga pala kami ni sir Enzo sa kaniya.
“Wala po. Sorry, Ma’am.”
“Bakit yata bigla kang umamo d’yan, ha?”
“Dahil ayoko na pong mag-away tayo. Sige po, hindi po malalaman ni sir Enzo na nagkita tayo.”
Napangiti naman siya at inayos ang buhok ko.
“Good girl. Thank you. Lets go, Kuya!”
Napabuga naman ako ng hangin ng makalayo na sila sa akin.
Bakit pakiramdam ko, may itinatago siya kay sir Enzo?
Kung sa bagay, pareho lang naman silang may inilihim sa isa’t-isa. At involved ako doon.
Pero paanong magiging masaya ang pagsasama nilang dalawa kung pareho silang may sikreto?
Kung si Sir Enzo, isang beses lang nagluko. Pero si Ma’am Monica, parang patuloy pa ring nagluluko.
Ang hirap nga lang mangialam sa kanila. Ayokong tuluyang maging sanhi ng ikakasira ng relasyon nila.
“Elizaaa!”
Napangiti ako ng mabosesan ko ang tumawag sa pangalan ko.
Kaagad akong lumingon.
Hindi ako nagkamali. Siya nga!
“Migueeelll!” sigaw ko.
Nagmadali nga siyang lumakad palapit sa akin. At nang malapit na siya sa akin ay bigla niya akong niyakap.
Yakap na sobrang higpit.
Na lagi naman talaga niyang ginagawa sa akin.
At sanay ako don. Dahil magkaibigan kami.
“Na-miss kita ng sobra! Ang daya mo, Eli. Hindi ka sa ‘kin nagpa alam.”
“Eh, sorry na. Biglaan kasi eh. Kay Shaina nga, hindi rin ako nakapag paalam”
“Day off mo ba ngayon?”
“Hindi ah. May pinabili lang sa akin diyan sa save more.”
“Ganon ba? Eh, kailan day-off mo?”
“Uhmm. 4 days na lang day-off ko na.”
“Ayun, sakto! Pasyal tayo sa gabi? Sakay tayo ng mga rides. Gaya ng ginagawa natin dati?”
“Uy, sige ba. Namiss ko ‘yan. Sama natin si Shaina?”
“Wag na muna. Hindi ako mag e-enjoy kapag kasama natin ‘yon. Lagi nalang akong inaano non eh. Tayong dalawa lang, please? May gusto rin kasi akong sabihin sa ‘yo.”
“May sasabihin ka sa ‘kin? Ano ‘yon? Dito mo na lang sabihin.”
“Hindi p’wede. Sa day-off mo na lang.”
“Ngi. May pa ganoon pa talaga siya. Okay, sige na nga.”
“Hatid na kita? Pabalik ka na ba sa trabaho?”
“Oy, wag na. Malayo din ‘yon. Sayang gas mo. Ang mahal pa naman ng gas ngayon.”
“Mahal din naman kita. Kaya, ayos lang ‘yon. Mas mabilis kapag naka motor.”
“Sige na nga. Makulit ka eh.”
Naglakad nga kami papunta sa motor niya at ng akma na akong sasakay dito ay may biglang humintong sasakyan.
Isang itim na kotse.
Nagbaba ito ng bintana kaya nakita ko kung sino ito.
“Sir Enzo?”
“Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya sabay tingin kay Miguel.
“Ah, sir. May mga pinabili lang po sa akin si ate—“
“Bumaba ka na d’yan. Sumabay ka na sa ‘kin umuwi. Uuwi na rin ako.”
“Po?”
“Ah, sir. Ako na po ang maghahatid sa girlfriend ko.” ani Miguel kaya nangunot ang noo ni Sir Enzo.
“What?!” tanong nito.
“Best friend po ang sabi niya. Sige na, Miguel. Sa kaniya na ako sasabay ha? Pasensya ka na.”
“Pero—“
Hindi ko na siya pinatapos pa at lumapit na lang ako sa kaniya sa harapan at pinisil ang pisngi niya.
“Kita na lang tayo ulit sa day-off ko.”
“Okay, sige.”
“Salamat, Miguel!”
“Love you!” sigaw pa niya ng iikot na ako para makasakay sa kotse ni sir Enzo.
“Love you too!” sigaw ko rin.
Pagsakay ko nga ng kotse ay salubong na salubong ang kilay ni sir Enzo
“Oh, sir? Bakit salubong ‘yang mga kilay mo? Sinong umaway sa ‘yo?”
“Sino ‘yon? Boyfriend mo?”
“Best friend nga po, sir.” sagot ko.
“Bestfriend pero nag i love you sa ‘yo? Tapos nag i love you too ka rin?”
“Wala namang masama do’n, sir ah. Mahal naman talaga namin ang isa’t-isa. I love you ‘yon as a best friend. Sayo nga, p’wede akong mag i love you pero as a boss, ‘di ba?”
Hindi siya kumibo pero nakita ko ang pag ngiti niya.
“Ang cute mo sir, pag ngumingiti ka. Nagiging kamukha mo si Empoy.”
“Sino ‘yon?”
“Artista ‘yon, sir. Pinaka pogi at pinaka swabe. Dinaig pa no’n si Vhong Navarro.”
“Ganoon siya ka gwapo?”
“Oo, sir.”
“So, pogi pala ako?”
“Eh, pogi ka naman talaga sir, ah? Sino ba’ng nagsabing hindi?”
“Sus, inuuto mo lang ako eh.”
“Siya nga pala, sir. Si Miss Monica ba may kapatid na lalaki or kuya?”
“Wala. Pareho silang babae at siya ang panganay. Yung bunso niyang kapatid parang nasa edad katorse or kinse. Pero nasa Australia. Siya lang nandito sa pilipinas.”
Napalunok naman ako.
Sabi ko na nga ba’t may ginagawang kababalaghan si Miss Monica, eh.
“Bakit mo pala natanong?”
“Wala naman, sir. Pareho pala kami. Dalawa lang din kaming magkapatid at parehong babae.’
“Parang kami lang din ni kuya. Dalawa lang din kami at parehong lalaki. Ang tatamad ng parents natin gumawa ‘no?”
Natawa naman ako sa sinabi niya. “Eh, ikaw ba, sir? Ilang anak ba ang gusto mo?”
“Gusto ko walo.”
Nanlaki naman ang mga mata ko.
“Walo? Ang dami naman non.”
“Walong dosena. Taon-taon ay buntis.” saka siya napatawa ng malakas at ganoon nga rin ako.
“Marunong ka rin palang tuma ‘no?” tanong ko habang tawang-tawa pa rin sa kaniya.
“Oo naman. Ano’ng akala mo sa ‘kin? Hanggang ngiti-ngiti lang?”
“Oo, sir.”
“Grabe ka sa ‘kin.” aniya.
“Ikaw sir ha? May itinatago ka pala?”
“Itinatago?”
“Oo. Palabiro ka rin po pala, sir.”
“Ganito naman talaga ako basta’t nakagaanan ko ng loob ‘yung tao.” sagot niya na nagpatigil sa akin sandali.
“So, ibig mo pong sabihin, sir, magaan na loob mo sa ‘kin?”
Sandali din siyang natahimik at tiningnan ako sandali.
“Hmmm… parang ganoon na nga.”
Napangiti naman ako at hindi ko iyon itinago sa kaniya.
Pansin ko rin na binabagalan niyang magmaneho.
Hindi ko alam kung sadyang nag-iingat lang siya o gusto niyang matagal pa kaming magkasama sa sasakyan niya.
“Kawawa naman ni Miss Monica kung walong dosena pala ang gusto mong anak?”
“Biro lang ‘yon. Siguro mga lima lang. Limang dosena.”
“Ewan ko sa ‘yo, sir.”
“Ako pala ang may tanong sa ‘yo. Di ba, sabi mo sa ‘kin may fiancee ka na? Wala naman pala ah.”
“Wala naman talaga sir eh. Binibiro lang naman kita, that time. Ikaw kasi eh, nakikinig ka sa pinag-uusapan namin ni Ate Juris. Kwan kasi ‘yon, if ever lang na ikasal ako, ipagte-take-out ko s’ya ng shanghai. Hindi ibig sabihin no’n na ikakasal na talaga ako. Wala ngang boyfriend, ikakasal agad?”
“Sorry na. Malay ko ba? Saka, p’wede mo naman sabihing wala eh. Pero sinabi mo pa ring may fiancee ka.”
“Joke ngani?”
“Pero hangad ko talaga na makatagpo ka ng lalaking mamahalin ka, kahit na… alam mo na… kahit hindi ka na ano.”
“Oo na, alam ko na po ‘yan. Sure naman ako na makakatagpo ako ng lalaking matatanggap ako. Ikaw nga ‘di ba, tanggap mo si Miss Monica kahit may anak na s’ya.”
“Ganoon talaga kapag mahal mo ‘yung isang tao.”
“Eksakto! Kaya alam kong may magmamahal pa rin sa akin. Kung hindi man tao, baka engkanto.”
Natawa naman siya.
“Ano ‘yun, isang engkanto na nainlove sa dalagang pilipina?”
“Mali! Engkanto na nainlove sa babaeng dala na.”
Natawa nga ulit kami.
Wala na, nagkakagaanan na talaga kami ng loob.
At alam kong mas marami pa akong matutuklasan sa ugali niya.
Halos isang buwan na lang, ikakasal na sila ni Miss Monica at aalis na siya sa bahay nila.
“Ano pala ‘yung tipo mo sa isang lalaki?” bigla niyang tanong.
“Siyempre, mabait. Pala-ngiti at pala-biro. Yung kaya akong patawanin araw-araw kahit wala na kaming isasaing at wala ng laman ang pitaka namin.”
“Puro ka talaga kal*kohan. Seryoso akong nagtatanong eh.”
“Seryoso din naman ‘yung sagot ko, sir. Yun talaga ‘yung gusto ko sa lalaki. Yung mabait at masayahin. Matangkad, maputi, at may dimple.”
“Parang si Kuya ‘yan ah?”
Natigilan naman ako at tumingin na lang sa bintana ng kotse.
“Oh, bakit nanahimik ka? Siguro, crush mo si kuya ‘no? At siya ang dini-describe mo? Pasok kasi siya sa lahat ng nabanggit mo.”
“Hindi sir ah. Si Joshua Garcia ang crush ko.”
“Yung ex ni Julia Montes?”
“Huh? Naging mag ex ba ‘yon? Baka si Julia Barreto.”
“Ah, oo pala. Julia Barreto nga pala. Yung anak ni Dennis Trillo.”
“Mali-mali ka naman, sir eh. Dennis Padilla kasi ‘yon.”
“Ay, oo pala. So, si Joshua pala ang crush mo ah?
“Siya nga, sir!”
“Eh, sinong mas pogi? Si Joshua o si Empoy?”
“Si Empoy ah.” sagot ko.
“Ibig sabihin, mas pogi pala ako kay Joshua? Kasi sabi mo, kahawig ko si Empoy kapag ngumingiti ako eh.”
“Oo, sir!” sabay yuko ko kasi natatawa ako.
“I-search ko nga mamaya si Empoy. Tignan ko nga kung gaano kami magkahawig. Baka kakambal ko ‘yon ‘no?”
Napakagat-labi naman ako.
“Alam mo sir, gwapo talaga si Empoy. Mabait pa ‘yon at… at kwela. Pero paki-usap, ‘wag mo ng i-search.”
“Gusto ko lang makita kung talagang magkahawig kami.”
Napakamot na lamang ako sa batok.
Hanggang sa makauwi na nga kami
Kanina pa kami hindi magkasama ni Eliza pero napapangiti pa rin ako sa tuwing naaalala ko ang mga biruan namin kanina.
Hindi ko akalain na makakabiruan ko siya ng ganoon. Kaya hindi nakakapagtaka na nagustuhan siya ni Kuya, kahit ilang araw pa lamang siya rito.
Sa kaniya ko lang din nailabas ang kakulitan ko. Bagay na hindi ko magawa kay Monica.
Napaka seryoso kasi sa buhay ng fiancee ko.
Nang bigla kong maalala ang pangalan na sinabi ni Eliza na di umano’y kahawig ko raw lalo na kapag ngumingiti ako.
Kaya naman agad akong nag online sa instagram ko at sinearch ko ang pangalang EMPOY.
At wala nga akong makitang ibang artista na nagngangalang Empoy.
Nag-iisa lamang ito.
Napahinga ako ng malalim.
“Puro kal*kohan talaga ‘tong babaeng ‘to.” wika ko sa aking sarili habang napapa iling na lamang.
Nang biglang tumawag sa akin si Monica.
Agad ko naman itong sinagot.
“Hello, Babe?”
“Babe, dumating na ‘yung wedding gown ko. Isinukat ko na rin. Bagay na bagay sa akin.”
“Sure ako, Babe, na isa ka sa pinaka magandang bride.”
“Thank you, Babe. Excited na ‘ko sa kasal natin.”
“Ako rin, Babe.” tugon ko.
Nang bigla kong maalala si Eliza. Paano kung may nabuo kami? Kaya ko nga bang umatras sa kasal namin ni Monica para sa kaniya? At paano ko itong ipagtatapat sa fiancee ko?
_________
ELIZA’s P.O.V
“Ate, nagki-crave ako sa grapes at pakwan. Puwede bang kumuha sa ref. nila?”
“Grabe naman ‘yang cravings mo, Eli. Gabing-gabi na. Pero oo, p’wede ka naman kumuha do’n. Hindi naman bawal eh.”
“Sige ate, kukuha ako ng ilang piraso lang ng grapes tapos isang hiwa ng pakwan.”
“Dagdagan mo na ‘yung grapes. Pahingi ako. Grabe ka, para kang naglilihi eh.”
“Lihi agad? Hindi ba p’wedeng nag crave lang?”
Ngumiti na lamang siya at hindi na sumagot.
Dahan-dahan nga akong nagtungo sa kusina, para hindi makalikha ng ingay. Hindi ko na rin binuksan ang ilaw. Dahil medyo may liwanag naman.
Saka may ilaw naman ang refrigerator, kaya makikita ko pa rin ang mga prutas na pakay ko.
Kumuha nga ako ng mangkok para dito ilagay ang mga ubas at pakwan. Dahan-dahan ko ring hiniwa ang pakwan para walang makarinig.
Ngunit ng ibabalik ko na ito sa ref. ay biglang bumukas ang ilaw sa kusina.
Pakiramdam ko ay nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makalingon. Nahihiya ako sa nagbukas ng ilaw.
As in, nakakahiya.
Paano kung daddy pa ito nila sir Enzo?
“Eliza?”
Agad ko namang nabosesan ito.
Dahan-dahan akong humarap at ngumisi sa kaniya.
“H-hi, Sir Seb. S-sorry po kung… kung nangialam po ako ng mga prutas.”
“No, it’s okay. Pero bakit hindi ka nag bukas ng ilaw? Ang dilim ah.”
“Uhm. Nakikita ko naman po, sir. Ikaw po pala? Ano pong gagawin mo dito? Magtitimpla ka po ba ng gatas? Gusto mo po ba, ipagtimpla kita?”
“Hindi na, Eli. Kaya ko na ‘to. Salamat.”
“Okay, sir.”
“Wag kang mahihiyang kumuha ng mga gusto mong kainin dito. Lahat ng pagkain dito ay para sa ating lahat, okay?”
“O-opo, salamat po. Punta na po ako sa kuwarto namin ni ate Juris.”
“Sige. Good night, Eli.”
Napakagat labi naman ako.
“Good night din, sir.”
Ngunit ng aalis na sana ako ay siya namang paglapit ni sir Enzo.
Nakatitig siya sa dala kong mga prutas.
“Gusto mo, sir?” tanong ko.
“Naglilihi ka na ba?” mahina niyang tanong.
Napalingon naman ako kay Sir Seb.
Buti na lang at busy ito sa pagtatakal ng gatas.
“Anong lihi ang sinasabi mo d’yan, sir?”
“Ayan, gabi na pero prutas pa rin ang gusto mong kainin.”
Natawa naman ako ng mahina.
“Grabe ka, sir. Gusto ko lang talaga.”
“Siya nga pala, nakita ko na ‘yung Empoy na sinasabi mo. Ikaw talaga, pinaglulul*ko mo ‘ko.”
“Bakit sir? Cute naman siya ah.”
“Bibilhan kita ng pregnancy test bukas.”
“H-huh?”
Pero hindi na siya sumagot pa. Dumiretso na siya sa kuya niya at nagtimpla na rin ng gatas
Kanina ko pa hawak ang pregnancy test na ibinigay sa akin ni sir Lorenzo pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang gamitin.
Ibinigay niya ito sa akin kagabi, at ngayong alas kuwatro ng madaling-araw ko palang gagamitin.
Halo-halong emosyon nga ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. At hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang lahat kay nanay, sa oras na mag positive nga ito.
At alam ko rin na malaking gulo ito.
May masasaktan kaming dalawa ni sir Enzo.
Huminga ako ng malalim bago ko ipatak ang ihi ko sa P.T.
At nang maipatak ko na ay pumikit ako.
Kung mag positive man ay, maluwag kong tatanggapin. At haharapin kahit mahirap.
Maya-maya nga ay iminulat ko na rin ang mga mata ko.
Dahan-dahang kong iniangat ang p.t upang mas malinaw ko itong makita.
Nang makita ko ang resulta ay bigla akong napaluha.
“Eliza, matagal ka pa ba d’yan? Ihing-ihi na ‘ko.”
Ani Ate Juris mula sa labas.
Mabilis ko namang ibinulsa ang P.T at binuksan ang pinto.
“Umiyak ka ba?” tanong niya.
“Hindi ate.”
“Anong hindi? Eh, namumula ‘yang mga mata mo. Yung totoo, Eli?”
Niyakap ko naman siya sandali.
“Ayos lang ako, ate. Thank you sa pag-aalala.”
“Iihi lang ako, mag-uusap ulit tayo.” aniya.
Tumango lang naman ako. At pumasok na nga siya sa C.R.
Paglabas niya ay ang seryoso ng tingin niya sa akin kaya kinabahan ako.
“Bakit ate?”
Iniangat naman niya ang pinaglagyan ng P.T.
“Ate…”
“Bakit ka gumamit nito? Sabi mo, wala kang boyfriend? Eh bakit ka nag P.T?”
Para ko talaga siyang tunay na ate. Bakas sa mukha niya ang pagtataka at pag-aalala.
At hindi ko alam kung kaya ko bang ipagtapat sa kaniya ang katotohanan.
“Wala naman talaga akong boyfriend, ate.”
“So, ano lang? Wag mong sabihing r4pe vict—“
“Hindi ate.” pagputol ko.
“Eh, ano nga? Bakit ka nga gumamit nito?”
Napalunok naman ako at lumapit sa kaniya.
Huminga pa ako ng malalim bago ako magsalita.
“May nangyari kasi sa amin ni… basta ate, hindi mo s’ya kilala eh. Lasing kami non pareho tapos ayun, may nangyari samin. Isang beses. At para makasiguro ako, nag P.T ako.”
Napasapo naman siya sa noo niya bago muling nag-angat ng tingin sa akin.
“Eh, ano’ng result? Positive o negative?”
___________
Nakatayo ako ngayon sa pinto ng kuwarto ni Sir Enzo. Hindi ko alam kung gising na ba siya. Akma na sana akong kakatok ng bigla itong bumukas.
Nagulat pa siya ng makita ako.
“Ginamit mo na?” tanong niya.
Tumango lang ako.
“Ano’ng result?”
Tanong niya mulit at halatang kinakabahan.
Ngumiti naman ako sa kaniya at kinuha ko mula sa bulsa ko ang P.T.
“Negative, sir. Tuloy na tuloy ang kasal n’yo ni Miss Monica.”
“Totoo ba ‘to? Baka naman hindi lang agad nadetect? Ulitin mo sa mga susunod na araw.”
“Teka, sir. Gusto mo ba na magka baby talaga tayo? Hindi ba’t pabor sa ‘yo ‘to? Na negative? Dahil ibig sabihin nito, walang magbabago sa inyo ni Miss Monica.”
Sandali siyang natigilan.
“Tama ka. Pero bakit sa kabilang banda, inaasahan kong maging positive?”
“Magkaka baby ka rin naman. Yung sa ‘yo talaga. Gawa agad kayo ni Miss Monica after ng kasal n’yo. Mas okay na nag negative ‘to, sir. Kasi alam mo na… magkakagulo eh. Mas masasaktan ang fiancee mo. Saka, mas gusto kong ikasal kay Joshua Garcia ‘no.”
Napangitin naman siya.
“Akala ko sa kahawig ko. Kay Empoy.”
Nginusuan ko lamang siya.
“Congrats sa nalalapit n’yong kasal ni Miss Monica. Sana, kambal agad para mas mabilis dumami at ma reached n’yo agad ang walong dosenang mga anak.”
“Baka iwan na ‘ko ni Monica kapag nalaman niyang walong dosena ang gusto kong anak.”
“At sasabihin no’n, na ikaw nalang ang magbuntis at manganak.” sagot ko.
“Sigurado ‘yan.
MAKALIPAS ANG HALOS ISANG BUWAN…
Habang hinihintay namin ang bride ay napapansin kong panay ang sulyap sa akin ni sir Enzo. Na para bang may gusto siyang sabihin pero hindi niya magawa.
Bakas din sa mukha niya ang lungkot. Ngumingiti lang siya kapag may lumalapit sa kaniyang mga kamag-anak, kaibigan o kakilala.
At pagkatapos siyang kausapin ay titingin nanaman sa akin.
“Parating na ang bride.” sigaw ng bridesmaid.
Kaya naman nagpasukan na kami sa loob ng simbahan.
Maya-maya nga lang ay dumating na rin ang bride.
Napaka ganda niya, pero halata pa rin sa mukha na maldita siya.
At habang naglalakad nga siya papunta sa groom niya ay may nilingon siya sa mga kalalakihan. At bigla na lamang itong naluha.
Hanggang sa makarating na nga siya kay Sir Enzo.
Nakangiti ako habang nakatingin sa kanila pero ramdam kong may kaunting inggit akong nararamdaman.
Bigla nalang pumasok sa isip ko — paano kung nabunt*s talaga ako? Tutuparin kaya niya ang sinabi niyang pananagutan niya ako?
Na ako ang pakakasalan niya?
Iniling-iling ko nga ang ulo ko upang mawala ito sa isipan ko. Dahil mali na isipin ko pa iyon.
Hanggang sa simulan na nga ang seremonya.
Pagdako nila sa wedding vows ay may biglang tumayong lalaki at sumigaw.
“Itigil ang kasal!” sigaw nito.
Namumukhaan ko ang lalaking ito.
Siya ang kasama ni Miss Monica noon.
Ang lalaking sinasabi niyang kapatid niya.
Nagkagulo ang lahat dahil sa pagtutol niyang iyon.
Nabalot ng bulung-bulungan ang loob ng simbahan.
“Hindi ko kayang maikasal si Monica sa ibang lalaki! Lalo na’t ako ang ama ng anak niya at ng—“
Naputol ang sasabihin nito matapos siyang sugurin ni Sir Sebastian at sinunt*k sa mukha. Na sanhi ng lalong kaguluhan. May mga umawat sa kaniya at inilayo siya sa lalaki.
“Ngayon ka pa talaga umeksena!” sigaw ni sir Sebastian. “Ayaw mo palang makasal siya, pero hinintay mo pa ang araw ng kasal nila!”
“Akala ko, kaya ko! Akala ko kaya ko siyang makitang ikasal sa iba. Pero hindi pala! Ako ang mas may karapatan sa kanila! Sa anak namin at sa ipinagbubuntis niya! Buntis si Monica at ako ulit ang ama!”
Napatulala nga ako sa narinig ko.
Gayon din ang lahat ng mga taong naririto.
Lahat kami ay gulat na gulat.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Sir Enzo pero bigla itong nawala.
“Nasaan na ‘yon?” tanong ko sa sarili ko.
Nag-aalala rin ako at baka kung anong gawin niya. Dahil sobrang laking kahihiyan ang nangyari.
Agad akong lumabas para hanapin siya. Nang may biglang humatak sa akin.
Paglingon ko ay si Sir Enzo pala.
“Sir Enzo?”
Walang reaksyon ang mukha niya pero luhaan ang mga mata niya.
“S-sir…” usal kong muli.
“Sakay!” utos niya sa akin, nang makarating kami sa kotse niya.
“Ha?!”
“Sakay! Dalian mo!”
“P-pero saan po tayo pupunta?”
“Basta! Sakay! Alam kong mangyayari ang lahat ng ‘to.”
“P-paano mong—“
Naputol nga ang sasabihin ko ng isara na niya ang pinto at umikot siya para magtungo sa driver seat.
“Sir, paano mong nalaman na mangyayari ‘to?” tanong ko ulit sa kaniya.
Naguguluhan talaga ako.
Pero hindi siya kumibo. At nagmadaling maka alis sa simbahan.
Nasa labas na rin ang ibang mga bisita. Kabilang na ang pamilya nila sir Enzo at ni Miss Monica.
May mga nagtangka rin na pigilan ang pag-alis namin.
“Umalis po talaga tayo sa kabila ng kaguluhan?” tanong ko nanaman.
Kahit hindi ko alam kung sasagot siya.
“Sila ang gumawa ng kaguluhang ‘yon, Eliza. Kaya bahala sila do’n.”
“Grabeng revelation no’n. Isipin mo, buntis pala si Miss Monica? Hindi lang pala tayo ang nagkasala. Pati din pala siya? Pero ‘yung kanya lang ang sumingaw. Siya lang lahat ang sumalo.”
“Matagal ko na ring nararamdaman na nilol*ko niya ‘ko. Pero hindi ko s’ya kinokompronta. Akala ko, mali ako ng akala. Pero totoo pala. Isang linggo, bago may mangyari sa atin. Gusto niyang mag s*x na kami. Pero tumanggi ako. Dahil gusto kong pagtapos na nga lang ng kasal. Pero nagalit siya sa ‘kin. Tapos ayun nga, nakita ko sila ng ex n’ya. Hindi ko sila pinuntahan. Hinayaan ko sila. Baka kako nagkataon lang na nagkita sila. Pero may ginagawa na pala silang kababalaghan. At gets ko kung bakit gusto ni Monica na may mangyari na sa amin. Para ipa-ako sa akin ang anak niya.”
Awang-awa naman ako sa kaniya habang nagkukwento siya.
“Saan po tayo pupunta ngayon?”
“Sa Batangas. May rest house kami do’n.”
“Nang tayong dalawa lang po?”
“Oo. Tayong dalawa lang.”
Napalunok naman ako.
“Pero sure po ako na mag-aalala sila sa ‘yo? Baka hinahanap na nga rin nila ‘ko.”
At sakto ngang may tumatawag sa akin.
“Si Ate Juris.”
“Wag mong sagutin. At p4tayin mo ang cellphone mo.”
“Po?”
Inagaw nga niya ang phone ko at ini-off niya ito.
“Gusto ko muna ng katihimikan.” aniya.
Hindi na nga ako nagsalita pa.
Inintindi ko na lamang ang nararamdaman niya.
At kapwa nga kami naging tahimik habang nagmamaneho siya. Nagtataka rin ako kung bakit ako ang napili niyang isama sa paglayo niya
Dahil sa katahimikan naming dalawa ay nakaramdam ako ng antok. Kaya naman, ipinikit ko ang mga mata ko.
Hindi ko nga namalayan na nakatulog pala ako. Nagising lang ako ng huminto ang sasakyan.
“Good evening.” naka ngiti niyang sabi. Na para bang walang problemang pinagdadaanan ngayon.
Napatingin naman ako sa bintana.
Akala ko talaga ay gabi na. Pero maliwanag pa naman.
“Nandito na po ba tayo, sir?” tanong ko.
“Hindi pa. Medyo malayo pa. Kain na muna tayo. Nagugutom na ‘ko eh.”
Napakapa naman ako sa tiyan ko.
“Nagugutom na nga rin po ako eh.” sagot ko.
Binuksan ko nga ang pinto ng sasakyan para makalabas kami.
Isang simpleng karinderya lang ang kakainan namin.
Napangiti naman ako, dahil kahit mayaman sila ay kumakain din pala siya sa ganito.
Hindi talaga sila maselan at iyon ang nakakatuwa sa kanila.
“Ano’ng gusto mong ulam?” tanong niya sa akin matapos naming tignan lahat ng ulam.
“Sinigang na baboy po sa akin. Para may sabaw.” sagot ko.
“Ate, dalawang order ng sinigang na baboy with two softdrinks. Pahingi na rin po ng sili.” sabi nga niya sa tindera. “Ilang cup ng rice sa ‘yo?” tanong niya sa akin.
“Ah, dalawa po.”
“Ate, tag dalawang cup kami ng kanin.”
“Okay, sir.” sagot ng tindera.
Nang pumasok na kami sa loob para maghanap ng mauupuan ay nakatingin silang lahat sa amin.
Siguro ay nagtataka sila dahil sa suot naming dalawa.
“Sir, pinagtitinginan nila tayo.” mahinang sabi ko sa kaniya.
“Maganda ka kasi.” sagot naman niya.
Halos mamula nga ako.
Nang may mapili na siyang table ay ipinaghila pa niya ako ng silya.
At inalalayan pa ako sa pag upo.
Naupo naman siya sa harapan ko at tumingin sa bandang dibdib ko.
“Wag kang gaanong yuyuko.” aniya. “Baka sumilip ‘yung lansones.”
Namilog naman ang mga mata ko.
“Ganoon ba ako ka flat para lansones?” mahina kong tanong.
Pero natawa lang siya.
Hanggang sa dumating na nga ang order namin.
Ang bilis niyang kumain.
Halatang gutom na talaga.
“Sir, tanong ko lang. Uuwi din ba tayo bukas?”
“No.” tipid niyang sagot.
“Po?! Pero paano ‘yung—“
Itinaas naman niya ang kamay niya.
Nangangahulugang itahimik ko ang bibig ko.
“Pero sir, baka kasi mag-alala sa ‘yo ang family mo.”
“Habang tulog ka kanina. Tinext ko si kuya. Sinabi ko sa kaniya na wag silang mag-alala sa akin dahil okay lang ako. Sinabi ko rin na magkasama tayo. Naayos na rin ang lahat. Umalis na rin daw sina Monica at David.”
“Alam po ba ni sir Seb kung nasaan tayo?”
“No, hindi ko sinabi. Dahil alam kong susunod lang siya sa atin. Gusto ko muna ng katahimikan. At ikaw ang gusto kong kasama, Eliza.”
“Pero wala po tayong pamalit.”
“May mga damit ako sa rest house. May mga damit din si Mommy do’n. Sure ako, kasya ‘yon sa ‘yo. Pareho lang naman kayo ng katawan.”
Tumango-tango naman ako.
Nang matapos nga kaming kumain ay dumiretso na kami sa rest house nila.
Napaka ganda ng rest house.
Nang tanawin.
Lalo na’t tabing dagat.
Hapon pa lang pero ang lamig-lamig na.
Perfect place talaga para sa taong gustong makatakas sa problema.
“Ang ganda naman po dito, sir.” saad ko.
“Nung mga bata kami ni Kuya, lagi kami dito. Ngayon, bihira na lang kaming makapunta dito. Mas masaya talaga noon. Kaysa ngayon. Busy na kasi sa kumpanya.”
“Kaya nga po eh. Ang sarap balikan ng pagka-bata. Walang mabigat na problema. Simpleng bagay lang noon ‘yung iniiyakan natin.”
“Tama.” sagot niya. “Tara, maglakad-lakad na muna tayo. Alisin mo ‘yung sandals mo at aalisin ko ‘yung sapatos ko para mas masarap maglakad-lakad sa mga pinong buhangin.”
Feeling ko tuloy ngayon, kaming dalawa ang nag ho-honey moon.
Inalis ko nga ang sandals ko at inalis din niya ang sapatos niya. At binitbit na lamang namin ito.
“Habulan oh?” aniya.
“Habulan?”
“Oo, tatakbo ako tapos hahabulin mo ‘ko.”
“Ano’ng premyo kapag nahabol kita?”
“Kiss sa lips.” sagot niya.
“Wag na lang pala.” saad ko.
“Okay, sige. Kapag nahabol mo ‘ko. Hahayaan kitang gumamit ng cellphone mo. Pero kapag hindi, bawal kang gumamit. Ano, deal?”
“Deal!”
Pagkasagot ko nga ay bigla siyang tumakbo.
Para kaming bumalik sa pagkabata.
Ganito din kasi kami noon.
Naghahabulan sa park.
Ngayon naman ay sa dalampasigan.
Nahihirapan akong habulin siya dahil sa suot ko. Isa pa’y mabuhangin. Mahirap talagang tumakbo.
“Oy, sir!”
“Habulin mo ‘ko!”
Mas binilisan ko nga ang pagtakbo para mahabol ko siya. Pero mas binibilisan din niya. Ang layo na tuloy namin sa rest house nila.
Napapagod na rin ako.
Pero siya ay halatang nag-e-enjoy pa rin.
“Sir! Pagod na ‘ko!”
Huminto naman siya at lumapit sa akin.
“Wala, mahina ka palang tumakbo eh.” pang aasar niya.
“Nahihirapan kasi ako sa suot ko.” sagot ko.
Naupo naman siya sa buhanginan at hinawakan ang kamay ko. “Halika, upo ka rin. Nakakapagod ‘no?”
“Ikaw eh. Habulan pa talaga ang nais.” sabay upo ko rin.
Sandali kaming naging tahimik.
Habang nakatanaw nga ako sa gitna ng karagatan at dinadama ang malamig na simoy ng hangin ay napansin kong nakatingin sa akin si sir Enzo.
Kaya ng humarap ako sa kaniya ay halos magdikit na ang mukha namin.
Napatitig kami sa isa’t-isa at biglang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko.
Wala akong nagawa kun ‘di ang mapalunok sa sarili kong laway.
Lalo na ng mas ilapit pa niya ang mukha niya sa akin.
Ang lakas bigla ng kabog ng dibdib ko.
Hanggang sa maglapat na nga ang mga labi namin.
Nagulat man ako pero hinayaan ko na lamang na mangyari.
Hinayaan ko na lamang na maglapat ang mga labi namin.
Walang katiting na pagtutol mula sa isip ko. Pumikit ako upang mas lasapin ang malambot niyang mga labi na nakadikit sa mga labi ko.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay agad siyang nag sorry sa akin.
Ako naman ay nanatiling tahimik.
“Tara na sa rest house? Pagod ka na rin ‘no? Gusto mong ipasan kita?”
Tatanggi sana ako.
Pero ng tanawin ko ulit ang rest house ay malayo na nga talaga kami.
“Sige po. Tutal ikaw ang may kasalanan kung bakit tayo napalayo doon.”
“Oo na po. Sorry na, Miss Ganda.”
Pumasan nga ako sa kaniya at dahan-dahan lang siyang naglalakad.
Kahit pagod na ako sa pagpasan sa kaniya ay hindi ko pa rin magawang ibaba siya. O huminto sa paglakad. Siya rin kasi ang nagsisilbing lakas ko ngayon.
“Baka pagod ka na po? Maglalakad na lang ako.”
“Hindi ka naman mabigat para mapagod ako.” sagot ko.
“Ano’ng hindi? Kahit payat ako, mabigat ako ah.”
“Sige lang, hayaan mo lang akong buhatin ka.”
“Sige po. Ikaw po ang bahala.” sagot naman niya.
“Ang payapay dito ‘no? Alam mo, sa ganitong lugar ko talaga gustong tumira kasa ang asawa at mga anak ko.”
“Ibig sabihin, dito mo pala gustong tumira kasama si Miss Monica?”
“Oo, pero ayaw naman niya. Mabo-boring lang daw s’ya dito. Uhm, Eliza? P’wede ba akong maki-usap sa ‘yo?”
“Oo naman po. Ano po ba ‘yon?”
“Wag na sana nating siyang pag-usapan. Ayoko ng marinig ang pangalan niya.”
“Ah, ‘yun lang po pala. Sige po.”
“May isa pa.”
“Isa pa? Ano pa?”
“Samahan mo lang sana ako dito hanggang kailan ko gustong manatili dito.”
“Eh, kawawa naman po si Ate Juris. Wala po siyang kasama sa bahay n’yo. Wala siyang makakatulong do’n. Baka umiyak na ‘yon sa pagod.”
“Ay, oo nga pala. Sige, kahit ngayong buong gabi lang. Bukas ng umaga, babalik na rin tayo sa bahay.”
“Sa reyalida.” saad niya.
“Tama. Para tayong nasa pekeng mundo ngayon eh. Or parang nasa panaginip.”
“Bababa na po ako. Pagod ka na eh. Sige na po.”
Ibinaba ko nga siya at sabay na kaming naglakad.
At habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang kamay niya.
Kaya napatingin siya sa akin. Nginitian ko lang siya.
Wala akong balak na bitiwan ang kamay niya. Hahawakan ko lamang ito ng mahigpit. At sa pagkakataong ito ay ipaparamdam kong mahalaga siya sa akin.
“Hayaan mo lang na hawakan ko ang kamay mo. Tutal, nasa panaginip lang tayo di ba? Pagbalik natin sa reyalidad. Si Joshua Garcia na ulit.” naka ngiting sabi ko sa kaniya.
Ngumiti lang din naman siya sa akin at itinuro ang payapang pag-alon ng dagat.
Sobrang saya talaga ng puso ko.
Parang gusto ko ng lumuhod sa kaniya ngayon at tanungin siya kung puwede ko ba siyang ligawan.
Pero alam kong mabibigla ko siya.
Dadahan-dahanin ko lang ang lahat.
Hanggang sa makarating na nga kami sa rest house.
“Buti po pala, dala mo ang susi?”
“Lahat kami ay may duplicate.” sagot ko. “Alam mo bang dito rin nag stay ng two weeks si kuya noon.”
“Talaga po?”
“Oo, nung nasaktan din s’ya dahil sa babae. Pero sinamahan ko siya ng ilang araw. Natatakot kasi ako na baka kung ano’ng gawin n’ya sa sarili n’ya. Siyempre, nasaktan ‘yon eh.”
“Close na close po talaga kayong magkapatid ‘no?”
“Sobra. Lahat ng sikreto ko, alam niya.”
Bigla siyang napatitig sa akin.
“Why?” tanong ko.
“Edi pati ‘yung… ‘yung nangyari po sa atin, alam niya?”
Napalunok ako.
Kailangan kong magsinungaling sa kaniya upang hindi siya mailang kay kuya.
“Ah, hindi ah. Hindi ko ‘yun sinabi sa kaniya. Matinding secret ‘yon eh. Ikaw ba? May pinagsabihan ka?”
“Yung best friend ko po.”
“Babae o lalaki? Yung kaibigan mo ba na kasama mo noon?”
“Sa best friend ko pong babae sinabi. Wala pong alam si Miguel.”
“So, Miguel pala ang pangalan niya. Feeling ko. May gusto ‘yon sa ‘yo.”
“Nung day-off ko nga po, nag-aya siyang maglibot. Nag plaza kami.”
“Then?”
“Ipinagtapat niya na gusto n’ya ‘ko.”
Tila biglang may kumurot sa puso ko.
“Eh, ano’ng sinabi mo?”
“Sinabi ko po ‘yung totoo. Na mahal ko siya.”
“M-mahal mo siya?”
Para akong nanghina sa narinig ko.
Para rin akong nawalan ng pag-asa.
“Na mahal ko po siya pero bilang kaibigan lang. Alam naman po niya ‘yon. Na hanggang magkaibigan lang kami. Alam kong nasaktan ko s’ya that night. Pero, mas okay ng malaman niyang hanggang magkaibigan lang talaga kami.”
Bigla namang nabuhayan ang loob ko at napangiti na lamang ako ng palihim.
“Halika, pumili ka na ng gusto mong isuot sa mga damit ni Mommy.”
“Kahit alin, sir. Ikaw na po ang kumuha.”
“Kailangan mo rin ng bra at panty ‘di ba?”
Nahihiya naman siyang tumango sa akin.
Pinauna ko na nga siyang maligo at ng matapos siya ay ako naman.
Inaya ko na rin siyang maghanap ng kakainan namin, tutal ay gabi naman na.
Pagkabalik nga namin sa rest house ay inaya ko siyang mamulot ng kahoy para sa bonfire.
“Wow, exciting! Ngayon ko pa lang po mae-experience ang bonfire.” aniya.
“Kami nila Mommy, madalas naming gawin ‘to. Naglalatag pa nga kami ng carpet dito at dito rin kami mahihiga at magkukwentuhan.”
“Grabe, ang saya naman.”
Nang mapag apoy ko na ang mga kahoy ay naupo na kami sa tapat nito.
Sandaling nabalot kami ng katahimikan bago ako magsalita muli.
“May… may gusto akong aminin sa ‘yo, Eliza.” saad ko.
“Ano po ‘yon, sir?”
“May gusto ako sa ‘yo.” diretsahang pag-amin ko.
“Yiieee. April fools ‘yan ‘no? Ikaw talaga, sir. Magaling ka rin talagang mag joke.”
“No, Eliza. Hindi ‘yun joke. Totoo ang sinabi ko. I like you.”
“Paano pong nangyari ‘yon?”
“Hindi ka naman mahirap magustuhan, Eli. Nung una, pilit kong pinipigilan. Kasi alam kong mali eh. Pero habang pinipigilan ko ‘yung nararamdaman ko para sa ‘yo — mas lalo lang kitang nagugustuhan. At ngayon, alam kong hindi na ‘to mali. Dahil malaya na ‘ko, Eli. Malayang-malaya na ‘kong mahalin ka.”
“Sir Enzo…”
“Alam kong hindi mo ‘ko gusto, Eli. Pero sana… hayaan mo lang akong mahalin ka. Umaasa ako na maging pareho tayo ng nararamdaman. Hindi kita mamadaliin, hindi kita pipilitin. At kapag wala talaga, hindi ko na ipipilit ang sarili ko.”
“Paano kung… Paano kung pareho na rin tayo ng nararamdaman, sir?”
“T-talaga? Gusto mo rin ako? May gusto ka rin sa akin?”
“Alam ko namang prank lang ‘yan, sir. Kaya, sinasakyan lang kita.”
“Bakit ba ayaw mong maniwala? Maniniwala ka lang ba kapag… kapag sinabi ko rin ‘to sa nanay mo?”
“Sir Enzo naman.”
“Seryoso nga ako. Pero, hindi kita mamadaliin. Ipinagtapat ko lang para aware ka sa nararamdaman ko para sa ‘yo.”
Ngumiti naman siya ng tipid at tumango
“Sir, inaantok na ‘ko. Tulog na po tayo.” ani Eliza, at agad ng tumayo.
“Maaga pa ah.”
“Eh, inaantok na po ako eh. Sa pagod po siguro, kaya mabilis akong nakaramdam ng antok.”
“Ah, gano’n ba? Sige, hatid na kita sa room nila Mommy. Palitan mo na lang din ng mga punda ‘yung unan at palitan mo na rin nt bed sheet.”
“Sige, sir.”
Pagkapasok nga niya sa loob ng kuwarto ay hindi kaagad ako umalis. Sa totoo lang, gusto ko sanang magkasama kami sa iisang kuwarto.
Pero sa kabilang banda, mas okay na rin na magkaibang kuwarto ang tutulugan namin.
Para walang mangyari.
Maya-maya nga lang ay pumasok na rin ako sa kuwarto namin ni kuya. Nagpatibuwal ako sa kama at inisip ang lahat ng mga nangyari.
Mula sa simbahan, kung paanong nagkagulo, kung paanong tinakasan ko ang kaguluhan kasama si Eliza. Ang paghalik ko sa mga labi niya maging ang pagtatapat ko ng feelings ko.
Sobrang daming nangyari buong araw!
“Sayang, inantok s’ya agad. Gusto ko pa naman siyang kausap.” mahinang sabi ko.
At dahil hindi pa ako inaantok ay naisipan kong bumalik sa labas, pero saktong paglabas ko ng kuwarto ay siya ring paglabas sa kabilang kuwarto ni Eliza.
“Sir!” sabay lapit nito sa akin at nilingon pa ang pinto ng kabilang kuwarto.
“Oh, bakit?”
“Buti po at gising ka pa.”
“Eh, hindi ako makatulog eh”
“Same po tayo, sir.”
“Bakit? Miss mo ‘ko agad?”
“May kumakaluskos po kasi do’n sa kuwarto. Parang ano po… may naglalakad. Wala bang multo dito, sir?”
“Multo?”
“Opo.”
Natawa naman ako. “Ano ka ba, Eli? Walang multo dito. At mas lalong hindi totoo ang multo. Multo ng nakaraan, p’wede pa.”
“Eh, sir. May nangalabit din kasi sa ‘kin. Sir, natatakot ako. Diyan nalang din ako sa kuwarto mo. Kahit sa ibaba nalang ako. Ayoko na don sa room ng parents mo.”
Natawa naman ako. “Bahala ka, ako naman kakalabit sa ‘yo. Binukod na nga kita, para safe ka sa ‘kin eh.”
“Sige pala, balik na lang ako sa kuwarto nila Mommy mo.”
Sabay talikod niya sa akin.
Pero maagad kong hinawakan ang kamay niya.
“Tama ka, Eliza. Meron nga talaga sa room nila Mommy. Nararamdaman din nila ‘yon eh.” pagsisinungaling ko upang magkasama nga kami sa iisang kuwarto.
“Hala! Sabi na eh! Nakakatakot!”
“So, ano? Doon ka pa rin ba matutulog?”
“Hindi ‘no! Nakakatakot kaya. Samahan mo ‘ko, sir. Kuhanin natin ‘yung unan at kumot.”
“Kumot lang ang kuhanin mo. Marami namang unan sa kuwarto namin ni kuya.”
“Basta sir, sa baba lang ako ha?”
“Okay, sige.”
Pagka kuha nga niya ng kumot ay bumalik na siya sa akin at pumasok na kami sa kuwarto.
Binigyan ko siya ng puwede niyang higaan at binigyan ko na rin siya ng dalawang unan.
“Sure ka bang diyan mo gustong mahiga? Maluwang naman ‘yung bed.”
“Okay na ‘ko dito, sir.” sagot niya.
“Sus, natatakot ka lang sa ‘kin eh.”
Hindi naman siya kumibo at nahiga na sa inilatag niya.
Maya-maya nga ay may biglang lumundag sa bubong. Dahilan upang mapatili siya sa takot.
Alam kong pusa lang naman iyon.
“Sir, ano ‘yon ha? Baka asw*ng ‘yon? May asw*ng ba dito, sir?”
Natawa naman ako.
“Oo, at ako ang asw*ng. Kakainin kita.”
“Sir naman eh! Hindi nakakatuwa ah! Natatakot na nga ako eh!”
“Hala! Ano ‘yung matulis na kuko sa bintana?!”
Muli nga siyang napatili at naupo na sa gilid ng kama.
“Nakita mo talaga, sir?! Sabi sa ‘yo eh! May asw*ng dito! Ayoko na dito.”
“Matulog na lang tayo. Napadaan lang ‘yon. Aalis din ‘yon. Basta walang buntis, aalis din.”
Nahiga na nga ako at ramdam kong natatakot pa rin siya.
“Yakapin mo ‘ko para hindi ka na matakot.”
“Ayoko po.”
“Sige, bahala ka. Ikaw din.” sabay talikod ko sa kaniya.
Naramdaman ko nga ang palapit niya sa akin. Hanggang sa maramdaman ko rin ang pagdikit ng katawan niya sa akin.
Humarap ako sa kaniya at iniangat ko ang ulo niya upang ipatong sa braso ko.
Magkalapit na magkalapit ang mukha naming dalawa.
Hinaplos ko ng dahan-dahan ang mukha niya habang nakatitig lang kami sa isa’t-isa.
Hinplos ko rin ang ibabang labi niya gamit ang hinlalaking daliri ko.
Hindi niya ako binabawal sa ginagawa ko kaya…
Inilapit ko na ang mga labi ko sa mga labi niya at bago pa man maglapat muli ang mga labi namin ay nakita ko ang pagpikit ng mga mata niya.
Ibig sabihin ay ayos lang sa kaniya na halikan ko siya.
Dahan-dahan kong inaangkin ang itaas na labi niya, ganoon din ang kaniyang ibabang labi.
Sandali kaming nagkatitigan ng maghiwalay ang mga labi namin.
Inalis ko ang braso ko mula sa kaniya upang makalipat ako sa ibabaw niya. At muli ko nga siyang siniil ng halik. Mula sa dahan-dahan hanggang sa mabilis na halik.
Mas lalo ngang nag-init ang pakiramdam ko ng gumaganti na rin siya ng halik.
Lumikot na rin ang kamay ko.
At ipinasok ko na ito sa loob ng damit niya. Pero ng hahawakan ko na ang kanang dibdib niya ay bigla niya akong pinigilan.
“Sir, wag.”
Napalunok naman ako at inalis ko nga ang kamay niya sa loob ng damit niya.
“Sorry, Eli.” saad ko. Sabay alis mula sa ibabaw niya.
Hindi na siya nagsalita.
Tumalikod na lang siya sa akin.
“Galit ka ba sa ‘kin?”
Pero hindi siya sumagot.
“Eli…”
“Hindi po.”
“Sorry ulit.”
“Okay lang po. Matulog na po tayo.”
“Good night, Eli.”
Hindi na siya ulit sumagot. Alam kong nagalit siya sa ginawa ko.
“Sorry talaga, Eli.”
“Ayos lang po. Sige na po, matulog na po tayo.
Pagkamulat ko ng mga mata ay nakita kong nakayakap pala sa akin si Sir Enzo at naka dantay pa ang hita niya sa hita ko.
Ginawa ba naman akong unan.
Kaagad din kasi akong nakatulog matapos ang kissing scene namin kagabi. Muntik na talagang may mangyari kung hindi ko lang siya pinigilan.
Mabuti na lamang at madali siyang kausap.
Kinabahan din talaga ako.
Pagtingin ko sa cellphone ko ay alas tres palang pala ng madaling araw.
At naalala ko kung bakit nga pala kami magkasama ngayon sa kuwarto.
Wala naman talagang nangalabit na kung ano sa akin sa kuwarto ng parents niya.
Sadyang natatakot lang ako, dahil sa mga kaluskos sa labas ng bintana.
Dahan-dahan kong inaalis ang hita niyang nakadantay sa hita ko dahil naiihi ako. Naalis ko naman pero ‘yung mga bisig niyang nakapalupot sa akin ay hindi ko maalis.
Dahil mas lalo lang itong humigpit at napasubsob pa siya sa dibdib ko.
“Sir?” pag gising ko sa kaniya.
Pero hindi siya magising.
“Uy, sir?”
Wala talaga.
Hindi magising.
Kaya ang ginawa ko ay pwersahan ko ng inalis ang braso niya.
Napamulat naman siya at nagkatitigan pa kami.
Bakit kahit bagong gising. Napaka guwapo niya?
Mas lalo talaga siyang gumagwapo sa paningin ko habang tumatagal.
“Ba’t mo ‘ko ginising?” tanong niya na nagpabalik sa akin sa wisyo.
“Ah… Eh…”
“Ah, eh?”
“Eh, kasi naman, sir! Nakayakap ka na nga sa akin, naka dantay ka pa!”
Namilog naman ang mga mata niya.
“Ako? Nakayakap sa ‘yo? Sus, baka ikaw ah.”
“Ay, ang kapal lang, sir?”
“Hindi ko alam na nakayakap ako sa ‘yo. Sorry na.”
“Hindi ka po ba naiihi?”
“H-hindi naman. Bakit?”
“Ah, wala po. Natanong ko lang. Sige po ah? Naiihi na po kasi ako.”
“Ah, gets ko na. Siguro, gusto mong magpasama sa akin ‘no? Hanggang sa loob ba?”
‘Oy, hindi ah! Grabe siya oh!” sabay baba ko nga sa kama at lumabas ako ng kuwarto.”
Madilim papunta sa C.R at hindi ko alam kung saan ang mga sindihan ng ilaw.
Kaya bumalik ako para tanungin siya.
“Oh? Akala ko iihi ka? Natatakot ka talaga ‘no? Naku, may malaking mata pa naman sa C.R.”
“Sir, ano ba?! Hindi ka na nakakatuwa ah! Alam mo na ngang natatakot ‘yung tao eh!”
“Ang tapang mong babae, pero sa multo — takot ka? Bakit naka kita ka na ba?”
“Hindi pa.” sagot ko.
“Oh, ‘yun naman pala eh.”
“Pabukas nalang po kasi ng ilaw. Ang dilim eh.”
“Okay.”
Binuksan nga niya kaya maliwanag na.
Habang nasa loob ako ng C.R ay ang likot ng mga mata ko. Nakikiramdam din ako.
Paano kung totoo ang sinasabi niya?
Nang papatapos na ‘ko ay may biglang kumatok sa pinto ng C.R.
“Ano ba, sir! Nakaka inis ka na talaga!”
Pagkatapos ko nga ay agad kong binuksan ang pinto.
Pero wala siya.
Nagmadali akong bumalik sa kuwarto niya at nakita ko ngang nakahiga naman siya sa kama.
“Sir?”
“Oh?”
“Hindi ka ba kumatok sa pinto ng C.R?”
“Ha?”
“Sabi ko, hindi ka ba kumatok sa pinto ng C.R?”
“Bakit ako kakatok do’n? Eh, bago ka pa man makapasok sa C.R ay bumalik na ‘ko dito sa kuwarto.”
“Yung totoo?”
“Totoo nga.”
“Sir naman eh. Nananakot.”
“Seryoso nga ako.”
“Promise?”
“Promise.”
“Mamatay man ako?”
“Oo na, ako ‘yung kumatok. Grabe ka. Mamatay agad?”
“Sabi na eh! Tinatakot mo lang ako!”
“Kasi naman, ang sarap mong takutin.”
Kukuhanin ko sana ang unan para ip4lo sa kaniya pero agad siyang bumangon at napigilan ako sa gagawin ko.
Hinila niya ako kaya nasubs*b ako sa kaniya.
“Aray!” daing ko. At muli nanaman kaming nagkatitigan.
Nagulat ako lalo ng bigla niya akong yakapin.
“Sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana, hindi ko nalang siya minahal. Sinayang n’ya lang ‘yung… ‘yung pagmamahal ko. Tinanggap ko s’ya ng buong-buo. Pati ‘yung anak niya, itinuring kong sa akin. Pero magagawa pa rin pala n’ya ‘kong lokohin at saktan. Pero ano nga bang karapatan kong magalit ng sobra sa kaniya? Pareho lang naman kami ‘di ba? Pareho lang kaming may pagkakamali. Pareho lang kaming may kasalanan. Pero mas nauna s’ya. Dahil bago pa man ako makagawa ng kasalanan sa kaniya, nauna na siya.”
“Iiyak mo lang ang lahat ng ‘yan, sir. Nandito lang ako para damayan ka.”
Mas humigpit nga ang yakap niya sa akin.
“Thank you, Eli.”
Hindi na nga kami ulit nakatulog pa.
Nag-aya na lang siyang maglakad-lakad sa dalampasigan at panoorin ang pagbu-bukang liwayway.
Hinawakan niya ako sa bewang at ako naman ay ipinatong ko ang ulo ko sa balikat niya
Pabalik na nga kami ngayon sa bahay nila. At haharapin na namin muli ni sir Enzo ang reyalidad.
Ayaw pa sana niyang bumalik. Pero kailangan na kasi. Lalo na’t walang kasama si Ate Juris sa bahay. Mahihirapan nanaman siya.
Siya na rin ang nagbigay sa akin ng isusuot ko.
Napatitig nga ako dito dahil sleeveless dress lang. Pero hindi na ako nagreklamo pa at nagpunta na sa C.R para makapagpalit na.
Panay ang hatak ko pababa dahil hindi ako komportable. Masyado siyang maigsi.
Nang nasa kotse na niya kami ay dito na ako nagreklamo.
“Masyadong kinulang sa tela ‘tong dress ng mommy mo.” saad ko.
Tumingin naman siya sa suot ko.
“Okay lang ‘yan. Mas sexy ka pala ‘no, pag ganiyan suot mo? Bagay na bagay sa ‘yo.”
“Baka mapagalitan ako ng mommy mo. Nangialam tayo sa mga gamit niya.”
“Hindi ‘yan. Alam naman n’ya ‘yon. Saka, hindi na niya isusuot ‘yan.”
“Nagmukha akong mansanas na green, ‘yung nabalatan na eh.” sagot ko. Saka kami natawa ng sabay.
“Ang sexy mo nga eh.”
“Kaya pala panay ang tingin mo sa ‘kin eh.”
“What?”
“Ayun eh, kunwari hindi ‘no? Halata ka kaya, sir.”
“Nagagandahan lang ako sa ‘yo.” sagot niya.
At nakangiti nga habang nagmamaneho.
“Bibili na lang ako ng pagkain natin at dito na lang tayo kumain sa loob ng sasakyan.”
“Mas okay nga ‘yon, sir.”
Nang may madaanan nga kaming bilihan ng pagkain ay bumaba na siya upang bumili.
Nakasunod naman ako ng tingin sa kaniya at pinapanood ko siya habang bumibili.
Nang may biglang lumapit na dalawang babae.
Panay ang sulyap nila kay sir Enzo hanggang sa…
Itinulak ng isa ang nasa tabi ni sir Enzo kaya nabuwal ito. Mabilis naman itong sinalo ni sir Enzo.
Pero nakaramdam ako bigla ng inis at selos.
Teka, selos?
Nakita ko pa na nagpasalamat ang babae at hinaplos ang braso niya.
Kaya ang ginawa ko ay bumaba ako at lumapit sa kaniya.
“Babe, matagal pa ba?” tanong ko. Sabay kawit ko ng braso ko sa braso niya.
Siyempre, nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
Tawagin ko ba naman siyang babe sa harap ng dalawang babaeng nagpapa cute sa kaniya.
“Ay, may girlfriend pala.” mahinang sabi ng babaeng nanulak.
“Ah, sandali na lang ‘to, Babe.” sagot naman ni sir Enzo. “Namiss mo na ako agad. Kakababa ko lang eh.”
Sinakyan talaga niya ang kal*kohan ko.
“Balik na ‘ko sa kotse ha?”
“Sige, Babe.” sagot niya.
Tinapunan ko naman ng tingin ang dalawang babae at sabay ding nag-iwas ng tingin ang mga ito.
Natatawa nga akong bumalik sa kotse.
Maya-maya lang ay nakabalik na rin si Sir Enzo — dala ang binili niyang pagkain namin.
“Heto na ang almusal natin, Babe. Ikaw ha? May dalawang babae lang na nagpapa cute sa akin. Lumabas ka na talaga at tinawag akong babe. Selos ‘yan, babe? Bakit kasi, hindi na lang natin totohanin?”
“Ginawa ko lang po ‘yon para tumigil sila. Bakit naman po ako magseselos?”
“Okay, sabi mo eh. Akala ko tuloy kanina, girlfriend na kita eh. Dapat kiniss mo ‘ko don para mas kapani-paniwala.”
“Ewan ko sa ‘yo, sir.”
Natawa naman siya.
At sinimulan na naming kumain.
Nang matapos kaming kumain ay nagmaneho na siya ulit.
Nakatanaw naman ako sa bintana at halos maglaway sa mga prutas na nakikita ko. Lalo na ng maka kita ako ng indian mango na maniba na.
“Gusto mong bumili?” tanong niya.
Nahalata yata niya na gusto ko.
“Nang ano po?”
“Prutas.” sagot niya. “Ano bang gusto mo dyan? Bilhan kita.”
“Naku, hindi na po, sir. Napatingin lang ako.”
Pero hindi siya naniwala sa sagot ko.
Iginilid nga niya ang sasakyan at huminto kami sa tapat ng bilihan ng mga prutas.
“Sige na, ano’ng gusto mo sa mga ‘yan? Bibilhin ko.”
“Yung ano po… ‘yung grapes tsaka ‘yung indian mango.”
“Mansanas, ayaw mo?”
“Ayaw ko po.”
“Okay, sige. Wait lang ah?”.
“Thank you, sir.”
Marami nga siyang biniling mangga at ubas at para sa akin lang daw ito lahat.
“Ang dami. Thank you po.”
“You’re welcome. Basta kapag meron kang gustong ipabili. Wag kang mahihiyang magsabi. Kaltas naman ‘yan sa sahod mo eh.”
“Huh? Wag nalang pala, sir. Pakibalik na.”
“Biro lang. Libre ko ‘yan. Halatang mahilig ka sa ubas ah.”
“Opo, sir. Favorite ko po talaga ang ubas.”
“Naku, kapag ‘yan napaglihian mo. Magiging n3gro anak mo.”
Natawa naman kami pareho sa biro niya.
At dahil mahaba-haba ang byahe ay sinamantala kong matulog.
Nagising na lang ako ng malapit na kami sa subdivision nila.
Ganoon ako katagal nakatulog.
Naging antukin talaga ako.
Kung sa bagay, wala akong gaanong tulog kagabi
“Thank God you’re back, son! If you hadn’t texted Seb, we wouldn’t have known that you were okay with Eliza.” sabi nga ng mommy niya matapos nilang magyakapan.
Habang ang daddy naman niya ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.
“Sorry po. Sobrang gulong-gulo na ‘ko kahapon.”
“Yeah, i know. Sobrang laking kahihiyan ang ginawa nila Monica. Galit na galit ang mommy niya sa kaniya. Pina-abot pa talaga sa araw ng kasal n’yo. Tinanggap mo siya ng buong-buo, tapos ganito ang igaganti niya sa ‘yo? Ang pagtaksilan ka?”
“Okay lang po ‘yun, Mommy. Magiging okay din ako. Actually, okay na pala ‘ko.” sagot ni sir Enzo. Sabay sulyap sa akin.
Napatingin din naman sa akin ang mommy niya.
“Bagay na bagay sa ‘yo ang sleeveless dress ko, iha. Alam mo bang damit ko ‘yan noong nasa edad trese palang si Enzo.”
“P-pasensya na po pala kung… kung naisuot ko po. Wala po kasi akong—“
“It’s okay, hija. Bagay na bagay sa ‘yo. Sa ‘yo na ‘yan. Ang ganda-ganda mo.”
Halos lumundag nga ang puso ko dahil sa tuwa at kilig.
Grabeng papuri naman ito.
“Salamat po, Ma’am. Iingatan ko po ito. Sigurado po akong mahal ‘to. Sige po, magpapalit na po ako para po makapag trabaho na.”
“Salamat at nandito ka na ulit, Eli. May kasama na ulit ako.” ani Ate Juris na kalalapit lang sa amin.
“Pasensya ka na ate ha?” halos pabulong kong sabi.
“Ayos lang ‘yun. At least, nag-enjoy ka.” mahinang sabi rin niya.
“Siya nga pala, Juris at Eliza. Nag hired ako ng dalawa n’yo pang makakasama. Para hindi kayo nahihirapan. Kitang-kita ko kasi kung paano kayo nahihirapan sa mga gawaing bahay. Halos wala na kayong pahinga, lalo na kapag may isa sa inyong nagde-day-off.”
“Hala, Maam. Salamat po!” natutuwang sabi ni Ate Juris. “Puwede na ulit matulog sa tanghali.”
“Oo, Juris.”
Pagka alis nga namin sa mga amo namin ay bigla akong kinur*t ni Ate Juris sa pw3t.
“Aray, ate!” daing ko.
“Buong araw kayong magkasama kahapon tapos magdamag na magkasama sa rest house. Aminin mo, may nangyari ‘no?”
“Ano’ng nangyari?”
“Weh? Maang-maangan ‘yan?”
“Wala naman ate eh.” pagsisinungaling ko.
Dahil tama naman siya.
May nangyari nga.
Pero kiss lang naman iyon.
“Okay, sabi mo eh. Ang ganda do’n no? Sinama na rin nila ko do’n eh.”
“Super ate. Pero nakakatakot din. Wala manlang kapit-bahay. Malayo ‘yung ibang bahayan eh.”
“Perfect place talaga ‘yon para sa gustong mapag-isa at makalayo sa gulo.”
“Tama ka, ate. Sige na, magbibihis na ‘ko.”
“Wait lang, Eli.”
“Bakit?”
“Parang medyo nagkakalaman ka?”
“Ha?”
“Lumalaki yata bewang mo?”
“Matakaw kasi. Ay, oo nga pala. May mga prutas nga palang binili sa akin si Sir Enzo. At dahil marami ‘yon. Hati tayo.”
“Wag na. Baka antukin lang ako.”
Nangunot naman ang noo ko.
“Bakit ka naman aantukin? Ano ‘yun? May pampatulog?”
“Eh, sabi kasi ng matatanda. Kapag daw nakisalo ka sa pagkain ng buntis. Eh, aantukin ka.”
“Hindi ‘yun totoo, ate. Isa pa, hindi naman ako buntis ‘di ba? Negative nga eh.”
“Kung sa bagay.”
“Nasaan pala si sir Seb?”
“Nasa opisina na.”
“Ah, gano’n ba?”
Pagsapit ng hapon ay dumating na nga si Sir Sebastian. Ako ang nagbukas ng gate para makapasok siya.
“Totoo nga, nakabalik na kayo ni Enzo.”
“Opo, sir.”
“Salamat sa pagsama sa kapatid ko ha? Kahit papaano, alam kong safe siya. Na hindi niya sasaktan ang sarili niya.”
“Wala ‘yun, sir.” sagot ko naman.
Ngumiti naman siya at napahilot sa sintido niya.
“Masakit po ang ulo mo, sir?”
“Oo eh. Kanina pa nga ‘to. Uminom na ‘ko ng gamot pero kaunti lang ‘yung sakit na nabawas.”
“Gusto mo po, i-massage ko?”
“Marunong ka?” nakangiti niyang tanong.
“Opo, sir. Marunong po ako.”
“Sige, salamat.”
Pagkapasok nga namin sa loob ay agad siyang naupo sa couch.
Ako naman ay sinimulan ko na siyang masahiin sa ulo.
“Yan, ang sarap.” sambit niya.
Nang biglang dumating si sir Enzo
Nakatingin siya sa amin ni sir Seb.
Pero walang reaksyon ang mukha niya.
Lumapit naman siya sa kuya niya.
“Kuya.”
“Uy, ‘tol! Ikaw pala?”
“Masakit ulo mo, kuya?”
“Oo eh. Buti nalang at magaling magmasahe itong si Eli. Inantok nga ‘ko bigla eh.”
“Talented pala ‘no?” ani sir Enzo.
Kinunutan ko naman siya ng noo.
“Pa-masahe din likod ko mamaya, Eli. Masakit eh. Kapagod mag drive.” saad nga ni sir Enzo.
“Po?”
“Sabi ko, pamasahe din ako mamaya. Yung likod ko, masakit. Doon na lang sa room ko.”
“Okay po.” sagot ko.
Pero kinakabahan ako.
Nang matapos ko ngang masahiin ang ulo ni sir Seb ay pinuntahan ko na ‘yung isang inggetero na gusto rin ng masahe.
Kumatok nga ako sa pinto ng kuwarto niya at nakita kong naka hubad na ito.
“Ready na ‘ko, agad.” aniya. Sabay lock ng pinto.
“Bakit kailangang naka-lock pa po?”
Pero hindi siya sumagot.
“Uy, sir? Bakit kako naka-lock pa?”
Pero imbis na sumagot sa tanong ko ay isinandal niya ako sa nakasarang pinto at itinapat niya ang hintuturo niya sa mga labi ko.
“Nagselos ako kanina. Bakit pagdating kay kuya ang bait mo?”
Inalis ko naman ang hintuturo niya sa mga labi ko.
“Ho?! Eh, kahit naman sa ‘yo, mabait ako ah?”
“Hindi ah. Masungit ka sa ‘kin.”
“Ay, wow! Masungit daw ako sa kaniya.”
“Sige na, masahiin mo na ‘yung likod ko. Gusto ko ‘yung hard ah?”
“Yung mababali back bone mo?”
Hindi naman na siya kumibo at dumapa na nga sa kama niya.Abala ako sa mga gawain sa opisina ng biglang tumawag sa akin si Kuya Sebastian.
“Hello, kuya?”
“Tol, si Eli, dinala nila sa ospital. Tumawag sa ‘kin si Juris.”
“W-what?! B-bakit?” nag-aalala kong tanong. Sabay tayo ko mula sa pagkaka upo sa swivel chair.
“Eh, ang sabi ni Juris. Bigla daw nawalan ng malay habang naglilinis sa pool area. Tumama pa nga raw ‘yung ulo sa lamesa.”
Dito na ako mas lalong kinabahan.
Paano kung malala ang pagkakatama ng ulo niya sa lamesa?
Eh, gawa pa naman sa tiles ang lamesa sa pool area.
“Pupunta ako sa ospital, kuya. Sobra akong nag-aalala sa kaniya.”
“Ako nga rin eh. Kaso, may meeting ako ng 9:30. Sila Mommy yata ang kasama ni Juris na nagdala kay Eli.”
Pagkatapos kong makausap si Kuya ay pinagbabaan ko na siya at kaagad na akong nagtungo sa ospital.
Naabutan ko si Juris sa labas ng patient room.
“Si Eli?”
“Nasa loob, sir. Nandoon ang Mommy mo. Hinintay lang po kita dito sa labas.”
“Kumusta s’ya?”
“Hindi pa rin po nagigising. May doctor din po sa loob.”
Agad nga kaming pumasok sa loob ng room.
At sakto nga ang pagpasok namin.
“Okay naman po si Miss Elizabeth. Wala rin siyang head injury ayon sa MRI niya, at safe din po ang ipinagbubuntis niya. Hintayin nalang po natin na magising siya.
Lahat kami ay nagulat sa sinabi ng doctora na umasikaso kay Eliza.
“A-ano, doc? Buntis si Eliza? P-paano? May boyfriend ba si Eliza, Juris?” nagtatakang tanong ni Mommy.
“Maiwan ko na po kayo.” paalam nga sa amin ng doctora.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito.
Hindi ko akalain na may nabuo pala kami?
Ang akala ko talaga ay wala.
Dahil negative ang result ng pregnancy test niya.
“Ang alam ko po, Ma’am Lara, may naka one night stand po si Eli. Pero nag P.T naman po siya. Negative naman po ang resulta. Tapos ngayon po, biglang buntis pala talaga siya. Hindi lang po ala agad na-detect.”
“Eh, sino raw? Boyfriend ba n’ya?” tanong ulit ni Mommy.
Umiling naman si Juris.
Ito na ang tamang pagkakataon para malaman nila Mommy ang totoo.
“Mommy…”
“Yes, anak?”
“Uhmmm…” sabay tingin ko muna kay Juris. “Mommy, ako po ‘yung… ‘yung naka one night stand ni Eli dati.”
Pareho naman silang nagulat. “Ano?! I-ikaw, anak? Paanong nangyari ‘yon? Kailan? Edi, ibig sabihin, ikaw ang ama ng ipinagbubuntis n’ya? At apo ko?”
“Opo, Mommy. Pareho lang po kaming nagkasala ni Monica. Nauna nga lang siya. Sorry po kung inilihim ko sa ‘yo ang tungkol dito. Pero talagang aaminin ko naman po kung may nabuo. Nung unang test po kasi ni Eli, negative naman. Kaya akala po talaga namin — walang nabuo.”
“Buti na lang at hindi natuloy ang kasal n’yo ni Monica. Paano kung natuloy? Paano na ang apo ko?”
“Oo nga po eh. Ang saya ko po, Mommy. Ganito po pala ‘yung pakiramdam kapag alam mong magiging tatay ka na.”
Nang bigla ngang magising si Eliza.
Lahat kami ay nakangiti sa kaniya.
Wala siyang kaalam-alam na buntis siya.
“N-nasa ospital po ako?” tanong niya.
“Oo, Eli. Nawalan ka kasi ng malay kanina. Hindi mo na ba natatandaan?” ani Juris.
“Bakit kaya ako nawalan ng malay? Ang naaalala ko lang ay nahilo ako eh.”
“Juris, iha.” ani Mommy. Sabay hawak sa kamay ni Eliza.
“Yes, Ma’am?”
Sumulyap muna sa akin si Mommy bago muling bumaling ng tingin kay Eliza.
“Hindi mo ba alam na… na buntis ka?”
“Po?!” namilog ang mga mata ni Eliza na tumingin sa akin.
Ngumiti naman ako sa kaniya.
“Magiging mga magulang na tayo, Eli.” saad ko.
“Teka, paano pong… paanong buntis ako? Eh, ‘di ba, negative naman po ang result? Alam na po nila na ikaw ang—“
“Oo, Eli. Sinabi ko na ang lahat sa kanila.”
“Hindi lang agad nadetect ng P.T ‘yon, Eliza. Doctor na ang nagsabi na buntis ka. Na ipinagbubuntis mo ang apo ko.”
Napahawak naman si Eliza sa tiyan niya.
“Nananaginip lang ba ‘ko?”
“Hindi, Eli. Totoo ang lahat ng ‘to.” sagot ko. “No choice ka na ngayon. Kailangan nating magpakasal.”
“T-teka. K-kasal po agad? Wala pang kaalam-alam ang nanay ko.”
“Kakausapin natin siya. Sasama ako.” sagot ni Mommy
“Iwan na muna namin kayo. Para makapag-usap kayong dalawa.” ani Ma’am Lara.
Pagkalabas nga nila ay agad na hinawakan ni sir Enzo ang kamay ko.
“Sabi ko na eh. Ang lakas ng kutob ko nung una na baka hindi lang nadetect agad ng P.T. Magkaka-baby na tayo, Eli.”
“Ano pong sabi ng Mommy mo nung… nung nalaman po niya?”
“Edi, natuwa s’ya. Unang apo n’ya ‘yan eh.”
“Hindi po s’ya nagalit?”
“Siyempre hindi. Kung si Monica nga na may anak sa ibang lalaki, natanggap niya. Ikaw pa kaya? Na totoong anak ko ‘yang nasa sinapupunan mo? Na totoong apo niya. Na isang Montenegro.”
“Ikaw po? Masaya ka?”
“Tinatanong pa ba ‘yan, Eli? Hindi lang ako masaya. Kasi, masayang-masaya ako. Eh, ikaw ba? Masaya ka ba na magkaka baby na tayo?”
Sandali akong natahimik.
“Eli, alam kong hindi mo ‘yan inaasahan. Pero ‘wag kang matakot. Nandito ako. Pananagutan ko kayong dalawa. Paglabas mo, lilipat ka na sa kuwarto ko at hindi ka na magtatrabaho sa bahay. Kailangan mong magpahinga. Kailangan nating ingatan ang magiging baby natin.”
Napangiti naman ako at napatitig sa mga mata niya.
Napaka swerte ko.
Dahil may isang Lorenzo Montenegro akong nakilala na hindi tumatakas sa responsibilidad.
“Masaya rin naman po ako, sir. Hindi ko lang alam kung paano ko ‘tong sasabihin kay Nanay at ate. Wala silang kaalam-alam eh.”
“Kinakabahan din ako. Pero, kaya natin ‘to. Sure ako, magagalit siya. Pero sure din ako na matatanggap din niya. Lalo na’t hindi ko naman kayo tatakasan. Sa totoo lang, ito talaga ‘yung gusto ko. Yung may nabuo tayo. Dahil wala ka ng kawala sa ‘kin.”
“Seryoso ka po talaga doon sa sinabi mo sa akin sa rest house?”
“Siyempre naman. Seryosong-seryoso, Elizabeth Robles.”
“Ngek! Buong pangalan. Ayoko talaga ‘yunt beth eh. Gusto ko, Eliza lang.”
“But why? Ang ganda kaya ng pangalan mo. Kasing ganda mo.”
“Sus! Nang-uto pa si sir oh.”
“Sir pa rin?”
“Opo. Doon ako sanay eh.”
“Pwes, sanayin mong tawagin nalang ako sa pangalan ko. Pwede din naman na Babe or Baby. Mahal or Love.”
Umiling lang ako kaya napangiti lang din siya.
“Sige na nga. Hindi kita bibiglain.”
Nang makapag-usap na kami ay bumalik na rin ang Mommy niya sa loob pero wala na si Ate Juris. Pinauna na niyang umuwi.
“Anak, ako na ang magbabantay dito kay Eliza. P’wede ka ng bumalik sa opisina.”
“Hindi po, Mommy. Dito lang po ako.”
“Sir Enzo, okay lang po. Bumalik ka na po sa opisina. Ma’am Lara, okay lang din po kahit hindi mo po ako samahan. Nahihiya po ako sa inyo eh.”
“Ano ka ba, iha? Bakit ka mahihiya sa akin? Eh, magmula ngayon, parte ka na ng pamilya namin. Nanay ka ng magiging apo ko. Isipin mo na lang na, ginagawa ko rin ito para sa magiging apo ko. Paglabas mo, magpapahinga ka lang ah? Wala kang gagawin sa bahay.”
“Sa kuwarto ko na po s’ya matutulog, Mommy.”
“Hindi na sir. Okay lang naman ako sa kuwarto namin ni Ate Juris eh.”
“Wag ka ng makulit. Basta, doon ka na sa kuwarto ko.”
“Tama si Enzo, iha. Mas okay kung doon ka na nga rin sa kuwarto niya.”
Wala na nga akong nagawa kun ‘di ang tumango sa kanila.
Napagtulungan ba naman ako ng mag-ina eh.
_________
Hindi nga umalis sa sa tabi ko si Sir Enzo. Siya talaga ang nagbantay sa akin. Bumisita din naman si Sir Seb. pero sandali lang at isinabay na rin niya ang mommy nila.
May napansin lang ako kay sir Sebastian. Parang hindi siya masaya na magkaka anak na kami ni sir Enzo.
Feeling ko tuloy — hindi niya ako gusto para sa kapatid niya.
KINABUKASAN nga ay na-discharged na rin ako. Pinayuhan ako ng doctor na magpahinga para hindi na maulit ‘yung nangyari.
At pag-uwi nga namin ay pinakuha na ni sir Enzo kay ate Juris ang mga gamit ko at ipinalipat sa kuwarto niya.
May dalawang bagong kasambahay na rin. Kaya hindi na raw ako magtatrabaho sa kanila.
Sa ngayon ay nag-iipon ako ng lakas ng loob kung paano ko sasabihin kila nanay ang tungkol sa ipinagbubuntis ko.
“Ayos, may instant asawa na ‘ko. May katabi na ‘ko sa bed.” ani sir Enzo, pagkapasok ko sa loob ng kuwarto niya.
“Asawa?” taas-kilay kong tanong.
“Ay, live-in partner pala.”
“Room mate lang.” sagot ko.
“Ah, room mate lang ba? So, tulog na tayo my sweetie pie room mate? Payakap ako ah?”
“Bawal.” sagot ko.
“Bakit naman? Yakap lang naman eh. Halika na. Tabi ka na sa ‘kin.”
Sabay tayo nga niya at lumapit sa akin.
Hinawakan pa niya ang magkabilang braso ko at nakangiting tumitig sa akin.
Bumaba rin ang tingin niya sa mga labi ko.
Alam ko na kung ano’ng susunod niyang gagawin kaya inalis ko na ang mga kamay niya sa braso ko.
“Matulog na po tayo.” sabi ko.
“Tulog agad?” tanong niya.
“Ano pa po ba dapat?”
Ngumiti lang naman siya at umiling.
Pagkahiga ko nga ay nahiga na rin siya.
“Lakasan mo pakiramdam mo ha?” aniya.
“Bakit naman po?”
“Alam mo na ‘yon.”
“Ano nga po?”
“Wala, biro lang. Sige na. Matulog na tayo.” sabay off na niya ng lamplight. “Good night, sweetie pie.”
Napangiti na lang ako ng palihim.
Ewan ko ba, pero kinikilig na rin ako sa mga banat niya
“OMG, Eli! Ano ka ba, anak?! Bakit ka naglilinis dito sa living room, ha? Hindi ba’t sinabi kong ‘wag ka ng maglilinis ng bahay? Hindi ka na maid dito, okay?”
Maging ako nga ay nagulat dahil sa pagsigaw ni Ma’am Lara. Napaka maalaga talaga nila sa akin mula ng malaman nilang buntis ako at tinatawag na niya akong anak.
“Eh, Ma’am. Kasi po… naiinip po ako eh.”
“Manood ka ng t.v or mag cellphone. Para hindi ka mainip. Hija, naman. Pumasok na ba si Enzo sa opisina?”
“Opo. Kaka alis lang po n’ya.”
“Kaya naman pala kumikilos ka nanaman dito sa bahay eh. Hayaan mo na ‘yung mga bagong maids ang gumawa n’yan, okay?”
“O-opo.”
“Jeslie, pakikuha nga itong mga panlinis kay Eliza. Wag n’yong pagtatrababahuhin ito sa bahay ha? Kapag nakita n’yo. Bawalin n’yo.”
“Yes, Ma’am. Akin na po ‘yan.” sabay kuha nga niya sa akin ng pamunas kong basahan maging ang walis na hawak ko.
Hindi ako sanay ng ganito. Yung walang ginagawa maghapon. Sanay akong batak sa trabaho.
Pero wala naman akong magawa.
Kun ‘di ang sundin ang gusto nilang mag feeling prinsesa ako sa bahay na ito.
“Excited na ‘kong makita ang apo ko. Sure ako, kapag lalaki ‘yan, kahawig ‘yan ni Lorenzo. At kapag babae naman. Kahawig mo.”
Napangiti na lang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya.
“Masanay ka ng walang ginagawa dito sa bahay, hija. Para na rin sa kaligtasan n’yong mag-ina. Nung nag collapse ka, pagod na pagod ka no’n eh.”
“Opo, Ma’am.”
“Mommy. Mommy, okay?”
“Pero—“
“Wala ng pero, okay? Kapag kinasal kayo ni Enzo, magiging anak na rin kita. Dapat ngayon pa lang ay masanay ka ng tawagin akong mommy. Maliwanag ba ‘yon?”
“Opo, Mommy.” kagat-labi kong sagot sa kaniya.
“Manood ka na lang ng t.v dito.”
“O-opo.”
Siya na nga ang nagsindi ng t.v at pinapili ako kung ano’ng gusto kong panoorin.
Pagka-alis nga ni Ma’am Lara ay si ate Juris naman ang lumapit sa akin. May dala siyang mga ubas at hiniwang pakwan.
“Kain ka na muna ng mga pinaglilihian mo.”
“Salamat ate. Pero hindi mo naman ako kailangang hatiran ng prutas dito.”
“Ano ka ba? Si Ma’am Lara ang may utos n’yan ‘no. Alam mo, masaya ‘ko para sa ‘yo. Pero may kaunting inggit nga lang.”
“Bakit naman ate?”
“Eh, biglang bago ‘yang buhay mo eh. Soon to be wife ka na ng C.E.O. Alagang-alaga ka nila. Alam mo, ‘yan din ang gusto ko eh. Yung maging mayaman bigla. Pero s’yempre, hanggang panaginip na lang.”
“Masipag ka ate at mabait. Kaya hindi malabong yumaman ka sa sarili mong sikap. Ako kasi… nabuntis lang naman ng mayaman.”
“Ayos nga ‘yan eh. Gaganda ang buhay mo ng walang kahirap-hirap. Ang bait nila ‘no?”
“Sobra, ate. Nahihiya na nga ‘ko sa kanila eh.”
“Basta, kahit maging asawa ka na ni sir Enzo, ‘wag mo sanang kakalimutan na magkaibigan tayo ha?”
“Ate naman. Bakit ko naman makakalimutan na magkaibigan tayo? Eh, parang kapatid na ang turing ko sa ‘yo eh. Saka, hindi mababago ng pera ang ugali ko, ate.”
“Ayan ang gusto ko sa ‘yo eh. Sige na, kainin mo na ‘yang mga prutas na ‘yan. Babalik na ‘ko sa kusina.”
“Salamat, ate ah?”
“You’re welcome.”
“Sweetie pie, medyo gagabihin ako ng uwi ah? May mga meeting kasi akong pupuntahan. Kapag hindi mo na ‘ko nahintay. Mauna ka ng matulog sa ‘kin. Wag kang magpapakapuyat. I love you
“
Text sa akin ni sir Enzo.
Grabe talaga itong magpakilig.
Pati langgam, aasinin. Este, pati asin, lalanggamin.
Tinatawag na talaga niya ‘kong sweetie pie na akala mo, may relasyon talaga kami.
________
Nauna ngang naka uwi si sir Sebastian. Nagkasalubong kami pero parang hindi niya ako nakita.
Nakakapanibago talaga siya.
Kaya ng makita ko siyang nagpunta sa garden ay sinundan ko siya.
Naupo siya sa upuan — malungkot ang mukha niya.
Dahan-dahan naman akong lumapit sa kaniya.
“Sir Seb. p’wede po ba tayong mag-usap?”
Napa-angat naman siya ng tingin sa akin.
“Tungkol saan? Wag mo na nga pala akong tinatawag na sir. Kuya na lang.”
“Sige po.”
“Ano ‘yung pag-uusapan natin?”
“May napapansin lang po kasi ako.”
“Na ano?”
“Na parang ano po… na parang iniiwasan mo po ako. Dahil po ba ayaw mo sa akin para kay sir Enzo? Alam ko naman po na hindi po ako bagay sa kaniya dahil magkaiba po kami ng estado ng pamumuhay. Kung hindi nga lang po talaga sa ipinagbubuntis ko —“
“Walang issue sa akin, Eli. Kung kayo ni Enzo ang magkatuluyan. At hindi totoo ‘yang iniisip mo na ayaw kita para sa kapatid ko. Umiiwas lang ako.”
“Umiiwas po? Bakit naman po?”
“Dahil nasasaktan ako.”
Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya sa akin. O baka mali lang ako ng narinig.
“Ano po?”
“Kalimutan mo na ‘yung sinabi ko. Gabi na oh. Wag kang magpahamog. Kapag nakita tayo ni Enzo dito, baka kung ano pang isipin no’n. Pumasok ka na sa loob.”
“Pero sir, gusto kong malaman kung bakit ka nasasaktan?”
“Alam kong matalino ka at gets mo ang sinabi ko. Pero ayoko ng pag-usapan. Bumalik ka na sa loob. Gusto kong mapag-isa.”
Hindi na nga ako nangulit pa sa kaniya.
Tinalikuran ko na siya.
Pero bago pa ako tuluyang makapasok sa loob ay nilingon ko pa siya.
Bakit kaya nasasaktan siya?
Dahil kaya… dahil kaya may gusto rin siya sa akin?
Pero imposible ‘yon. Imposible talaga
“Oh, anak? Napauwi ka kaagad? Akala ko sa susunod na araw pa ang day-off mo?” tanong sa akin ni Nanay pagkabukas niya ng pinto.
Napatingin din naman siya kina Ma’am Lara at Sir Enzo.
“Hala, kasama mo pala ang mga amo mo. Naku, nakakahiya. Hindi mo sinabi anak. Nang nakapagluto ako.”
“Nay… may gusto po kaming sabihin.”
“Ano ‘yon, anak? Pasok muna kayo.”
“Magandang araw po, tita.” pagbati ni sir Enzo kay nanay at nagmano pa ito.
“Magandang araw din po, sir. Pasensya na po talaga kayo sa bahay namin. Hindi po ganun kaganda at kalaki.”
“Wala sa ganda at laki ng bahay ‘yan, balae. Kun ‘di sa nakatira.”
Nagulat nga ako ng tawaging balae ni Ma’am Lara si Nanay.
“Balae po? Tama po ba ang dinig ko, Ma’am?” paniniguro ni nanay.
Nagkatinginan naman ang mag-ina bago sumagot sa tanong ni nanay.
“Hayaan mong i-explain namin balae ang lahat.”
Napa pikit naman ako.
At mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari.
“Bakit po? Ano po bang meron? Kinakabahan naman po ako.”
“Nay, sorry!” sambit ko sabay yakap sa kaniya.
“Ano bang nangyayari, anak? Bakit ka humihingi ng tawad sa akin? Naguguluhan ako.”
“Nay, naaalala mo po ba ‘yung… ‘yung perang ibinigay ko sa ‘yo? Na ipinambayad mo sa pinagkakautangan mo?”
“Oo, anak. Naaalala ko. Sabi mo, inutang mo ‘yun ‘di ba? Sa kanila ba? Sinisingil na ba nila tayo? Hala, wala pa tayong ipon, anak.”
Umiling naman ako.
Kasabay ng pag-iling ko ang pangingilid ng mga luha ko.
Nilingon ko pa si Sir Enzo bago ako muling magsalita.
“Nay, bigay po sa akin ni sir Enzo ‘yung pera. Bilang kabayaran po sa… sa isang gabi po naming ano… Nay, sorry talaga. Pero kasi… naib3nta ko po ang sarili ko sa kaniya.”
Sunod-sunod ngang pumatak ang mga luha ni nanay habang nagsasalita ako.
“Bakit mo ‘yun ginawa, anak? Hinayaan mo na lang sana ‘yung utang ko na ‘yon! Tutal ako naman ang may kasalanan kung bakit ako nabaon sa utang kay Kulas! Anak naman!”
“Balae, pananagutan naman ng anak ko ang nangyari. Kaya kami nandito. Para mapag-usapan natin ang lahat. Kailangang magpakasal ng mga bata kasi magkakaroon na tayo ng apo.”
“Apo?”
“Sorry po, ‘Nay! Sorry talaga.”
“Ano’ng sinasabi n’yang apo, Eli? Buntis ka?!”
“O-opo.”
Napasapo naman sa noo si nanay at tumalikod sa amin.
“Eli naman! Ano ‘tong ginawa mo?” at muli nga siyang humarap sa amin.
“Tita, sorry po. Pero ‘wag ka pong mag-alala. Pananagutan ko po si Eliza. Pati na po ang magiging anak namin. Mahal ko po s’ya.”
Kinilig naman ako sa sinabi ni sir Enzo pero siyempre hindi pa rin maalis ang kaba at takot ko.
“Eh, ano pa nga bang magagawa ko? Nandiyan na ‘yan eh.” sagot ni nanay. “Sana lalaki naman. Para babae at lalaki ang apo ko.”
Napangiti naman kaming lahat.
“Hindi ka na po galit sa akin, ‘Nay?”
“Usap tayo sa kuwarto.”
“Sige po. Ma’am Lara, sir Enzo, usap lang po kami ni Nanay.”
Tumango naman silang dalawa at sumunod ako kay nanay sa kuwarto.
“Nay…”
“Anak naman! Masyado mo naman akong binigla. Wala kang pasabi na pupunta kayo dito. Ang itsura ko oh. Tapos ‘yung mga kasama mo ang gaganda ng suot at ang babango.”
“Pasensya na po, Nay. Sorry din po sa nagawa kong paglilihim sa ‘yo. Alam ko po kasing magagalit ka kapag sinabi ko kung saan galing ‘yung pera. Saka, hindi ko po alam na magbubunga ‘yung isang beses lang na ‘yon.”
“Magagalit talaga ako. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Buti na lang at mabait ‘yung lalaki. Nung pumasok ka ba do’n, alam mong s’ya ang magiging amo mo?”
“Hindi po. Nagulat lang din po ako na siya po pala. Pero hinayaan ko na lang po. At nagpanggap na balewala lang sa akin ang lahat.”
“In fairness, ang guwapo niya ah. Ano’ng pangalan? Enzo ba?”
“Opo, Enzo po. Lorenzo Montenegro.”
“Yung mommy n’ya. Mabait ba talaga ‘yon? Baka inaapi ka nun ah? Gaya nung mga napapanood ko. Yung kunwari lang mabait pero bw*s*t talaga.”
“Mabait po si Ma’am Lara, Nay. Alagang-alaga po nila ‘ko. Wala nga po akong ginagawa sa bahay nila eh.”
“Nakakatuwa naman kung gano’n, anak. Mahal mo na rin ba si sir Enzo? Magkasama na ba kayo sa kuwarto? At kailan mo pa nalaman na buntis ka?”
“Yung unang tanong mo po. Hindi ko po alam eh. ‘Yung pangalawa naman po. Opo, magkatabi po kami sa higaan. At yung last naman po. Limang araw palang po mula nung malaman ko pong buntis po ako. Hindi ko pa nga po malalaman na buntis ako kung hindi pa po ako na-ospital eh.”
“Na-ospital ka?”
“Opo. Bigla po akong nahilo. Kaya ayun po. Nalaman namin na buntis pala ako. Nag P.T naman po kasi ako nun, pero nag negative. Kaya akala ko po talaga ay hindi ako buntis. Tapos heto nga. Nagulantang nalang kami na may laman na pala ‘tong tiyan ko.”
“Ang sabi nila, ikakasal kayo? Paano na ‘yan? Pati ikaw, aalis na sa poder ko? Iiwan mo na rin ako ng tuluyan gaya ng ate mo.”
“Kahit naman po may asawa na ‘ko. Madalas pa rin po akong uuwi dito. Kaya ‘wag ka na pong malungkot.”
“Okay. Sabi mo ‘yan ha?”
“Opo, Nay. Pangako po.”
Paglabas nga namin ay nakita ko si Miguel na nasa salas na rin pala.
“Migz?”
“Eliiii!!”
Sabay yakap niya sa akin.
Kaya ang sama ng tingin ni sir Enzo sa aming dalawa.
“Kaya pala inaaya ako ng mga paa ko na magpunta dito kay Nanay Eleonora. Kasi, nandito ka. Sino pala sila? Mga amo mo? Parang pamilyar kasi sa akin ‘yung lalaki.”
Tumayo naman si Sir Enzo at naglahad ng kamay kay Miguel.
“Enzo nga pala, bro. Mapapangasawa ni Eliza.”
“Joker ‘tong amo mo ‘no, Eli? Komedyante masyado hehe.”
“Hindi ako nagbibiro. Bakit hindi si Eli ang tanungin mo?”
“Totoo ba ‘yun, Eli? Bakit parang biglaan naman ‘yan?” tanong ni Miguel.
Bakas sa mukha niya ang lungkot.
“Mahabang k’wento, Migz. Ipapaliwanag ko na lang sa ‘yo minsan.”
Nangilid ang mga luha niyang umalis sa harapan ko at lumabas ng bahay.
Gusto ko man siyang sundan. Pero hindi ko magawa. A
Dahil ayokong maging issue ito kina sir Enzo at Ma’am Lara.
Nagpatuloy ang kuwentuhan nila Nanay at Ma’am Lara. Habang si sir Enzo naman ay kapansin-pansin ang pananahimik.
Pero hinayaan ko lang siya.
Nakisali na lang ako sa kwentuhan nila nanay tungkol sa madrama naming buhay. At ang tungkol sa kasal namin.
__________
Pag-uwi namin ay tahimik pa rin si sir Enzo. Naghubad lang siya ng suot niyang polo shirt at nagpalit ng puting sando.
Nahiga na sa kama at nag cellphone.
Hindi talaga niya ako pinapansin.
“May problema po ba?” tanong ko.
Pero hindi siya kumibo.
Kaya nag-umpisa na akong mainis sa kaniya.
“Parang wala naman akong kausap.” mahinang sabi ko at nagpunta sa banyo niya dahil naiihi na ako.
Paglabas ko ng banyo ay nakatayo siya sa gilid habang nakasandal ang isang kamay sa pader at ang isang kamay ay nakahawak sa bewang niya.
Walang reaksyon ang mukha niyang nakatingin sa akin.
“Iihi ka rin po?” tanong ko.
Kahit naiinis ako sa kaniya.
Pero hindi siya kumibo.
At hinatak ako pabalik sa loob ng C.R.
Bigla na lang niya akong hinawakan sa batok at sinunggaban ng halik na ikinagulat ko.
Kakawala sana ako, pero mas dumiin lang ang halik niya at halos ikulong niya ako sa mga bisig niya.
Wala na akong nagawa kun ‘di ang pumikit at hayaan siyang angkinin nanaman ang mga labi ko.
Nang maghiwalay ang mga labi namin ay sinamaan ko siya ng tingin.
At akma pa lang sana akong magsasalita pero siniil nanaman niya ako ng halik at isinandal sa pader ng C.R.
Gumapang din ang halik niya sa tainga at leeg ko.
“You belong only to me, Elizabeth Robles. Your heart is mine—especially your lips.”
Napalunok na lang ako at napayuko ng bahagya.
“Sa’yo naman na talaga ako ah. Kailangan pa bang sabihin? May choice pa po ba tayo? Wala naman na po ‘di ba?”
“Mahalin mo rin sana ako, Eli. Sana, kapag kinasal tayo, mahal mo na ‘ko. Dahil ayokong mapilitan ka lang. Ayokong maulit ulit ‘yung nangyari sa amin ni Monica.”
“Hindi na po ‘yon mauulit.”
Napangiti naman siya sa sagot ko.
“Talaga? So, walang atrasan ha?”
Ngumiti naman ako at umiling.
“So, mahal mo na rin ba ‘ko?”
“Hindi ko sure pero… pero nagkaka crush na ‘ko sa ‘yo.”
“Lakas maka teen-ager ng crush-crush na ‘yan. Pero mas nakaka kilig ‘yan.” aniya. “Nagiging kamukha ko na ba si Joshua Garcia? Magsabi ka ng totoo kung ayaw mong—“
“At ano’ng gagawin mo na ikatatakot ko?”
“Hahalikan kita ulit ‘yung walang tigil hanggang sa pareho na tayong kapusin ng hininga.”
“Ang lala no’n ah.”
“Siyempre.” sagot niya sabay kabig nanaman sa bewang ko palapit sa kaniya.
Muli nanaman kaming nagkatitigan.
At dito ko naramdaman ang malakas na kabog ng dibdib ko.
Tila hinihila ako ng sarili ko na ako naman ang humalik sa kaniya.
At hindi ko na nga napigilan ang sarili ko.
Tumingkad ako upang maabot ko ang mga labi niya.
At naglapat ngang muli ang mga labi namin.
Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko.
Pero napangiti ito ng maluwang at binuhat ako palabas ng banyo at maingat na inihiga sa kama.
Para kaming bagong kasal kung maglambingan.
Pumaibab4w siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Pababa sa ilong ko at sa mga labi ko.
Sabay pa kaming pumikit habang naglalabanan ang mga labi naming dalawa.
Wala na kaming pakialam kung saan na kami dalhin ng mga halik na ito.
Hanggang sa hindi ko namalayan na naalis na pala niya ang lock ng bra ko at tuluyang inalis ito.
“Sir Enzo…” mahinang usal ko. Pero itinapat lang niya ang hintuturo niya sa mga labi ko.
Na para bang sinasabi niya na manahimik ako.
Sunod niyang inalis ay ang damit ko at wala na ngang natira sa pang-itaas ko.
Napalunok naman ako ng makita kong pinagmamasdan niya ang h*b*d kong k*t*w*n.
Napangiti siya ng pagkatamis at siya naman ang nagtanggal ng pang-itaas niya at muling inangkin ang mga labi ko.
Nang biglang…
May kumatok sa pinto.
Pareho kaming nataranta. Hindi namin alam ang gagawin lalo na’t hindi namin ito nai-lock.
Hinatak ko naman ang kumot at ibinalot ko sa katawan ko.
“Enzo, anak. Nandito ang mga pinsan mo. Pati na ang Tito Leonard mo.”
Napakamot naman sa ulo si Sir Enzo at halatang naiinis.
“Wait lang po!” sigaw nga niya.
At nagmadaling ibinalik ang suot na sando.
“Mamaya nalang natin ituloy, Sweetie Pie. May mga abala. Magbihis ka na. Tapos labas ka rin. Ipapakilala kita sa kanila.” sabay halik niya sa noo ko at lumabas na nga ng kuwarto.
Ako naman ay naiwang tulala.
Nang makapag bihis nga ako ay biglang bumukas ang pinto ng kuwarto.
Bumalik pala si sir Enzo. Akala ko — hindi na siya babalik. Wala sana akong balak na bumaba at harapin ang mga kamag-anak nila dahil nahihiya ako.
“Halika na sa living room, sweetie pie. Ipapakilala kita sa kanila.”
“Sir Enzo, nahihiya po ako.”
“Bakit naman?”
“Siyempre alam mo na. Mabibigla naman sila. Hindi natuloy ‘yung kasal n’yo ni Miss Monica tapos may bigla kang ipapakilalang bago at buntis pa. Ayoko na munang humarap sa relatives mo, sir. Nahihiya talaga ako sa magiging komento nila.”
Napabuntong-hininga naman siya at hindi na ako pinilit pa.
“Sige, kung ayaw mo pa talagang humarap sa kanila ngayon. Naiintindihan ko.”
“Sa daddy mo nga. Hanggang ngayon nahihiya ako sa kaniya eh.”
“Mabait si Daddy. Yun nga lang, hindi talaga siya palakibo. Bihirang-bihira kang kausapin. Na para bang laging may pinag-iipunan.”
“Yun na nga po eh.”
“Pero masaya siya ng malaman niyang magkaka apo na sila ni Mommy. Siya rin ang nagsabi sa amin na alagaan ka namin. Napaka busy din kasi niya. Halos wala na rin s’yang oras sa amin eh.”
“Sige na sir. Balik ka na sa mga pinsan mo.”
“Itutuloy natin ‘yung naudlot kanina ah?” nakangiti niyang tanong na may halo nanamang pang-aakit.
“Hindi na po.” sagot ko.
Kaya unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya.
Lumabas siya ng kuwarto na walang kaimik-imik.
____________
LORENZO’s P.O.V
Habang pauwi ako. Tumatawag sa akin si Monica. Pero hindi ko ito sinasagot. Ayoko siyang kausapin dahil wala naman na kaming dapat pang pag-usapan pa.
Pero ng makapasok ako sa village ay nakita ko ang sasakyan ni Monica na ilang metro lang ang layo sa sasakyan ko.
Nakahinto ito sa gilid kung saan ako daraan.
Kilala si Monica dito sa village kaya hindi ako magtataka kung pinapasok siya ng guard.
“Ano’ng ginagawa niya dito?!” tanong ko sa aking sarili.
Huminto rin ako sa unahan ng sasakyan niya at sabay pa kaming lumabas ng sasakyan.
“What are you doing here?!” galit kong tanong.
“Enzo…”
“Hindi ka na dapat nagpunta dito! Pagkatapos ng gulo na ginawa n’yo — magpapakita ka pa sa ‘kin?!”
“Enzo, I’m so sorry. Inaamin ko ang mga pagkakamali ko. Sorry talaga. Pero hindi ako nagpunta dito para mag-away lang tayo. Nandito ako dahil iyak ng iyak si Dave. Hinahanap ka n’ya. Lagi nalang walang ganang kumain. Nahihirapan na ‘ko.”
“Bakit ako ang hahanapin ni Dave?! Eh, nandiyan na si Dave! Nandiyan na ang totoo n’yang Daddy!”
“Pero ikaw ‘yung kinikilala nung bata, Enzo! Para sa kaniya, ikaw ang daddy niya.”
Hindi ako nakasagot.
Mahal ko rin naman ‘yung bata at itinuring ko rin ‘yon na parang totoo kong anak.
“Please, Enzo. Kahit ngayon lang. Magpakita ka do’n sa bata. Sa totoo lang, nahihiya na ‘kong magpakita sa ‘yo eh. Dahil sa ginawa ko. Dahil sa panggugulo ni David. Hinihingi ko ang kapatawaran mo, Enzo.”
“Nagkamali rin ako, Monica. Hindi lang ikaw.”
“A-ano’ng ibig mong sabihin?”
“Nagkamali rin ako. Nagkasala.”
“Paano?” nagtataka niyang tanong.
“Kung ikaw, nabuntis ka ulit ng ex mo. Ako naman may nab*ntis na ibang babae.”
Napa iling-iling siya habang nag-uumpisa ng pumatak ang mga luha niya.
“Nauna ka nga lang na nagkamali, Monica. Pero alam kong mali na gumanti.”
“S-sino s’ya?” tanong niya. At tuluyan na ngang pumatak ang mga luha niya.
“Si Eliza.”
Nangunot ang noo niya.
“Eliza? Yung maid n’yo? Or kapangalan lang n’ya?”
“Siya mismo, Monica.”
“No! That’s not true! Imposible ‘yan!”
“Hindi ko na kailangan pang mag explain sa ‘yo, Monica. Dahil hindi naman na tayo. Pero gusto ko lang sabihin na nung araw ng kasal natin. Hindi ko alam na buntis s’ya. Kaya ikaw pa rin ang pinili ko. Ikaw pa rin ang pinili kong makasama habang-buhay. Pero, buti na lang hindi ‘yon natuloy. Dahil ipapa-ako mo lang pala sa akin ‘yung batang hindi naman sa akin. Samantalang ‘yung totoong anak ko. Magiging illegitimate child. Mahal ko na si Eliza, Monica. At alam ko rin naman na mahal mo si David. Kaya nga kahit ikakasal na tayo — nakikipagkita ka pa rin sa kaniya. Maging masaya na lang tayo para sa isa’t-isa.”
Humagulgol nga siya ng iyak. Pagkatapos kong sabihin sa kaniya ang lahat.
At bigla nga siyang yumakap sa akin.
“Sorry sa lahat. Aaminin kong mahal pa rin kita kahit na nagawa kitang lokohin noon. Hindi ko sinasadya.”
Wala akong naisagot sa kaniya.
Nanatili akong tahimik hanggang sa…
“Sir Enzo!”
Napatulala ako at dahan-dahang lumingon sa pinanggalingan ng boses. Alam kong boses iyon ni Juris.
Una ko ngang nakita ay si Juris at nasa tabi niya si Eliza.
Agad kong inalis ang kamay ko sa likod ni Monica para lapitan sana si Eliza pero tumalikod ito at naglakad ng palayo.
“Eliza! Eliza, wait! Mali ang iniisip mo!”
Pero tila hindi niya ako naririnig.
Tumakbo na ako para maabutan ko siya. Pero sa tuwing hinahawakan ko ang braso niya ay inaagaw lang niya ito sa akin.
Halatang galit talaga siya.
“Eliza… hayaan mo naman akong magpaliwanag oh.”
“Hindi naman na po kailangan. Nakita ko naman.”
“Pero mali ang iniisip mo. Nagpunta si Monica dito para kay Dave. Gusto raw akong makita nung bata. At humingi na rin kami ng tawad sa isa’t-isa. Yun lang ‘yon, Eli. Wag ka sanang magalit.”
Pero hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa paglakad.
“Eli!
Hanggang sa makarating kami sa bahay ay hindi niya ako pinansin. Nauna na rin siyang pumasok sa loob. Susunod sana ako pero bigla akong pinigilan ni Juris.
“Sir, hayaan mo na muna si Eli. Hayaan mo na munang humupa ‘yung nararamdaman niya. Mahirap talagang suyuin ang buntis. Mas mabilis silang maging emosyonal. Ako na po munang bahala sa kaniya.”
“Bakit pala nasa labas kayo?”
“Nag-aya siya na maglakad-lakad. Kasi naiinip naman siya dito sa bahay. May approval din naman ni Ma’am Lara. Mas makakabuti din kasi kay Eli kung hindi puro upo at higa lang, sir.”
“Hindi ko alam na pupunta si Monica dito. Nagulat nalang din ako na nandito s’ya sa village. Ang sabi n’ya, hinahanap ako nung bata.”
“Ni Dave po? Talaga pong hahanapin ka n’ya. Kasi, parang totoong tatay ka na nung bata eh. Nakaka awa naman si Dave.”
“Kaya nga eh. Pero mas okay na rin siguro na hindi na kami magkita nung bata. Para wala na rin maging issue. Makakalimutan n’ya rin ako. Tutal, kasama naman na n’ya ang totoong daddy n’ya.”
“Kung sa bagay po. Pero alam ko pong nami-miss mo rin si Dave.”
“Oo, nami-miss ko talaga siya. Pero gaya nga ng sabi ko, mas okay ng hindi kami magkita ulit. Ikaw na muna ang bahala kay Eli ha? Babalikan ko ‘yung sasakyan ko. Naiwan do’n eh.”
“Sige sir. Ay, teka lang po. Sa palagay ko po. Sinadya ni Miss Monica na yakapin ka kanina.”
“P-paanong sinadya?”
“Napansin ko po kasing napatingin na siya sa amin kanina ni Eli. Bago ka n’ya yakapin. Sa palagay ko talaga — sinadya n’ya ‘yon.”
Hindi na nga ako naka kibo.
Napatango-tango na lang ako.
Binalikan ko nga ang kotse ko kung saan ko ito ipinarada kanina.
Wala na si Monica don maging ang sasakyan niya.
Mabuti naman.
Pagbalik ko sa bahay at pagpasok ko sa kuwarto ay wala si Eliza.
Hinanap ko rin sa kusina pero wala siya at wala rin sa garden.
Saka ko lang naisip ang sinabi ni Juris na siya na muna ang bahala kay Eliza.
Malamang ay nasa kuwarto nila ito.
Bumalik nga ako sa kuwarto at naupo sa gilid ng kama. Hindi ko pa rin magawang magbihis.
Hinihintay ko siyang bumalik sa kuwarto namin.
Lalabas sana uli ako ng biglang may pumihit ng door knob kaya napahinto ako.
“Eli…”
Pero dinaanan lang nya ako at hindi niya ako pinansin.
“Eliza. Mag-usap tayo.”
“Okay na ‘yon, sir. Wag na nating pag-usapan pa. Bakit nga ba ‘ko magseselos o magagalit kung nakita ko kayong magkayakap ‘di ba? Eh, wala naman tayong relasyon. Magpapakasal lang naman tayo dahil nab*ntis mo ‘ko.”
“Eli, pakinggan mo muna ‘ko, please?”
“Ito ba ‘yung gusto mo?! Sige! Ibibigay ko sa ‘yo ng buong-buo! Alam ko naman na ito lang ang gusto mo sa ‘kin, doon palang sa rest house ‘di ba?!” sigaw niya sabay alis ng dress niya.
“Eli, hindi ‘yan totoo!” sagot ko.
Saka ko pinulot ang dress na hinubad niya.
“Ano’ng hindi?! Sige na! Eto na oh! Wag ka ng mahiya pa!”
“Hindi lang ‘yan ang habol ko sa ‘yo, Eliza! Mahal kita! At kaya kong hintayin ang panahon na ibibigay mo ulit sa akin ‘yan ng kusang-loob. Mahal na mahal kita at nirerespeto kita.”
Kinuha nga niya sa akin ang dress niya ay isinuot itong muli.
“Kung ayaw mo, edi ‘wag!”
Hinapit ko naman siya sa bewang palapit sa akin at hinawakan ko ang magkabilang pisnginniya.
“Mahal mo na ‘ko ‘no? Kasi, nakakaramdam ka na ng selos. Kung alam mo lang kung paano kong sinabi kay Monica na ikaw na ang mahal ko.”
“S-sinabi mo ‘yon?”
“Oo naman. Sinabi ko ‘yon sa kaniya. Kaya hindi dapat magselos ‘yung magandang babaeng buntis d’yan. Sorry na po talaga. Ikaw lang ang mahal ko.”
“Sorry din sa inasta ko kanina at sa mga nasabi ko.”
“Patatawarin lang kita kapag ki-niss mo ‘ko.” pagbibiro ko.
Akala ko ay magagalit nanaman siya.
Pero hindi.
Dahil hinalikan nga niya ako sa mga labi.
Kaya nanlaki ang mga mata ko. At yumakap pa siya sa akin.
“Sorry kung nagselos ako. Natatakot lang ako na baka bumalik ‘yung feelings mo sa kaniya. Paano naman ako?”
“Hinding-hindi ‘yan mangyayari. Ikaw lang po ang mahal ko. Ikaw lang, at wala ng iba pa.”
“Promise ‘yan?” tanong niya.
Nagtaas naman ako ng kanang kamay.
“Opo, promise po.”
At sa pagkakataong ito ay ako naman ang yumakap sa kaniya at hinalikan ko siya sa noo.
“I love you so much, Eli.”
“I love you too, Enzo.”
Mas lalo nga akong kinilig ng mag i love you too siya. Lalo na’t wala ng sir.
Tinawag na lang niya ako sa pangalan ko.
Kaya naman muli ko siyang hinawakan sa magkabilang pisngi at hinalikan ko siya sa mga labi
“Eli, may secret akong gustong sasabihin sa ‘yo.” ani ate Juris habang nagme-meryenda kaming dalawa.
“Secret? Ano ‘yun ate?”
“About kay sir Seb.” sagot niya.
“Oh? Ano’ng tungkol sa kaniya, ate?”
“Crush ko rin s’ya eh.” diretsahan niyang sagot.
Nanlaki nga ang mga mata ko. At hindi ako makapaniwala.
“Weh? Hindi nga ate? Hala, sorry. Hindi ko alam. Akala ko, wala kang gusto sa kaniya. Todo kilig-kilig pa ‘ko no’n at talagang inoopen ko ‘yun sa ‘yo.”
“Selos na selos nga ako nung binuhat ka n’ya nung natamaan ka n’ya ng bola. Pero sino ba ‘ko para magselos? Wala namang karapatan hehe.”
“Sorry talaga ate.”
“Bakit ka naman nagso-sorry? Wala ‘yun ‘no. Masaya talaga ako na may sir Enzo ka na. Sana ako rin magkaroon na.”
“May boyfriend ka rin ate ‘di ba?”
“Ilang weeks na rin kaming hiwalay. Hindi ko lang sinasabi sa ‘yo, kasi ayokong may maka alam na nasasaktan ako. Na wrong sent siya sa ‘kin. Tinawag niya akong babe. Eh, mahal ‘yung tawagan namin. Tapos ang sabi niya sa text. “Kailan tayo ulit magkikita, babe? Sobrang ganda mo.” Oh, ‘di ba? Magloloko nalang. Ma wro-wrong sent pa ang hinayupak!” sabay tawa niya.
Pero alam kong nasasaktan siya.
“Ate…”
“Wag kang maawa sa ‘kin. Okay lang ako.”
“Dapat sinabi mo pa rin sa akin, ate. Para hindi mo kinimkim lang ‘yung sakit. Ang hirap kaya nung gano’n. Ako kasi, ‘yung nangyari sa amin ni sir Enzo. May isa pa rin akong pinagsabihan eh. Para kahit papaano, maihinga ko. Mailabas ko ‘yung nararamdaman ko that time.”
“Gano’n talaga ako eh. Hangga’t kaya kong ilihim. Ililihim ko. Saka, may kani-kaniya tayong problema eh.”
“Ang problema mo, dapat shine-share mo rin. Share your problem gano’n.”
Natawa na lang ulit siya. At nagpatuloy sa pagkain.
__________
JURIS’s P.O.V
Halos dalawang oras na simula ng mahiga ako pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.
Gising na gising ang diwa ko.
Napakarami kasing tumatakbo sa isipan ko.
Mga paulit-ulit na katanungan na paulit-ulit ko ring sinasagot sa isip ko.
Na kung bakit ako nagawang lokohin ng lalaking minahal ko at pinagkatiwalaan ko.
Dahil ba, LDR kami?
Bihirang magkita at magkasama at tanging cellphone lang ang nagsisilbing communication naming dalawa.
Pero kahit na, mali pa rin ang lokohin niya ako at makipagkita sa ibang babae habang kami pa.
Pagkatapos ko kasi siyang komprontahin tungkol sa pagka wrong sent niya sa akin ay nagalit pa siya at sinabi ang lahat ng pagkukulang ko.
Minaliit pa niya ang trabahong meron ako ngayon.
Dahil kasambahay lang ako at siya ay chef.
Matagal na niya akong pinapatigil sa trabaho pero hindi ako pumayag dahil kailangan ko rin ng sariling pera para sa tatay at sa lolo ko na ako na lang ang inaasahan.
Nasa probinsya sila at pareho na ring mahina.
Ayoko naman na bigyan niya ako ng pera dahil hindi naman kami mag-asawa at ayokong may isumbat siya sa akin pagdating ng panahon.
Isa pa, kahit apat na taon na kami. Never naming napag-usapan ang kasal. Na para bang wala naman talaga siyang balak na pakasalan ako.
Oo, may crush ako dito sa mansyon at si sir Sebastian iyon. Pero hanggang paghanga lang. Ni hindi ako nagpa-pansin sa kaniya o nagpakita ng interes sa kaniya.
At dahil hindi nga ako makatulog.
Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at lumabas ng kuwarto.
Nagtungo ko sa pool area dahil dito mas masarap tumambay.
Pero naririto rin pala si sir Sebastian.
“Sir Seb?”
“Juris? Hindi ka rin ba makatulog?”
“Uhm. Opo eh. Akala ko nga po, ako na lang ang gising. Ikaw rin po pala.”
Ngumiti lang naman siya.
“Umiinom ka na po ulit? Nakakarami ka na po ah. Matagal ka na pong hindi umiinom ng alak. Ngayon na lang ulit.
“Pampatulog lang, Ris.” sagot niya sabay tayo.
Halatang marami na siyang nainom dahil hindi na siya tuwid tumayo at nung lumakad siya palapit sa pool ay sumusuray na siya.
“Sir Seb, baka mahulog ka!” sigaw ko.
At nangyari na nga.
Bumagsak nga siya sa pool.
Alam ko namang marunong siyang lumangoy pero alam ko ring lasing siya kaya mahihirapan siya.
Kaya walang pagdadalawang isip ko siyang nilundag sa tubig.
Hinila ko siya at dinala sa gilid.
“Ayos ka lang, sir?”
“Salamat, Juris.” aniya. “Whoaaa! Lunod nanaman ako sa sakit!” sabay sigaw niya. “Lagi na lang!”
“Sir, umahon na po tayo. Para makapagbihis ka na po.”
“Nabasa ka na rin tuloy dahil sa ‘kin. Sorry, Ris. Sorry.”
“Okay lang po.” sagot ko.
Nang bigla na lang siyang tumitig sa akin at unti-unting ngumiti.
“Ang pretty mo rin ‘no?”
“Naku, hindi po ah.”
“Pa humble pa ‘to.”
“Sige na po, umahon na po tayo.”
Tumango naman siya at inalalayan ko nga siyang umahon mula sa tubig.
At dahil hirap na siyang maglakad ay inalalayan ko na rin siya. Hanggang sa kuwarto niya.
Nabasa rin ang mga dinaanan namin kaya pupunasan ko na lang iyon mamaya.
Pagkapasok nga namin sa kuwarto niya. Imbis na sa banyo ang diretso niya ay sa kama agad.
Nagpatibuwal siya dito.
“Sir, basa ka po oh. Magbihis ka na po muna.”
“Pero inaantok na ko. Bukas na lang. Wag mo na lang buksan ang aircon.” sagot niya sabay pikit.
Pero hindi ko siya hinayaang matulog ng basang-basa.
Kaya hinila ko siya para ibangon.
“Hindi ka puwedeng matulog ng basa, sir! Magbihis ka.”
“Hindi ko na kaya, Ris. Hilong-hilo na ‘ko.”
“Tatawagin ko po si sir Lorenzo para po siya ang magbihis sa ‘yo.”
“Wag na. Tulog na sila ni Eli. Maiistorbo lang natin. Sige na, matulog ka na rin. Good night.”
“Pero, sir! Hindi nga p’wedeng matulog ka ng basa ka.”
“Pakibihisan mo na lang ako ng damit.”
Napalunok naman ako.
Wala naman akong choice kun ‘di ang palitan nga siya ng damit.
Pagka hub4d ko nga ng damit niya ay tumambad sa akin ang maganda niyang katawan.
Ang abs niya.
Napalunok naman ako at nag-iwas din ng tingin.
Nagtungo ako sa closet niya upang ikuha siya ng damit.
Pero pagbalik ko ay nakahiga nanaman siya sa kama.
“Hays, nahiga nanaman.” mahinang sabi ko.
At ibinangon ko nga siya ulit.
Pero bigla niya akong hinatak kung kaya’t nasubs*b ako sa dib-dib niya. Nahalikan ko pa ito.
Tatayo na sana ako pero mabilis niya akong kinulong sa mga bisig niya.
“Sir Seb…”
“Bihisan mo na ‘ko, Ris.”
“Opo!” sabay kawala ko sa mga bisig niya.
Sa kalagitnaan ng masarap kong pagkakatulog ay bigla na lamang akong nagising. Pagkamulat na pagkamulat nga ng mga mata ko ay ang guwapong mukha ni Enzo agad ang nakita ko.
Kusa nalang napangiti ang mga labi ko habang pinagmamasdan ko siya.
Hindi ko lubos akalain na ang lalaking hindi ko naman gusto nung simula ay mahal ko na ngayon.
Dahan-dahan ko ngang hinaplos ang mukha niya, at ang hinlalaking daliri ko ay nasa ibabang labi niya.
Nang bigla na lang siyang magising kaya mabilis kong inalis ang kamay ko sa mukha niya maging sa labi niya.
“Gising ka pa pala, sweetie pie?” tanong niya habang hirap pa siyang imulat ang kaniyang mga mata.
Napalunok naman ako.
“N-nagising lang.” sagot ko.
“Gano’n ba? Tapos?”
“Ano’ng tapos? Edi, tapos na. Bakit? Akala mo ba, pinagmasdan kita?”
“Wala naman akong sinabing gano’n ah. Hindi ka na ba ulit makatulog?”
“Inaantok na ulit ako.”
“Talaga?”
“Oo naman.”
“Akala mo ba, hindi ko ‘yun alam? Hindi ko naramdaman?”
“Ang alin?”
“Sana pala, nagtulug-tulugan pa rin ako. Baka sakaling, hinalikan mo ‘ko.”
Napalunok na lang ulit ako.
Shock!
Kanina pa rin pala siya gising.
Nakaka inis! Nagpanggap pa talaga siyang tulog.
“Bakit kita hahalikan?”
“Eh, baka gusto mo lang. Baka gusto mo lang na nakawan ako ng halik habang tulog ako. Gaya nung ginawa ko sa ‘yo nung nasa rest house tayo. Ang himbing ng tulog mo no’n eh. Kahit pinapapak ko na ‘yung lips mo, hindi ka pa rin nagigising.”
“Ginawa mo ‘yon?!”
“Oo, hindi mo alam ‘no? Tulog mantika ka kasi.”
“Ano pang ginawa mo sa ‘kin ha?”
“Wala na. Yun lang.”
“Yung totoo?”
“Yun nga lang po. Ang sarap halikan ng tulog eh. Hindi nagagalit.”
“Siyempre, tulog nga eh. Pero ginawa mo ba talaga ‘yon?”
“Oo nga po. Dalawang beses pa nga eh.”
“Yuck! Panis laway ko no’n.”
“Ayos lang. Mahal naman kita eh.”
Napataas na nga lang ang kilay ko.
“Meron nga pala akong request.” saad ko.
“Ano ‘yun, sweetie pie ko?”
“Baka p’wedeng… baka p’wedeng kapag nanganak na lang ako, saka tayo mag ayos ng para sa kasal natin?”
“Ha? Eh, bakit naman?”
“Hindi naman natin kailangang mag apura eh. Mas okay ‘yun ‘di ba?”
“Para may chance ka pang makapag-isip kung gusto mo talaga akong makasama habang-buhay? At para may chance ka pang umatras?”
“Hindi gano’n. Ang O.A naman nito. Bakit pa ‘ko aatras? Eh, love na love na kita. Ang akin lang, masyadong mabilis. Mabibigla din ‘yung mga tao na may bigla ka ulit pakakasalan. Mahirap din mag-ayos ‘di ba? Maraming proseso. Maraming ganap.”
“Kung sa bagay, tama ka. Akala ko talaga, para may chance kang takasan ako eh.”
“Sira ‘to!”
“Wala ng atrasan ‘to, mahal ah?”
“Oh? Bakit biglang mahal? Akala ko, sweetie pie mo ‘ko?”
“Mas okay ‘yung mahal na callsign. Para, akma sa nararamdaman ko. Kasi, mahal na mahal kita.”
Napangiti naman ako.
“Gano’n?”
“Opo. Ikaw nga, tawagin mo nga akong mahal.”
“Mahal ko.” sabay kindat ko sa kaniya.
Hindi nga rin niya naitago ang kilig na nararamdaman niya.
“Lakas magpakilig ah. Kiss mo nga po ulit ako mahal.”
“Matulog ka na.”
“Kiss muna.” at ngumuso pa nga.
Idinikit ko naman ang palad ko sa kaniya.
“Ayan, okay na ‘yan.”
“Bahala ka. Ako hahalik sa ‘yo mamaya kapag tulog ka na. Tapos—“
“Tapos ano ha?”
“Wala hehe.”
“Ikaw, puro ka kal*kohan.”
“I-kiss mo na kasi ako.”
“Matulog ka na, okay?”
“Ah, ako nalang pala hahalik sa ‘yo. Ayaw mo akong halikan eh.”
At wala na nga akong nagawa dahil mabilis na niya akong nahalikan.
“Ayun, p’wede na ulit matulog.” saka siya yumakap sa akin.
“Ganito ka rin ba ka-sweet kay Monica?”
“Hindi. Mas sweet ako sa ‘yo.”
“Sus. Nahiya pa. Alam kong ganito ka rin kalambing sa kaniya. Mahal na mahal mo kaya ‘yon.”
“Ito oh. Nagsisimula nanaman. Gumagawa nanaman ng dahilan para magselos.”
“Pero totoo ‘no?”
“Hindi talaga. Oo, nagki-kiss kami. Pero, hindi ako ganito sa kaniya. Mas malambing ako sa ‘yo.”
“Totoo?”
“Opo, totoo nga.” nakangiti niyang sagot.
“Akin ka na ngayon, Lorenzo Montenegro.”
“Akin ka na rin ngayon, Elizabeth Robles.”
“Tara na nga, matulog na nga ulit tayo. Para tayong timang eh.”
“Good night, Mahal.” aniya.
“Good night din po.
Abala ako sa paggagayak ng mga lulutuin para sa pananghalian ng bigla nalang sumandal sa lababo si sir Seb at tumingin ng seryoso sa akin.
Napalunok naman ako at kinabahan.
Mukhang alam ko na ang itatanong niya sa akin.
“H-hindi ka na po nakasabay sa kanila sa almusal.” sabi ko. Habang ang lakas ng kabog ng dib-dib ko.
“Oo eh. Hindi ko namalayan na magtatanghali na pala. Siya nga pala, may gusto akong itanong sa ‘yo.”
Agad naman akong napa iwas ng tingin sa kaniya.
At mas lumapit pa siya sa akin.
“Ikaw ang nagbihis ng damit ko kagabi ‘di ba?”
“O-opo. A-ako nga po.” utal-utal kong sagot.
“Pati na ‘yung… ‘yung ano. Yung alam mo na. Lahat napalitan eh. Ikaw rin ba?”
Napabuntong-hininga naman ako.
“O-opo. Ako rin.”
Napasapo naman siya sa noo niya.
“Sh*t! Babae pa ang nagpalit sa akin. Gano’n kalala!” aniya.
“Nakatulog ka na po kasi, sir. Eh, hindi ko naman matiis na… na matulog ka ng basa. Nahihiya naman po akong mang-istorbo kina sir Enzo.”
“Nakita mo?”
“N-nakita po ang alin?” tanong ko.
Kahit alam ko naman kung ano talaga ang tinatanong niya sa akin.
“Yung alam mo na.”
Muli akong napabuntong-hininga at tumango na lamang sa kaniya.
Bigla siyang naging tahimik.
Nakakatakot na katahimikan.
“Sorry po.” mahinang sabi ko sabay layo sa kaniya.
“Grabe, nakakahiya ‘yon. Wala akong naitago sa ‘yo.” aniya.
Maging ako nga ay mas lalo nahiya sa kaniya.
“Ikaw pa lang ang babaeng naka kita nito. Siyempre, bukod kay mommy, pero nung bata pa ‘ko non. Pero ngayon, ikaw pa lang. Sh*t nakakahiya talaga.”
“Okay lang po. Wala naman pong malisya ‘yon.” sagot ko na lang sa kaniya.
Dahil pareho na kaming nahihiya sa isa’t-isa. At halos hindi na nga ako makapag focus sa paghihiwa ng gulay.
“Wag mo na lang i-kwento sa boyfriend mo ‘yon ha?”
“Wala naman na po akong boyfriend.”
“Wala na? Nag break na kayo? Kailan pa?”
“Kamakailan lang po.”
“Sorry. Nagmo-move-on ka pala. Pero, okay ka na ba ngayon?”
“H-hindi pa po gaano. Pero, pasasan ba’t tuluyan ko rin po s’yang makakalimutan.”
“Mahirap talagang kalimutan ‘yung taong sobra mong minahal. Puso lang naman ‘yung nasaktan sa atin, pero buong katawan at pagkatao natin — naapektuhan.”
“Kaya nga po eh.”
“Alam mo bang… pareho lang tayong nasasaktan ngayon?”
“Sa tingin ko nga po, sir. Kasi, kagabi ka nalang ulit uminom ng alak eh.”
“Hindi pa naman gano’n kalalim ‘yung nararamdaman ko para sa kaniya. Pero, ang hirap lang kasing kalimutan nung taong lagi mong nakikita.”
Nagtaka naman ako at napa-isip kung sino yung tinutukoy n’ya.
“Sino po s’ya?”
“Ah, hindi mo ‘yun kilala.” mabilis niyang sagot.
Napatango-tango naman ako.
Baka sa kumpanya nila.
“Naku, mahirap nga po ‘yan, sir. Naging girlfriend mo po ba?”
“Hindi. Ni hindi nga niya alam na gusto ko s’ya eh. Pero si Enzo, alam niya.”
“Aww. Sayang. Sana po, ipinagtapat mo dun sa babae na gusto mo s’ya. Sino po ba namang babae ang tatanggi sa ‘yo or mag re-reject ‘di ba? Eh, napaka guwapo mo po. Malay mo po, gusto ka rin pala nung girl.”
“Malabo ‘yan. Ikakasal na sila.”
“Halla! Masakit nga ‘yan.”
“Ge, gatungan mo pa. Nasasaktan na nga ‘yung tao eh.”
“S-sorry po.”
“Pero ang sabi mo, guwapo ako? Nagugwapuhan ka sa ‘kin?”
“Eh, talaga naman pong guwapo ka.”
“Edi, crush mo ‘ko?”
“Uy, sir. Hindi po ah.” pagsisinungaling ko.
Kahit ang totoo ay matagal naman na talaga akong may gusto sa kaniya.
Kaya feeling ko nga, karma ko ‘to eh. Kung bakit ako nagawang lok*hin ng ex-boyfriend ko.
“Biro lang. Hayaan mo, makakalimutan mo rin ‘yung ex mo. Hindi man madali. Pero paunti-unti at magugulat ka nalang na… na hindi na pala masakit. Na naka move-on ka na pala sa kaniya. Bakit pala kayo nag break?”
“May iba na po s’ya, sir. Na wrong sent sa akin. Yung text sana niya don sa isa niya. Sa akin n’ya na send.”
“Ay, t4nga.”
Natawa naman ako.
“Kaya nga po eh. Siya rin ang nagsuplong sa sarili niya.” at sabay nga kaming natawa.
“Hays. Bakit ba hindi na lang mawala sa mundo ‘yung mga taong manl*loko at sinungaling ‘no? Di bale, kaya mo ‘yan. Kaya natin ‘to. Mawawala din ‘yung sakit na nararamdaman natin ngayon. Laban lang!”
“Opo, sir. Kaya talaga natin ‘to.”
“Pero crush mo ‘ko?” natatawa niyang tanong.
Nakaka inis.
Tinanong nanaman niya.
Kapag ako umamin. Bahala siya.
“Sige na nga po. Aamin na ‘ko. Opo, crush kita.”
“Ayiiee. Sabi ko na eh.”
“Weh? Paano mo naman pong nalaman?”
“Hindi nga? Seryoso ka?”
Namilog naman ang mga mata ko.
Bakit nga ba ako umamin?
Wala na! Naloko na!
“Uhm… h-hindi po. Nagbibiro lang po ako.”
“Eh, ba’t hindi ka makatingin sa akin ng diretso?”
“May ginagawa po kasi ako.”
At bigla ko ngang nasugatan ang daliri ko.
“Aray!”
“Hala, nasugatan ka na.”
Sabay hawak nga niya sa daliri ko. “Hugasan natin. Tumutulo oh. Ang sakit n’yan.”
“Wala ‘to, sir. Mas masakit ‘to.” sabay turo ko sa dibdib ko.
Pero bigla rin akong tumawa.
“Nagawa mo pa talagang tumawa ah. Sandali lang, ikukuha kita ng band aid.”
Napangiti naman ako.
Mabilis nga siyang bumalik dala ang band aid. At siya pa mismo ang naglagay sa daliri ko.
“Salamat po.”
“Kulang ba ang hinihiwa mo at pati hintuturong daliri mo eh, gusto mong hiwain?”
“Ikaw kasi sir eh.”
“Oh? Bakit biglang naging kasalanan ko?”
“Biro lang po.”
“Sus, nataranta ka ‘no? Kasi, crush mo talaga ‘ko.”
“Lakas magpa-fall ni sir oh.”
“Ako, pa-fall?”
“Opo.”
“Edi, kapag na-fall ka. Sasaluhin kita.”
Napatitig naman ako sa kaniya. At hinihintay na sabihin niyang biro lang iyon pero hindi niya ginawa.
Seryoso lang din siyang nakatingin sa akin.
“Okay lang naman sigurong magkulitan tayo ng ganito ‘no? Pareho naman tayong single. Walang magagalit sa atin.” dagdag pa niya.
Napatulala nalang talaga ako.
Habang ang bilis-bilis ng kabog ng dib-dib ko Hindi ako makapaniwala na si Eliza pala ang kababata ko. Ang laging dahilan ng pagpunta ko sa park. Kung minsan ay tumatakas pa ako sa yaya ko para lang makapunta roon at makita siya.
Hindi ko rin maitatanggi na bata pa lang ay maganda na talaga siya. At kahit sa murang isipan noon ay alam kong crush ko na siya.
First crush and first s*x.
Bakit pa ba muli kaming pinagtagpo?
Para saan na pinagtagpo kaming muli? Gayong pareho ng nakatali ang puso namin sa iba.
Ikakasal na ako.
Ganoon din siya.
“Tol, ayos ka lang?” napa angat ako ng tingin kay Kuya.
“O-oo naman, kuya. I’m okay. Why?”
“Wala naman. Napapansin ko kasi na para bang may malalim kang iniisip. About ba ‘to sa company?”
Agad akong umiling at ngumiti sa kaniya.
“So, ano or sino ang bumabagabag sa isipan mo? Wag mong ikakaila. Alam kong meron.”
Napabuntong-hininga naman ako at saktong dumaan si Eliza na may dalang mga panlinis.
Pareho kaming napatingin ni Kuya sa kaniya pero siya ay parang hindi kami nakita.
At kahit nakakalayo na si Eliza ay nakatanaw pa rin si Kuya sa kaniya.
“Ah, kuya?”
“Yes?”
“May gusto sana akong itanong sa ‘yo.”
“Sure. Ano ‘yon?”
“What if, nagkita ulit kayo ng childhood friend mo? Na crush mo? Tapos, sa hindi inaasahan ay nagkita ulit kayo? Pero hindi mo alam na siya pala ‘yon? Then, naka one n*ght st*nd mo pa? Ano’ng gagawin mo?”
“Halla, ‘tol! Did you have sex with another woman while you were with Monica? At ‘yun ‘yung childhood friend mo?”
Napabuga naman ako ng hangin.
“Yes, kuya. At hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla akong nalito. Nalito yung isip ko. Nalito yung puso ko.”
“Paano na ‘yan ngayon? Paano na si Monica? At paano rin ‘yung kababata mo na — naik4ma mo na?”
Mas lalo nga lang akong nalito dahil sa mga tanong ni kuya.
“Hindi ko nga alam, kuya eh. Kaya nga ako nagtatanong sa ‘yo kasi hindi ko na rin alam ang gagawin ko.”
“Ikakasal na kayo ni Monica. So, si Monica ang piliin mo. Panindigan mo na s’ya. But, wait! Nung nag s*x ba kayo nung kababata mo, may ginamit kang protection?”
Bigla akong natigilan at napatitig sa kaniya.
Napailing ako.
“Wala, kuya. Nawala na sa isip ko ang gumamit ng protection.”
“Malaking problema ‘yan, Lorenzo Montenegro. Paano kung nab*ntis mo siya? Sa tingin mo, hindi malalaman ng lahat ‘yan? Masasaktan mo si Monica. At kawawa naman ‘yung magiging anak mo do’n sa kababata mo.”
Napatayo ako bigla.
Mas lalo akong nalito.
“Ano ng gagawin ko, kuya?”
“Isang buwan pa naman bago kayo ikasal ni Monica ‘di ba? Alamin mo muna kung hindi mo nab*ntis ‘yung kababata mo. Bago mo ituloy ang kasal n’yo ni Monica. Dahil kung b*ntis ‘yung babae. Siya ang dapat na pakasalan mo. Alam kong masasaktan si Monica. Pero doon ka sa may pananagutan ka talaga.”
“So, kailangan kong alamin kung may nabuo kami? Pero paano namin malalaman?”
“Pregnancy test. Hindi ko lang alam kung… kung ilang weeks bago mag test ah. Ask mo na lang si Mommy.”
“No, kuya. Maghihinala ‘yon. Sayo ko lang ‘to ipinagtapat. Kaya ikaw palang ang nakaka alam nito.”
“Eh, kanino natin itatanong? Ano naman din alam nila Juris at Eliza dito?”
“Tama, kay Eliza ako magtatanong.” saad ko.
“What? Bakit naman kay Eliza? Ano’ng alam ni Eliza sa ganito? Dalaga ‘yung tao.”
“Malay mo naman, kuya. Baka alam niya.”
Nangunot naman ang noo ni kuya pero napatango na lang din.
“Siya nga pala, tol. Pupunta si Marco dito mamaya. Nag-aaya magbasket ball? Sama ka? Para marelax naman ‘yang isipan mo. Malaking problema ‘yang kinakaharap mo eh.”
“Sige nga, kuya. Sasama ako. Saan ba?”
“Dito lang sa village. Papawis lang.”
“Okay, sasama ako. MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO
Nang tumawag sa akin si Nanay na malapit na siya sa subdivision ay agad na akong nag-abang sa kaniya sa labas ng gate.
Maya-maya nga lang ay dumating na rin siya.
Napa awang naman ang mga labi ko at namilog ang mga mata ko dahil bagong gupit siya at nakapag ayos ng sarili.
“Hala, ‘Nay! Is that you po?”
“Hindi mo ‘ko nakilala ‘no?” natatawa niyang tanong sabay hawi pa ng buhok niya.
“Oo, hindi nga po. Akala ko, artista!”
“Grabe ka naman na. Masyado mo naman na ‘kong inuuto, anak.”
“Pwera biro po. Ang ganda-ganda mo po.”
“Eh, saan pa ba kayo magmamana ng ate Elijah mo? Edi, sa akin lang.”
“Tama ka d’yan, ‘Nay.”
“Nakaka hiya naman kasi na hindi ako mag-ayos. Ang ganda-ganda ng magiging balae ko. Dapat, pantay lang kami ng ganda.”
“Mas maganda ka po sa kaniya para sa akin.” mahinang sabi ko.
At sabay nga kaming napangiti. “Sakto po ‘yung pagbisita mo dito, Nay. Nandito din po ‘yung daddy ni Enzo. Makikilala mo na rin po s’ya.”
“Mabait din ba s’ya gaya ni Enzo?”
Medyo natagalan akong sumagot.
“Ah, opo. Mabait din po si sir Fred.”
“Fred?”
“Opo, Nay. May kakilala ka pong Fred?”
“Ah, wala anak. Grabe, ang laki ng bahay nila.”
“Oo ng po eh. Tara na po sa loob.”
Pagpasok nga namin sa loob ay kaagad na lumapit si Ma’am Lara kay Nanay.
“Balae! Buti naman at nabisita ka? Natuwa ako nung sabihin ni Eliza na gusto mong bumisita dito. Kaya heto, nagpaluto talaga ako ng mga pagkain. Bakit pala hindi mo kasama ‘yung apo mo?”
Pero hindi nakasagot si nanay.
Dahil nakatitig siya kay sir Fred.
“Nay?”
“Fred?” mahina niyang sambit.
“Nora?”
“M-magka kilala po kayo?” nagtatakang tanong ko.
Maging si Ma’am Lara ay halatang nagtaka rin.
“Ah, ano kasi. Nagtrabaho din ako sa kumpanya nila dati. Office Assistant ako do’n. Kaya kilala ko si Sir Fred. Di ba, sir?”
Bahagya lang namang tumango si sir Fred at bahagya ding ngumiti.
Pero halata sa kanila na nag-iiwasan sila ng tingin.
Hanggang sa kumakain na kami ay kapansin-pansin pa rin ang pag-iiwasan ng tingin nila nanay at sir Fred.
Nang matapos kumain ay tuloy ang kuwentuhan.
“Small world talaga ‘no? Akalain mo, magkakilala pala kayo ng asawa ko at dati kang nagtrabaho sa company nila.”
“Oo, balae. Nagulat nga ako eh. Na yung dati kong boss. Magiging balae ko na.” sabay ngiti ni nanay. Pero tipid lang.
Nang may biglang tumawag kay Ma’am Lara.At kailangan nitong magpunta sa opisina. May sarili rin kasi itong kumpanya.
“Balae, maiwan na muna kita ha? May biglaang kailangang ayusin sa opisina.”
“Ah, sige, balae. Ingat ka.”
“Salamat.”
Napangiti naman ako.
Kasi, kahit hindi pa kami mag-asawa ni Enzo, balae na talaga ang tawagan nilang dalawa.
“Nay, tara sa garden nila? Naku, matutuwa ka. Ang dami nilang magagandang halaman.”
“Talaga? Baka p’wedeng makahingi kay balae?”
“P’wede naman po siguro, ‘Nay.”
“Si Enzo, mamaya pa ba ang uwi n’ya?”
“Mamaya pa po eh. Mamaya pa rin si Kuya Seb.”
Tumango-tango lang naman si Nanay at tila may hinahanap.
Pero hindi na ako nag-usisa pa.
Nang makarating nga kami sa garden ay tuwang-tuwa si nanay sa mga naggagandahang mga halaman.
Mahilig din kasi sa halaman ang nanay ko.
“Maiwan na muna kita dito, ‘Nay.”
“Huh? Eh, bakit naman?”
“Tinatawag po ako ng C.R eh.”
“Naparami ka ng kain ‘no?”
“Opo eh! Wait lang po ah?”
“Sige lang, anak. Pero ‘wag kang tatakbo.”
“Opo!”
_______
LORENZO’s P.O.V
Pag-uwi ko ay agad kong hinanap kay Ate Criselda si Eliza at sinabi nga nitong nasa garden si Eli kasama ang nanay niya.
Kaagad naman akong nagpunta sa garden pero hindi si Eli ang nakita kong kasama ni Tita Nora. Kun ‘di si Daddy.
Lalapitan ko na sana sila pero napansin kong seryoso ang pinag-uusapan nila.
“Dahil sa pag-iwan mo sa ‘kin noon. Nakunan ako! Nawala ang anak natin! Hindi manlang niya nasilayan ang mundo, Fred! Naging makasarili ka! Natakot ka sa pamilya mo! Natakot kang mawalan ng mana at posisyon sa kumpanya kaya hindi mo ‘ko nagawang ipaglaban noon! Tapos hahanapin mo sa akin ang anak natin?! Wala na siya, Fred! Wala na! At dahil ‘yun sa ‘yo! Ikaw ang sinisisi ko sa pagkawala ng anak ko! Tapos malalaman kong ikaw ang tatay ni.Enzo?! Kung hindi lang buntis ang anak ko, babawiin ko s’ya sa inyo!”
Napatulala nga ako sa mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala.
Hindi ako makapaniwala na may past pala si Daddy at Tita Nora. At nabuntis pa siya ni Daddy.
“Hindi ako katulad ni Enzo, Nora. May paninindigan si Enzo at alam kong hindi n’ya gagawin kay Eli ang ginawa ko sa ‘yo noon.”
“Dapat lang! Dahil mas lalong hindi kita mapapatawad!”
“Patawarin mo ‘ko, Nora. Sinubukan pa kitang ipaglaban, pero ikaw na ‘yung nawala. Ikaw na ‘yung umalis. At hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Hanggang sa natuloy na nga ang kasal namin ni Lara.”
“Dahil sobra akong nasaktan, Fred. Kaya minabuti kong lumayo na lang.”
“Ilang buwan ang anak natin nung makunan ka?”
“Dalawang buwan.”
Bigla namang umagos ang mga luha ni daddy ganoon din si Tita Nora.
“Patawad. Sobrang sakit malaman na hindi pala nabuhay ang anak natin.”
Pero hindi na kumibo si Tita Nora.
Hanggang sa hawakan nga ni Daddy ang kamay niya.
“Siguro, kaya hindi tayo nagkatuluyan, Nor. Kasi… ‘yung mga anak natin ang magtutuloy ng naudlot nating pagmamahalan noon.”
“Siguro nga.” sabay bawi ni tita Nora ng kamay niya kay Daddy.
At sabay silang napalingon sa akin.
“Enzo?” banggut ni Daddy sa pangalan ko.
“Hi, Dad. Hi Tita.”
“Kanina ka pa ba d’yan?” tanong nga ni daddy.
“Ah, hindi po. Kararating ko lang.” pagsisinungaling ko.
At sakto ngang dumating na rin si Eliza
Pagkagising ko ay wala na sa tabi ko si Eliza. Nauna na siyang bumangon sa akin.
Pero pagpunta ko sa banyo ay naririnig ko ang pagpatak ng tubig mula sa shower.
Naliligo yata siya.
Ang aga niyang maligo ngayon.
Sinubukan kong pihitin ang door knob at nagulat ako dahil hindi ito naka-lock.
Bahala ng mapagalitan niya.
Sasabihin ko na lang na hindi ko alam na nasa loob siya.
Pagbukas ko, ay agad ko siyang nakita.
Naliligo nga siya. At malayang-malaya akong panoorin siya ng hindi niya namamalayan.
Nakatalikod kasi siya at hindi niya narinig ang maingat kong pagbukas ng pinto.
Wala siyang suot na kahit ano.
At ngayon ko na lang ulit napagmasdan ito.
Napapalunok naman ako habang pinapanood ko nga siyang maligo.
Tila hinihila na rin ako ng katawan ko na lapitan siya at sabayang maligo.
Nang bigla nga siyang napaharap sa akin kaya nakita ko talaga ng buong-buo.
Pareho pa kaming nagulat at hindi niya alam kung ano ang una niyang tatakpan ng mga kamay niya kaya natawa na lang ako.
“Enzoooo!!!” sigaw niya. “Ano’ng ginagawa mo dito?! Labas!” sabay kuha nga niya ng tuwalya niya at ibinalot sa katawan niya.
“Bakit kasi hindi ka nag-lock. Ayan tuloy. Nakita ko ulit ng buong-buo. Akala ko kasi, wala ka dito eh. Gusto ko na rin sanang maligo. Sabay na tayo? Tutal, nandito na rin lang ako eh.”
“Labas! Labas!”
“Ayoko. Sabay na tayong maligo.”
“Tapos na ‘ko! Bahala ka d’yan.”
“Ano’ng tapos? Eh, kitang-kita ko na nagsasabon ka pa lang ng katawan. Gusto mo, ako na ang magtuloy?”
“Hindi!”
“Ito naman oh. Parang hindi mapapangasawa. At parang hindi ko pa ‘yan nakita dati ah. Para itago mo sa akin ngayon.”
“Tumigil ka na nga, Enzo!”
“Sige na.”
“Hindi nga, sabi!” at akma na nga siyang lalabas pero hinawakan ko siya sa braso.
Nagkatitigan pa kami bago niya bawiin ang braso niya sa akin.
“Maligo ka mag-isa.” aniya.
“Siguro, hindi mo talaga ‘ko mahal ‘no? Sasabay lang maligo, ayaw mo pa. Ang damot mo.” sabay nguso ko at kunwaring nagtatampo.
“Ako? Madamot?”
“Oo, madamot ka!”
Nanlaki nga ang mga mata niya sa sinabi ko. “Akin naman ‘yan ah!” sabay turo ko nga sa k4tawan niya. Tapos, sa ‘yo lang din ako.”
“Hindi mo ba nami-miss?” tanong ko.
“Ano’ng mami-miss ko?” seryoso niyang tanong.
Ngumuso naman ako. “Yung mwah mwah ko.”
“Ewan ko sa ‘yo, Enzo. Ayan ka nanaman eh.”
“Sige na kasi, please. Isang beses lang. Kahit ngayon lang.”
“Ang alin ba?”
“Na sabay tayong maligo.”
Pero hindi siya kumibo.
Nakatitig lang siya sa akin.
Wala ring pagtanggi.
Kaya isinara ko na ang pinto ng banyo at isinandal ko siya dito.
Nanatili siyang tahimik habang magka eye contact nga kami.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
At alam kong ganoon din siya.
Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa mga labi niya. At hinaplos ko pa ito ng hinlalaking daliri ko.
Napaka lambot.
Hindi ka talaga magsasawang halikan.
Itinaas ko nga ang mga kamay niya at hinawakan ko lang ang mga ito ng isa kong kamay habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa bewan niya.
At dito ko na sinamantala ang pagkakataon.
Dahan-dahan kong inilapat ang mga labi ko sa mga labi niya. At bahagya kong ibinuka ang mga labi ko upang mas maangkin ko pa ng lubusan ang mga labi niya.
Pumikit naman siya.
Kaya mas lalo akong ginanahan.
Lalo na ng gumaganti na rin siya ng halik.
Habang tumatagal ay mas lalong nag-aalab ang nararamdaman ko.
Mas may kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko.
Na para bang may higit pa akong gustong marating bukod dito.
Inalis ko nga ang kamay ko sa bewang niya at hinatak ko ang tuwalya upang maalis ito.
Hindi naman siya nagreklamo.
Nagpatuloy kami sa ginagawa naming pag-angkin sa labi ng isa’t-isa.
Mas umiinit na talaga.
At hinding-hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon at sandaling ito.
Binuhat ko siya paharap sa akin.
Nasa likuran ko ang mga paa niya. At binuksan ang pinto ng C.R upang makalabas kami.
Dinala ko nga siya sa kama at maingat na inihiga.
At dito na rin ako nagtanggal ng mga suot ko.
Nakatitig lang siya sa akin.
Walang lumalabas sa bibig niya na pagtutol.
Hinahayaan niya lang ako ginagawa ko.
Hanggang sa pumwesto na ‘ko sa ib*baw niya at muli siyang siniil ng halik. Kung saan-saan na rin lumandas ang mga kamay ko.
Nagiging mapus*k na rin ang bawat palitan namin ng halik.
At nagsimula na nga ang bahay-bahayan naming dalawa.
May istorbo pang kumakatok sa pinto ng kuwarto. Pero hindi namin iyon pinapansin ni Eliza.
Lun*d na lun*d kami sa ginagawa naming dalawa. Lalo na ako. Pero maingat ang bawat pagkilos ko.
Mahirap na.
Baka kung mapaano siya.
Hanggang sa matapos na nga kaming dalawa.
“Success!” wika ko sa aking sarili.
Napagod nga siya.
Kaya binuhat ko ulit siya pabalik ng banyo, at sabay na kaming naligo.
Siyempre, may kiss pa rin kahit naliligo na kami.
Kiss na may kaunting ligo.
At sa tuwing magtatagpo ang mga mata namin ay kusa ding napapangiti ang mga labi namin.
“I love you so much, Mah. Thank you sa pagpayag.” bulong ko sa tainga niya ay hinalikan pa ito.
Kaya nakiliti siya.
Nasa tainga pala ang kiliti niya.
“Nabudol mo ‘ko.” sagot niya. “Sabi mo, sabay lang maligo. Sabay palang abutin ang pangarap eh.”
At natawa na nga lang kaming pareho.
Sabay na rin kaming nagbihis at lumabas ng kuwarto para kumain ng almusal.
Mukhang mapaparami kami ng kain nito.
Pareho nga kaming ngiting-tagumpay! Hanggang ngayon, hindi pa alam ni Eliza ang tungkol sa nanay niya at kay daddy. Wala siya kaalam-alam na may nakaraan ang mga magulang namin.
Para sa akin, mas mabuti na ang nanay niya ang magsabi ng katotohanan. Pero okay lang rin naman kung hindi na lang niya malaman.
Pagpunta ko ng kusina ay nakita ko si daddy na kumukuha ng tubig mula sa refrigerator. Nagulat pa siya ng makita ako.
“Tulog pa si Eliza?” agad niyang tanong sa akin.
“Opo, dad. Tulog pa.” sagot ko.
Tumango-tango lang naman siya.
“Eh, si Mommy po?”
“Nasa opisina na n’ya. Marami raw aasikasuhin.”
“Dad, p’wedeng magtanong?”
“Oo naman. Tungkol saan ba?”
“Mahal mo ba si Mommy?”
Nangunot naman ang noo niya. “Ano’ng klaseng tanong ‘yan, Enzo? Siyempre, mahal ko ang Mommy mo.”
“Narinig ko po kayong magka-usap ni Tita Nora nung nandito siya. Narinig ko po ang mga pinag-usapan n’yo.”
“P-pero ang sabi mo… kararating mo lang non?” gulat niyang tanong.
Umiling ako. “Sinabi ko lang po ‘yun. So, tell me, dad. Natutunan mo nalang pong mahalin si Mommy ‘di ba? Dahil ang una at totoong minahal mo ay si Tita Nora. Bakit hindi mo s’ya pinaglaban? Gayong alam mo palang nabuntis mo s’ya?”
Napabuga naman siya ng hangin at sumandal sa ref.
“Napaka habang kwento, anak. Pero tama ka, natutunan ko nalang mahalin ang mommy n’yo nung mabuntis ko s’ya kay Seb. Teen-ager palang kami ni Lara, ipinagkakasundo na kami sa isa’t-isa ng mga magulang namin. Kasi nga, magkakaibigan sila. Pero parehong ayaw namin ni Lara ang isa’t-isa. Dahil may kani-kaniya kaming gusto that time. May boyfriend s’ya. Ako naman noon may nililigawan. Hanggang sa maging C.E.O ako sa company. Akala namin no’n ni Lara, hindi na nila kami pipilitin na magpakasal. Pero, nagkamali kaming dalawa. Hanggang sa naging palihim naman ang relasyon namin ni Nora. Dati siyang office assistant sa company namin. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Hanggang sa may nangyari nga sa amin. At doon na ako nagpasyang sabihin sa lolo at lola mo ang tungkol sa relasyon namin ni Nora Pero nagalit sila. Ayaw nila kay Nora. Gagawin daw nilang miserable ang buhay ni Nora kapag ipinagpatuloy namin ang relasyon naming dalawa. Aalisin din nila ko no’n sa company at tatanggalan ng mana. Aminado ako na naging mahina ako. Naging duwag ako, anak. Nung sabihin ni Nora na buntis siya ay ikakasal na kami ni Lara. Sinubukan ko pa no’n na umatras. At handa na akong harapin ang lahat. Kahit pa nga mawala ako ng posisyon sa kumpanya. Pero, umalis na si Nora. At hindi ko alam kung nasaan siya. May mga nagsabi na umuwi ng probinsya. Pero hindi nila alam kung saang probinsya. At ayun na nga, natuloy na ang kasal namin ng mommy mo. Sa ibang bansa kami nanirahan. Pareho na kaming walang nagawa no’n kun ‘di tanggapin na mag-asawa na kami at kailangan naming mahalin ang isa’t-isa.”
“Ganoon po pala ang nangyari.” saad ko.
“Oo, anak. Kaya natutuwa ako dahil hindi ka nagmana sa akin. Hindi ka duwag kagaya ko. Pinanindigan mo talaga si Eliza. Nagulat din ako na anak pala ng ex ko ang mapapangasawa mo. Kaya pala magkahawig sila.”
“Nung nakita mo po ba si Tita Nora, nanumbalik po ba ‘yung pagmamahal mo sa kaniya?”
Napailing naman siya. “Matagal na akong naka move-on sa kaniya. Kayo na ng mommy n’yo ang mahal ko. Kaya wala na akong nararamdaman pata kay Nora. Saka, matanda na kami para sa ganito,” natatawa niyang sagot. “At kung kami ang nagkatuluyan ni Nora, edi wala kang Eliza ngayon. Wala ring Enzo.”
“Kaya tama lang din po ‘yung sinabi mo sa kaniya. Na kaya siguro hindi kayo nagkatuluyan kasi kaming mga anak n’yo ang magtutuloy ng naudlot n’yong pagmamahalan noon.”
“Tama, anak. Siya nga pala, alam ba ni Eliza?”
“Hindi po, dad. Wala po s’yang alam.”
“Mas okay ng hindi malaman ni Eliza ang totoo.”
“Sa tingin ko nga po. Pero, baka magalit ‘yun kapag nalaman niyang alam ko na pala ang totoo tungkol sa inyo ng nanay niya tapos hindi ko sinabi.”
“Kung sa bagay. So, ano’ng plano mo? Sasabihin mo sa kaniya?”
Nagkibit-balikat lamang ako sa tanong niya “David, samahan mo ‘kong magpacheck-up mamaya sa OB ko, ah?”
“Kaya mo na ‘yan, Monica. Malapit lang naman.” sagot sa akin ni David.
“Oo, malapit nga lang. Pero ayaw mo manlang ba akong samahan? Wala ka namang ginagawa. Puro ka lang online games d’yan na para bang binata ka! Kaya ka natanggal sa trabaho kakaganyan mo eh!”
“Nagsisimula ka nanaman! Tigilan mo ‘ko!”
“Bakit?! Totoo naman ang sinasabi ko, ah! Kung ganyan lang pala ang gagawin mo, hinayaan mo na lang sana akong makasal kay Enzo! Napaka walang kwenta mo talaga! Hindi ka na nagbago! Puro ka lang salita pero kulang na kulang ka sa gawa!” sigaw ko.
“Edi, bumalik ka na do’n sa Enzo mo!” sigaw niya sabay tayo mula sa pagkaka upo sa sofa.
Mula ng manggulo siya sa kasal namin ni Enzo ay nagsama na kami dito sa condo unit ko. Nuny una ay okay naman siya. Pero habang tumatagal, bumabalik ang dati niyang ugali.
Na walang pakialam sa aming mag-ina.
Sobra ko tuloy pinagsisisihan ang mga maling desisyong nagawa ko.
Nakatagpo na ako ng lalaking mahal na mahal ako at tinanggap ako ng buong-buo pero nagawa ko pa rin siyang lokohin at ipagpalit sa lalaking minsan na akong binalewala at sinaktan.
Hindi na ako natuto.
“Daddy, where are you going?” rinig kong tanong ni Dave.
Kaya napalingon ako sa mga ito.
Nakita kong may dalang maleta si David.
“Aalis na ‘ko, anak.”
“No, daddy! Don’t leave us po.”
“Hindi ko na kaya ang kaingayan ng mommy mo!”
“Diyan ka magaling! Ang umalis at iwan kami! Sige, umalis ka! Walang pipigil sa ‘yo!”
“Talagang aalis ako!”
“Daddy!” sabay iyak ni Dave at humabol pa kay David sa pinto.
“Hayaan mo s’ya, Dave! Hayaan mo s’yang umalis! Hindi natin kailangan ng taong walang pakialam sa atin at walang kwenta!”
“Oo na, wala na akong kwenta! Sabihin mo na lahat! Nakakasawa ang ugali mo!”
“Mas nakakasawa ang ugali mo! Nagpapasama lang ako sa ‘yong magpa check-up! Gumanyan ka na?!”
“Mommy, daddy, please, don’t fight.” sabay hagulgol ng anak ko.
Bigla akong naawa sa kaniya kaya niyakap ko siya.
Hindi siya dati nakakarinig ng hindi magagandang salita nung kami pa ni Enzo. Hindi niya rin nakikita na nag-aaway kami. Pero ngayon, lagi nalang. At alam kong sobrang naaapektuhan ang anak ko.
Tuluyan na ngang umalis si David kahit todo pigil ‘yung bata. Talagang wala siyang pakialam sa anak niya.
“Hayaan mo na s’ya, anak. Okay naman kahit wala s’ya ‘di ba? I’m here naman eh. Doon na muna tayo kila Mamita mo. Okay ba ‘yun sa ‘yo?”
Tumango lang ng tipid ang anak ko.
“Kailan po ako bibisitahin ni daddy Enzo dito? Miss ko na po s’ya.”
“Uhm. Hindi na s’ya babalik dito, anak. Ano kasi eh. Nasa malayo na s’ya.”
Bigla naman siyang nalungkot pero hindi na nagtanong pa.
“Pack your things na, anak. Tara, dali.”
“Okay po.”
Nanguha nga lang kami ng ilang gamit namin dahil may mga gamit din naman kami sa bahay. At bago kami tuluyang umuwi ay nagpa check-up na muna ako.
___________
Nagtaka sila Mommy at Daddy ng umuwi kami ni Dave. Kaya wala akong choice kun ‘di ang sabihin sa kanila ang totoo.
“Hindi ka na kasi nadala! Alam mo naman ang ugali ng David na ‘yon! Pero s’ya pa rin ang pinili mo kaysa kay Enzo! Kasalanan mo rin ‘yan, kung bakit ganiyan ang nangyayari sa buhay mo!” ani daddy.
Nakayuko lang ako habang todo sermon ang inabot ko sa kaniya.
Tama naman siya.
Kasalanan ko naman talaga ang lahat.
“Tama na ‘yan, Eduardo. Buntis si Monica. Baka kung mapano pa s’ya.”
“Nagkamali na nung una! Hindi pa rin natuto!” sabay alis niya sa harapan namin ni Mommy.
“Wag mo nalang pansinin ang daddy mo, anak. Nagagalit lang ‘yun kasi, nag-aalala s’ya sa ‘yo.”
“Sanay na po ‘ko. Sige po, sundan ko na po sa kwarto si Dave.”
“Sige, anak. Mamaya, magpapaluto ako ng meryenda.”
“Okay po.”
__________
“Kung alam ko lang na gulo lang ang idadala sa atin ni Monica, hindi na sana ako pumayag na ampunin mo s’ya!”
Rinig kong sigaw ni daddy habang nagtatalo sila ni Mommy sa kuwarto nila.
Matagal ko na rin namang alam na ampon ako. Dahil may mga nakapagsabi na rin sa akin. Pero wala silang kaalam-alam na alam ko na ang katotohanan.
Matagal ko ng alam na sampid lang ako sa pamilyang ito. Kaya hindi ko maramdaman mula kay daddy na mahal niya ako.
Tama siya, gulo lang ang dala ko sa pamilya nila. Puro kahihiyan ang inabot nila dahil sa akin. Pero nananatili pa rin ako sa kanila. Dahil mahal ko sila. Kasi, kung hindi dahil sa kanila. Baka wala na ako ngayon sa mundo.
Kaya kahit halos mamalimos ako ng atensyon at pagmamahal ay ayos lang sa akin. Tutal, nakukuha ko naman ang lahat ng gusto kong mga materyal na bagay.
Isa pa’y may anak na ako at may bata na ulit sa sinapupunan ko.
“Wag ka namang ganiyan, Eduardo! Anak natin si Monica! Anak natin s’ya!”
“Anak s’ya ng kaibigan mo! Hindi natin s’ya anak! Nakita ko minsan ‘yung kakambal n’ya. Nakausap ko pa. Mabait ‘yung isa na ‘yon. Ewan ko ba kay Monica, magkaiba sila ng ugali!”
Nagulat naman ako sa sunod na narinig ko.
May kakambal ako?
“Saan mo nakita ‘yung kakambal ni Monica? At paano mong nalaman na s’ya ‘yon?”
“Matagal na ‘yon. Do’n pa sa resto. Nung doon pa s’ya nagtatrabaho. Nakita kong hinatid s’ya ni Nora. At tinawag s’yang nanay. Kaya alam kong ‘yun ang kakambal ni Monica.”
Napatakip na lang ako sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa isa pang natuklasan ko.
Nora pala ang pangalan ng nanay ko. Pero sino ang kakambal ko na dating nagtatrabaho sa resto?
Walang pasok sa opisina ang mga amo ko kaya naman may kani-kaniya silang mundo dito sa bahay.
Si Sir Sebastian nasa garden. Doon talaga niya gustong tumambay kapag nasa bahay lang. Yung love birds naman nandoon sa pool area.
At dahil alam kong kanina pa sa garden si sir Seb ay pinuntahan ko siya para tanungin kung may gusto ba siyang inumin.
“Sir, ano pong gusto mong inumin? Juice po ba o tubig lang?”
“Ikaw.” nakangiti niyang sagot.
“Ako?”
“Oo, ikaw.”
“Ako ang gusto mo? Char! Ano nga kasi sir? Bahala ka, gatas ipapainom ko sa ‘yo ngayong hapon.”
“Ikaw nga kasi ang gusto ko.”
“Sir, langka ka ba?”
“Alam ko kung bakit. Kasi sweet ako?”
“Hindi. Langkatulad ka. Langkatulad kang magpakilig.”
“Yun oh! Bumabanat na s’ya ng gano’n. Lakas magpa-fall eh. Akala mo talaga, sasaluhin ako eh.”
“Kung ikaw nga d’yan sir eh. Bahala ka na nga. Mauuhaw ka d’yan.”
“Ikaw nga kasi ang bahala. Iinumin ko naman kung ano ang ibibigay mo sa ‘kin eh. Kahit ano pa ‘yan. Kahit gayuma pa.”
“Saan ba makakabili no’n, sir? Try ko ngang bumili ng maipaninom sa ‘yo.”
“No need na. Hindi mo na ‘ko kailangang painumin no’n. Kasi…” sabay tayo niya at nakipagtitigan sa akin. “Kasi gusto na kita.”
Napalunok naman ako.
Hinihintay ko siyang tumawa at sabihin biro lang.
Pero hindi siya nagsalita.
Hindi niya binawi ang sinabi niya.
“Sir?”
Hinawakan naman niya ang buhok ko.
“Nagpagupit ka ng buhok? Mas bagay sa ‘yo ‘yung dati mong buhok na mahaba.”
“Eh, mainit kasi sir.”
“Mas mainit ‘yung nararamdaman ko para sa ‘yo.”
“Ayan nanaman s’ya oh. Naku, ewan ko sa ‘yo, sir. Maiwan na nga kita d’yan. May gagawin pa ‘ko sa loob.”
“Jurielaine…”
“Naks. Binanggit n’ya ‘ko sa totoo kong pangalan. Alam mo po pala?”
“Oo naman. Ang ganda ng pangalan mo. Kasing ganda mo. Bagay na bagay sa ‘yo.”
“Oo na lang sir. Ikukuha na po kita ng juice. Baka maniwala pa po ako sa mga sinasabi mo eh.”
“Bakit naman ayaw mong maniwala? Wala bang salamin sa kuwarto n’yo? Para hindi mo makita kung gaano ka kaganda?”
“Sir, ano baaaa? Kaunti na lang talaga, kikiligin na ‘ko.”
“Ngayon pa nga lang, kinikilig ka na eh. Crush mo talaga ‘ko ‘no?”
Sumeryoso naman ako ng tingin sa kaniya.
“Totoo naman po talagang crush kita, sir. At hindi ‘yun eme eme lang. Pero alam ko rin naman po na hanggang crush lang ako. At kaya ko pong ilugar ang sarili ko. Kung hanggang saan lang po ako.”
“What if sabihin kong… gusto rin talaga kita? At hindi ‘yun joke?”
“Sir…”
Hinawakan naman niya ako sa braso at napasunod nga ako ng tingin dito.
Parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko dahil sa pagkakahawak niya sa braso ko.
Napakalambot ng kamay niya.
Pagtingin kong muli sa mga mata niya ay mukha ko naman ang hinawakan niya at bahagya din niyang inilapit ang mukha niya sa akin.
At biglang…
Naglapat ang mga labi naming dalawa.
Namilog ang mga mata ko habang magkalapat ang mga labi namin.
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Lalo na ng gumalaw pa ang mga labi niya at inangkin ang ibabang labi ko.
Para akong nananaginip sa sandaling ito. Hindi ako makapaniwala na magkalapat ang mga labi naming dalawa.
“Uy! Ano ‘yan?”
Bahagya kong naitulak si sir Seb ng marinig ko si Eliza.
Nanlaki nga ang mga mata ko ng makita kong kasama niya si sir Enzo.
Tatakbo sana ako dahil sa hiya pero…
Pinigilan ako ni sir Seb.
“Wrong timing ‘yung pagpunta natin dito mahal. Naka istorbo tayo.”
“Tama ka, mahal. Dapat pala, mamaya nalang tayo nagpunta ‘no? Tara, alis na muna tayo para maituloy nila.”
Nakayuko lang naman ako. Dahil nahihiya talaga ako.
“Pati sa ‘min, nag secret kayo, kuya.” ani sir Enzo.
“Sorry, ‘tol. Kakasagot lang kasi n’ya sa ‘kin ngayon eh. Di ba, Love?”
Hindi naman ako makasagot.
Lalo na’t hindi naman totoo.
Nagka aminan lang naman kami ng feelings. Pero hindi ibig sabihin non ay kami na.
“Love, sumagot ka.”
Tumango na lamang ako.
“Grabe, nakaka kilig kayo.” ani Eliza.
Ngumiti lang naman ako ng tipid.
“Alis na muna kami. Balik nalang kami mamaya. Tuloy n’yo na ‘yung naudlot na kissing scene. Take two!” sabi naman ni sir Enzo sabay alis nga nila ni Eliza.
Pero ng maka alis na ang dalawa ay pareho na kaming nagkahiyaan ni sir Seb. Kaya nagpasya akong umalis na rin sa garden.
Pero siyempre, lihim akong kinikilig.
Hinalikan ba naman niya ‘ko eh. At sinabi pa niyang gusto niya ko.
Sana lang talaga ay totoo iyon “Dad, can we talk?” tanong ko sa kaniya habang nasa garden siya at nagbabasa ng diyaryo.
Dahan-dahan naman niyang ibinaba ang hawak niya at tiningnan ako ng walang reaksyon.
“Tungkol naman saan?”
“Dad, alam ko ang dahilan kung bakit hindi mo ‘ko magawang mahalin.”
“Ano’ng drama ‘to, Monica?”
“Hindi ‘to drama, dad. Alam ko naman talagang hindi mo ‘ko mahal eh. At gusto kong humingi ng tawad sa inyo ni mommy. Dahil sa mga gulo na dinala ko sa pamilya natin. Este sa pamilya n’yo pala.”
Dito na nangunot ang noo niya.
“Ano’ng sabi mo? Pamilya namin? Bakit kung makapagsalita ka, parang hindi ka parte ng pamilyang ‘to?”
Napangiti naman ako ng mapakla.
“Hindi naman po talaga ‘di ba?”
Napatayo nga siya at padabog na ibinaba sa mesa ang hawak niya.
“Hindi kita maintindihan!”
“Alam ko pong alam mo ang sinasabi ko, dad. Matagal ko ng alam na hindi n’yo ‘ko tunay na anak ni Mommy. Na hindi kami totoong magkapatid ni Lia. Kaya nga, magkaiba ang trato mo sa kaniya at trato mo sa ‘kin eh. Pero kahit gano’n, dad. Mahal na mahal pa rin kita. At para sa ‘kin, ikaw lang ang daddy ko. Kahit hindi gano’n ang turing mo sa ‘kin. Dahil sa inyo, may pamilya ako. Ang gusto ko lang malaman is… sino ba ang totoong nanay ko? Ang totoong pamilya ko? Bakit nila ‘ko pinaampon? Ang dami
“Paano mo nalaman ‘yan? Kanino?” nagtataka niyang tanong.
“Hindi na po importante kung kanino.” sagot ko.
Hinawakan naman niya ang mga kamay ko at maging ang mukha ko ay hinaplos din niya.
“I’m sorry, Monica. Sorry kung… kung ‘yun ‘yung nararamdaman mo. Na hindi kita mahal. Pero ang totoo, mahal kita, anak. Oo, nagagalit ako sa mga nagawa mo. Sa mga maling desisyon mo sa buhay. Pero, sa kabila ng galit na ‘yon —- nag-aalala din ako sa ‘yo. Bata ka palang, nasa amin ka na. Kami na ang nag-alaga sa ‘yo. Ikaw ang kauna-unahang nagpasaya sa amin. Ikaw ang bumuo sa amin ng mommy mo. Mahal kita, anak. Kahit hindi ko ‘yun nasasabi o naipaparamdam sa ‘yo.”
Dito na tumulo ang mga luha ko.
Sobrang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa kaniya na mahal niya ako.
Kaytagal kong hinintay na marinig ito mula sa kaniya.
Pakiramdam ko ay nabunutan na ako ng tinik sa dibdib.
“Samahan mo ‘ko, may pupuntahan tayo.” aniya.
“Saan po?”
“Basta.” sagot niya.
Hindi na nga ako nangulit pang magtanong. Basta’t sumama nalang ako sa kaniya at ibinilin ko sa maid namin na bantayan si Dave.
_________
“Kanino pong bahay ‘to, dad?” tanong ko ng huminto kami sa tapat ng isang simpleng bahay.
Nang may biglang lumabas na babae mula sa bahay.
May buhat itong timba na puno ng tubig.
Nagdilig ito ng halaman at ng bumaba kami ni daddy ng sasakyan ay napatingin ito sa amin.
Titig na titig ito kay daddy.
“Eduardo?”
“Dad, sino s’ya?” tanong ko.
Napatitig naman sa akin ang babaeng pinuntahan namin.
“Hindi ba’t sinabi mo sa ‘kin na gusto mong makilala ang totoo mong pamilya? Kaya heto, dinala kita sa kaniya.
“S-siya na ba ang anak ko, Eduardo? Siya na ba si Elisse?”
Natigilan naman ako.
Hindi ako makapaniwala na ngayon mismo ay makikita ko ang totoo kong nanay.
“Oo, Nora. Pero Monica ang ipinangalan namin sa kaniya.”
Napailing-iling ako.
“Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na makita kong muli ang isa ko pang anak. Matapos kayong magpunta sa ibang bansa. H-halika kayo, pasok kayo.”
Nang makapasok kami ay iginala ko ang paningin ko sa loob ng bahay.
Hindi siya malaki pero ang linis at ang sinop.
“Doon kasi namin s’ya ipinagamot, Nora. Isa pa, natatakot si Remy na baka bawiin mo sa ‘min si Monica. Pasensya na. Pero, heto na s’ya ngayon. Gusto ka n’yang makilala eh. Sino ba naman ako para ipagkait ‘yun sa kaniya.”
Hinagod nga niya ako ng tingin at halos nahihiya siyang hawakan ako. “Anak, p’wede ba kitang… p’wede ba kitang yakapin?”
Hindi pa man ako sumasagot pero niyakap na niya ako ng mahigpit habang umiiyak siya.
“Akala ko, hindi na kita makikita, anak. Akala ko, hindi na tayo magtatagpong muli. Walang araw na hindi kita naaalala, anak ko. Patawarin mo ‘ko. Patawarin mo ‘ko kung nagawa kitang ipaampon sa kanila. Wala na kasi akong choice nun, anak. Lagi kayong sabay na nagkakasakit ng kakambal mo. Sobrang baon na baon na kami nun sa utang at hindi na namin alam kung kanino pa mangungutang ng pampa-ospital n’yo. Patawarin mo sana si Nanay, anak.”
“Nasaan po pala ang kakambal ko?” tanong ko.
“Ah, nasa mapapangasawa n’ya, anak. Grabe, ang ganda-ganda mo rin. Napaka kinis ng balat mo. Para ka talagang anak-mayaman.”
“Mag-aasawa na s’ya?”
“Oo, anak. Buntis na kasi s’ya. Kaya, doon na s’ya pinatira. Para, maalagaan siya ng mabutim Kung gusto mo, p’wede natin s’yang puntahan sa bahay ng mga Montenegro.”
“Ano po? Montenegro? Si Enzo Montenegro po ba?”
“O-oo. P-pero paano mong—“
“Don’t tell me, si Eliza ang kakambal ko?!”
“Nagkakilala na kayo ng kakambal mo?”
“So, si Eliza nga?”
“Paano kayong nagkakilala ni Eliza?”
“Long story po.”
“Ah, Nora. Kasi si… si Monica ang ex-fiancee ni Enzo Montenegro.”
“A-ano?!”
“Totoo ang narinig mo. Hindi lang natuloy ang kasal nila ni Monica dahil… dahil nagkagulo non.”
“B-bakit nagkagulo?”
“Nanggulo po ‘yung tatay ng anak ko.”
“May anak ka na?”
“Yes po. Buntis din po ako ngayon.”
“At sinong ama? Si Enzo?”
Umilling naman ako.
“Hindi po. Yung ex ko rin po.”
“Sobrang nakakagulat ‘to. Na ‘yung ex-fiance mo, mapapangasawa ni Eliza.”
“Kaya po siguro hindi natuloy ‘yung kasal namin ni Lorenzo, kasi… kasi sila pala ang para sa isa’t-isa.”

Nang makita kong mag-isa na lamang si Juris sa kusina ay dito na ako nagkaroon ng pagkakataon para lapitan siya.
Kaagad naman siyang lumingon ng maramdaman niya ako. Pero kaagad ding nag-iwas ng tingin. Ni hindi niya ako pinansin.
“Ano’ng niluto mo para sa dinner?” tanong ko.
“Menudo at kaldereta po. Yun po ‘yung request ni Ma’am Lara.” sagot niya ng hindi manlang ako tinitingnan.
“Juris…”
“Bakit po? May iuutos po ba kayo?”
“Galit ka ba sa ‘kin?”
“Po?”
“Alam kong galit ka sa ‘kin dahil sa ginawa ko. Sorry sa paghalik ko sa ‘yo ng walang paalam. Hindi mo naman ako boyfriend pero… pero nangahas akong halikan ka.”
Napabuntong hininga naman siya at humarap sa akin.
“Okay lang po.” sagot niya.
“Hindi ka galit sa ‘kin?”
Umiling siya sabay ngiti ng tipid.
“Sure ka?” paniniguro ko.
“Oo naman po.”
“Sorry ulit. Pero gusto ko lang sabihin na… na hindi ako nagsisisi sa ginawa kong paghalik sa ‘yo.”
Nangunot ang noo niyang tumitig sa akin.
“Alam mo kung bakit hindi? Kasi totoo talaga ‘yung nararamdaman ko para sa ‘yo. Ewan ko ba, bigla ko nalang naramdaman na parang ano… na parang may something na. Hindi naman talaga kita gusto nung una kasi nga—“
“Kasi may gusto kang iba.”
Tumango ako. “Oo. Saka, may boyfriend ka dati eh. Parang nagsimula yata itong feelings ko sa ‘yo nung sinagip mo ‘ko sa swimming pool. What if, wala ka do’n? Tapos nahirapan akong lumangoy dahil sa kalasingan. Niligtas mo ang buhay ko, Juris. Utang ko sa ‘yo ang buhay ko. Thank you.”
“Walang anuman po. Buti na nga lang po at marunong akong lumangoy eh. Naku, kung nagkataong hindi. Baka pareho na tayong nalunod no’n.”
“Oo nga eh.” tugon ko.
Muli naman kaming nagkatitigan.
At hinawakan ko ang mga kamay niya. Sinundan pa niya ito ng tingin sabay tingin ulit sa mga mata ko.
“Juris… I really like you. At para patunayan sa ‘yo na seryoso talaga ako ay hayaan mong ligawan kita.”
Namilog naman ang mga mata niya.
“L-ligaw po?”
“Yes. Doon ko mapapatunayan sa ‘yo na seryoso talaga ako.”
“Naka move-on ka na po ba do’n sa… sa gusto mong babae? Yung sinasabi mong—“
“Yes!”
Ang akala talaga niya ay nagtatrabaho sa company ko ang babaeng gusto ko noon. Ang hindi niya alam ay nandito lang dahil si Eliza iyon.
Pero ganoon siguro talaga. Madali lang mawala ‘yung feelings mo para sa isang tao kapag tanggap mo na ang lahat.
Isa pa, hindi naman ganoon kalalim ‘yung nararamdaman ko para sa kaniya. Paghangan lang kumbaga.
Pero itong kay Juris.
Mas malalim.
“Payag ka?” tanong ko.
“Na?”
“Na ligawan ko.”
“Naku may magagalit po.”
Nangunot naman ang noo ko.
“Bakit naman may magagalit? May boyfriend ka na ba ulit? Or manliligaw?”
Umiling naman siya sabay ngiti.
“Si Ma’am Lara po. Eh, baka sabihin n’ya, naubos na ‘yung maid n’yo dahil pinipitas n’yo. Gaya ni Eliza.”
Natawa naman ako sa sinabi niya.
“Matutuwa pa nga ‘yon. Kasi, magiging manugang na n’ya ‘yung mga masisipag na babae.”
Napangiti naman siya ulit.
“Pero hindi mo kailangang sumagot ngayon. Pag-isipan mo muna.”
Tumango siya. “Sige po, maghahain na po ako.”
“Tulungan na kita.”
“Hindi na po. Ako na lang po.
“Sige na, hayaan mong tulungan kita.”
________
ELIZA’s P.O.V
“Kayo na pala ni kuya Seb? Kayo ha, ang galing n’yo ring maglihim. Hindi namin nahalata na nagliligawan na pala kayo.” saad ko.
Magkasama kaming dalawa ngayon dito sa pool area.
“Hindi naman talaga kami. Nagka aminan lang ng feelings pero walang label.”
“Pero nag kiss kayo.”
“Nag sorry na s’ya sa ‘kin tungkol d’yan. At inamin n’yang seryoso talaga s’ya sa ‘kin. Gusto n’ya daw talaga ako, Eliza. Sa tingin mo, dapat ko bang paniwalaan ‘yon?”
“Oo naman. Alam naman nating hindi bolero ‘yung magkapatid eh. Nakakakilig naman kayong dalawa. Sana, ligawan ka na talaga n’ya.”
“Sana nga. Pero ‘yun ‘yung sabi n’ya. Gusto n’ya ‘kong ligawan.”
“Talaga? Nakaka kilig talaga oh. Pumayag ka?”
“Hindi pa. Sabi naman n’ya, hindi ko kailangang sumagot agad. Pag-isipan ko raw muna. Pero for me, hindi na kailangan. Kung alam lang n’ya na matagal ko na s’yang gusto.”
“Nakaka kilig grabe. Sabihin mo, hindi mo na kailangang pag-isipan kasi gustong-gusto mo naman s’ya.”
Napakamot naman siya sa ulo.
“Hayaan mo na muna. Medyo pakipot gano’n.” sagot niya at sabay nga kaming natawa.
“Kung sa bagay, may point ka.”
“May napapansin nga pala ako kay sir Enzo.”
“Napapansin, ate? Ano ‘yun?” tanong ko.
“Mas lalo siyang gumagwapo ‘no? Iba talaga kapag nasa tamang tao na eh.”
“Napapansin ko rin ‘yan. Mas guwapo na nga s’ya kay Joshua Garcia eh.”
“Siya nga pala, may chicka ako sa ‘yo.”
“Ano ‘yun?”
“Nakaka awa din si Miss Monica.”
“Bakit, ano’ng nangyari?”
“Nakita ko ‘yung post niya sa I.G niya. Ayun, iniwan pala ulit s’ya nung David. At ang mas nakaka awa is ‘yung anak nila at ‘yung ipinagbubuntis niya.”
“Ang hirap pa naman nung ganon. Yung buntis ka tapos mag-isa ka lang. Bakit kaya s’ya iniwan ulit? Akala ko ba mahal s’ya non? Kaya nga tumutol ‘yun nung kasal nila ni Enzo.”
“Ewan ko ba do’n. Sila lang ang nakaka alam ng dahilan.”

Maaga silang nagsipasukan sa opisina kaya malaya akong makapaglakad-lakad sa subdivision.
Nakakarelax din kasi ang makapaglakad-lakad sa labas kaysa laging nasa loob ng bahay.
Sa paglalakad ko ay may humintong sasakyan sa tabi ko.
Pero hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy ako sa paglakad.
“Eliza!” sigaw ng babaeng pamilyar sa akin ang boses.
Napahinto ako sa paglakad at nilingon ito.
Sabi na eh.
Sabi na’t siya iyon.
Nang makalapit siya sa akin ay hinagod niya ako ng tingin at tinitigan.
Nagulat ako ng hawakan pa niya ang baba ko at itinagilid ang mukha ko sa kanan at kaliwa. Na para bang may hinahanap na kung ano sa mukha ko.
Inalis ko naman ang kamay niya. Kaya nangunot ang noo niya.
“Kung si Enzo ang pakay mo. Wala na s’ya eh. Nasa opisina na.” saad ko.
“Hindi s’ya ang pakay ko.” mabilis niyang sagot sa akin.
“Eh, sino?”
“Ikaw.”
“Ako? Bakit ako? Naku ha. Kung away ang habol mo. Pass ako d’yan. Hindi tayo p’wedent magrambulan. Pareho tayong buntis. Saka na lang kapag nanganak na tayo.”
“Palabiro ka pala ‘no?”
“Ha? Hindi ‘yun joke. Seryoso ko do’n.”
“Really?”
“Oo naman.”
“Sa tingin mo talaga, away ang sadya ko sa ‘yo?”
“Wala naman kasi akong naiisip na dahilan mo para sadyain ako dito.” sagot ko.
“Balita ko. May kakambal ka?”
Nagsalubong nga ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya.
“A-ano?!”
“Hindi mo alam na may kakambal ka?”
“Alam ko.”
“Alam mo?”
“Oo naman. Pero teka, paano mo nalaman na may kakambal ako? Nakita mo ba s’ya? Kamukhang-kamukha ko ba? Saan?”
“Oo, nakita ko s’ya at kilalang-kilala ko s’ya.” sagot niya.
Bigla naman akong na-excite sa sagot niya.
“Talaga? Nasaan s’ya? Gusto ko s’yang makita.”
“Bakit noon? Hindi mo ba s’ya hinanap manlang?”
“Dinala daw kasi s’ya sa ibang bansa. Yun ang sabi ni nanay. Nung una naman daw, nagpapadala pa ng litrato ng kakambal ko kay nanay. Tapos, ayun, bigla nalang daw silang nawalan ng communication. Parang binlock yata si nanay nung umampon sa kakambal ko.
“Tapos ano? Wala ng ginawa ang nanay mo?”
“Siyempre, meron. Gumawa si nanay ny bagong account pero hindi na n’y mahanap yung account nung kaibigan n’ya eh. Basta, umasa nalang si nanay na balang araw ay magkikita-kita ulit kami dahil malalaman din naman daw ng kakambal ko ang totoo. Sana nga lang, matanggap n’ya kami bilang totoong pamilya n’ya.”
“What if, hindi? What if, ayaw n’ya sa inyo? Ano’ng gagawin mo?”
“Maiintindihan ko naman s’ya kung ayaw n’ya sa’min nila nanay at ate eh. Hindi ko s’ya masisisi do’n. Pero gusto kong malaman nya na mahal na mahal namin s’ya. Kahit hindi namin s’ya kasama. Kaya, nakiki-usap ako sa ‘yo. Dalhin mo ‘ko sa kakabal ko.”
“Sige. Gagawin ko ‘yan. Pero may tanong lang ako sa ‘yo.”
“Ano ‘yun, Monica?”
“Naniniwala ka ba sa lukso ng d*go?”
“Parang hindi.”
“Same tayo.” wika niya.
“Bakit mo pala natanong?”
“Wala lang naman. Wala rin kasi akong naramdaman na lukso ng d*go nung una tayong magkita eh.”
“Eh, talagang wala tayong mararamdaman na ganiyan sa isa’t-isa. Hindi naman tayo magka ano-ano eh.”
Napangiti naman siya ng mapakla.
“Alam mo, may similarities din talaga tayo. Yung hindi nagpapa api at may kamalditahan. Malala nga lang ako.”
Naguguluhan na talaga ako sa mga sinasabi niya.
“Dadalhin mo na ba ‘ko kay Elisse?”
“Hindi!” sagot niya habang nakataas ang kanang kilay.
“Ang daya mo ah. Sabi mo kanina dadalhin mo ‘ko sa kaniya? Paasa ka rin eh.”
“Ano naman ba ang reward ko kapag dinala kita sa kaniya?”
“Reward? May ganon pa? Wala naman akong pera.”
“Wala kang pera? Eh, ang yaman ng ama ng magiging anak mo.”
“Oo, sila ang mayaman at hindi ako. Kaya wala akong pera.”
“Hindi ka binibigyan ni Enzo.”
“Hindi kasi ako nanghihingi. Teka nga, bakit ba napunta na kay Enzo? Sige naman na oh. Dalhin mo na ‘ko sa kakambal ko.”
“Nandito na nga s’ya sa harap mo.” aniya sabay kindat sa akin.
“Nasaan?”
“G4ga! Sino bang nasa harap mo ngayon?”
“Ikaw. Teka, ikaw si Elisse? Weh, hindi nga?”
“Ayaw mong maniwala?” tanong niya.
Sabay angat ng dress niya.
“Uy, ano’ng ginagawa mo?”
“Palatandaan daw ito na ako si Elisse. Ito oh, birth mark sa puson ko.”
Napatulala naman ako at biglang nangilid ang mga luha ko.
“Ikaw nga… ikaw nga ang kakambal ko. Ikaw nga si Elisse!” sabay yakap ko sa kaniya at dito na rin magtuluan ang mga luha ko.
“Yuck, bakit mo ‘ko niyakap? Magka away kaya tayo, remember?”
Pero naramdaman ko naman na niyakap din niya ako.
At pareho nga kaming umiyak at mas humigpit ang yakapan naming dalawa.
Nang maghiwalay kami mula sa pagkakayakap ay hinalikan ko siya sa pisngi.
Ngumiti naman siya sa akin.
“Hindi ako makapaniwala na ikaw ang kakambal ko.”
“Ako rin eh. Hindi naman kasi tayo magkamukhang-magkamukha. May kaunting similarities lang. Parang magpinsan, ganon.” natatawa niyang tugon.
“Oo ng eh. Grabe, ang saya ko.”
At ikinuwento nga niya sa akin ang lahat. Kung paano niyang nalaman ang totoo na may kakambal pala siya. At kinausap din pala niya si nanay na huwag sabihin na nagkita na sila.
Surprise kumbaga

Nagpa alam ako kay Enzo na uuwi ako sa bahay pero hindi ko sinabi kung anong dahilan. May inutusan naman siya para sunduin ako sa bahay nila at ihatid sa amin.
“Balik ka rin mamaya, Mahal. Hindi ako makakatulog ng wala ka sa tabi ko.” sabi niya mula sa kabilang linya habang pauwi na ako.
“Hala, mahal. Hindi ko ‘yan maipapangako. Baka dun na ‘ko matulog sa bahay. Miss ko na rin kasi si nanay eh.”
“Hala, paano ako?”
“Pabebe nanaman ‘yan oh. Para isang gabi lang eh. Dati ka namang walang katabi sa kama ah.”
“Eh, ngayon kasi hindi na ‘ko sanay na walang katabi. Na wala ka sa tabi ko. Baka lagnatin ako.”
“Grabe naman ‘yon.”
“Sige na, please. Uwi ka rin mamaya.”
“Bukas na ‘ko babalik sa inyo, mahal.”
“Aww. Ang sad naman. Ganito na lang. Ako nalang ang pupunta sa inyo. May sarili ka naman kuwarto ‘di ba?”
“Hindi mawalay ‘yan?” natatawang tanong ko.
“Hindi po talaga. Basta, mamaya nandiyan na ‘ko.”
“Hindi pa awat?”
“Never maaawat sa ‘yo. I love you so much, Eli ko.”
“I love you too, Enzokoy ko.”
“Oy, grabe. Parang ang pangit pakinggan. Tsokoy yata ‘yun eh.”
Natawa nga ako at napatingin sa salamin at nakita kong nakangiti ang inutusan ni Enzo para sunduin at ihatid ako.
Hindi ko alam kung kinikilig ito o nababaduyan sa amin ni Enzo.
“Naku, kuya. Sorry. Ito kasing si Enzo po.”
“Okay lang po. Nakakatuwa nga po eh. Alam mo po bang nagiging palangiti ‘yan si sir.”
“Oy, mahal? Ano ‘yan? Pinagtsi-tsismisan n’yo ba ‘ko d’yan?”
“Hindi ah. Sige na, mahal. Mamaya nalang ulit tayo mag-usap ah? Alam kong busy ka d’yan sa office.”
“Sige, mahal. Basta mamaya ha? Pupunta ako sa inyo. Doon ako matutulog. Doon naman tayo mag loving-loving.”
“Ewan ko sa ‘yo, mahal. Sige na, ba-bye na.”
“Ba-bye, mahal ko. Kiss ka sa akin mamaya malala.”
Nang maihatid nga ako ni kuya sa bahay ay pinabalik ko na rin siya agad sa kumpanya.
Wala ring kaalam-alam si nanay na uuwi ako ngayon.
Nakabukas ang pinto ng bahay kaya dire-diretso na akong pumasok.
“Tita Eliza!” sigaw ni Kia habang naka upo ito at naglalaro ng stuff toys at barbie doll.
Lumapit nga siya sa akin at yumakap.
“Nasaan si Nanay?”
“Naliligo lang po, tita. Ah, tita may ikukwento ako sa ‘yo.”
“Ano ‘yun, pamangkin ko?”
“Nakita mo po ba ‘yang mga laruan ko? Ang dami po ‘di ba? May doll house pa.”
“Oo nga ‘no? Saan galing?”
“Bigay po sa akin ni Tita Monica. Binilhan din po n’ya ‘ko ng mga damit at sapatos. Ang bait-bait po n’ya. Sayang po, hindi mo s’ya naabutan. Kahapon po, nandito s’ya, kasama si Dave.”
Napangiti naman ako.
Oo nga pala, pamangkin ko nga rin pala si Dave.
Yung batang itinuring na anak ni Enzo.
“Ang bait nga ni Tita Monica. Naku, mukhang magseselos na ‘ko niyan ah. Kasi baka s’ya na ang bago mong favorite na tita.”
“Hindi po ah. Ikaw pa rin po. Ikaw lang po ang the best tita sa buong mundo!”
“Asus! Binobola ako.”
“Hindi po ‘yun bola. Totoo po ‘yun, tita.”
“Anak? Nauwi ka?”
“Nay.” sabay mano ko sa kaniya.
“Sino’ng kasama mo, anak?”
“Ako lang pong mag-isa, nay. Bakit po?”
“Wala naman, anak. Akala ko lang kasama mo si Enzo.”
“Hindi po. Ah, nay. Nakilala ko na rin po s’ya.”
“S-sino anak?”
“Yung kakambal ko po.”
“Nagpunta na sa ‘yo si Monica?”
“Kayo ah. May pa secret pa kayong dalawa sa akin. Opo, nagpunta po s’ya kanina. Nagkausap po kami. Nagulat nga po ako eh. Nagulat ako dahil hindi ko akalain na magkakambal kami. At nakakatuwa po kasi, hindi manlang siya nagalit sa atin. Natanggap niya tayo agad. Kahit na, may kasalanan din ako sa kaniya dahil iisang lalaki ang minahal namin.”
“Pareho silang may kasalanan ni Enzo sa isa’t-isa. Kaya, hindi na s’ya nagalit pa. Mabait ang kakambal mo, anak. Suplada sa unang tingin pero kapag nakasama mo s’ya, doon makikita kung gaano siya kabait at kalambing.”
“Hindi naman na po ako duda d’yan, nay. Dahil hindi naman s’ya mamahalin ni Enzo kung… kung puro pagmamaldita lang ang alam niya.”
Ngumiti lang naman sa akin si nanay at inakbayan ako.
“Napakasaya ko, anak. Napakasaya ko kasi sa wakas nagkita at nagkasama na rin kami ng kakambal mo. Napakatagal kong hinintay ang pagkakataong ito.”
“Ako rin po, nay. Alam na po ba ni Ate Elijah?”
“Oo, anak. Alam na n’ya. Tuwang-tuwa nga eh. Pero hindi pa sila nagkikita ni Elisse. Este ni Monica pala. Teka, kumain ka na ba? Ngayon palang ako magluluto eh.”
“Hindi pa po. Sinadya ko pong hindi kumain kasi gusto ko pong matikman ulit ang luto ng nanay kong masarap magluto.”
“Pinapakilig mo naman ako, anak.”
“Ayiieee. Kinikilig ang nanay ko. Matagal na din nung huli kang kinilig dahil kay tatay ‘no?”
“Ah, siya nga pala, anak. May gusto akong ipagtapat sa ‘yo.”
“Ano po ‘yun, Nay?”
“Tungkol sa daddy ni Enzo.”
Nangunot naman ang noo ko.
“Ano pong tungkol kay sir Fred

Umiwas ng tingin sa akin si nanay ng tanungin ko siya.
“Nay, ano po?” tanong ko ulit.
At dahil tahimik pa rin si nanay ay dito na ako mas kinabahan.
“Nay… ano nga po? May sinabi po ba s’ya tungkol sa ‘kin? Ayaw ba talaga n’ya ko para kay —“
“Anak, si Fred ang lalaking unang minahal ko noon.”
Natigilan naman ako.
“Ano po?”
Sana ay mali lang ako ng rinig.
“Si Fred ang unang lalaki sa buhay ko, anak. Bago ang tatay mo. Siya din ang naka una sa akin at nagbunga ang pagmamahalan naming ‘yon. Pero… pero sa iba lang s’ya kinasal.”
“Si Sir Fred po? So, s’ya ang lagi n’yong pinag-aawayan noon ni tatay?”
“Oo, anak. Pinipilit noon ng tatay mo na mahal ko pa rin si Fred. Na baka pag bumalik daw si Fred ay iwan ko kayo para sa kaniya. Dahil alam niyang mahal na mahal ko ang tatay ng mapapangasawa mo. Pero hindi naman ako ganun eh. Bakit ko kayo iiwan para kay Fred? Eh, hindi nga ako ipinaglaban non. At dahil sa kaniya, nawala ang magiging anak dapat namin.”
Niyakap ko naman si nanay dahil kitang-kita ko kung gaano siya ka-emosyonal.
Na para bang hanggang ngayon ay apektado pa rin siya.
“Sabi ko na po eh. Sabi ko na’t may kakaiba sa inyo ni sir Fred nung nagkita kayo sa bahay nila. Ito pala ‘yon. At mula nga po nun, lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin. Hindi naman s’ya umiiwas ng tingin dahil sa tuwing mahuhuli ko po s’yang nakatingin sa akin ay ngumingiti siya. Naging palakibo na rin sa akin. Dati po kasi, napaka tahimik niya. Yung parang may sariling mundo po.”
“Naging ganun katahimik si Fred?”
“Opo. Na para po bang hindi masaya sa buhay.”
“Hindi ganiyan si Fred noon, anak. Napaka masayahin n’ya at palabiro.”
“Eh, baka po naiwan sa ‘yo ‘yung mga ngiti n’ya? Ayiieee.” pagbibiro ko.
“Sira ka talaga, anak.”
“Ayiieee. Si nanay ko, kinikilig.”
“Hindi ah. Wala ng ganun, anak. Matagal ko ng tinanggap na hindi kami ang para sa isa’t-isa. At kung kinikilig man ako ngayon. Para sa inyo ‘yun ni Enzo. Pasabi nga pala sa kaniya, salamat sa ibinigay niyang pera.”
“Pera po?”
“Oo, anak. Binigyan niya ko ng one hundred thousand. Kaya heto oh. Gumanda ‘yung salas natin. Tapos ‘yung tumutulo sa kusina, naipa-ayos ko na. At nakapagpalit din ako ng mga bagong kasangkapan. Nakabili ng dalawang sakong bigas at nakapag grocery ako. Yung iba, nakatabi para sa iba pang gastusin.”
“Hindi ko po alam na… na nagbigay po s’ya ng pera sa inyo, nay.”
“Hindi n’ya sinabi sa ‘yo? Last week nandito s’ya eh. Ilang oras din s’ya dito. Doon pa nga nagpahinga sa kuwarto mo. May nagbago nga lang, anak.”
“N-nagbago po?”
“Oo.”
“Ano pong nagbago?”
“Inalis n’ya ‘yung mga picture ni Joshua Garcia sa kuwarto mo at pinalitan niya ng mga picture niya.”
Napa tapik naman ako sa noo ko.
“Ginawa po n’ya ‘yon?”
“Oo, anak. Pero mas gumanda, anak. Ang laki din ng pinagbago ng kuwarto mo. Pina ayos kasi n’ya.”
Kaagad nga akong tumayo at nagtungo mag-isa sa kuwarto ko.
At ayun nga. Nakita ko ngang wala na ang mga pictures ni Joshua Garcia dahil mga pictures na niya ang naka dikit sa pader ng kuwarto ko.
Mukhang mga pictures pa niya ito noong teen-ager siya.
Tama si nanay, ang laki ng pinagbago ng kuwarto ko. Grabeng renovation ang nangyari ng hindi ko nalalaman. Ang lambot-lambot na rin ng kama ko at may aircon na rin.
Kiss malala din siya sa akin mamaya pag-uwi niya dito