Makalipas ang pitong taon na nagkalayo, muling nagkita ang landas nila Jerlyn at Arnel. High school pa sila noon nang maging magkasintahan sila Jerlyn at Arnel. Mahal nila ang isa’t-isa, pero dahil sa maling akala nagkahiwalay silang dalawa. Umalis si Jerlyn sa kanilang lugar para magtago at makalimutan si Arnel.
Samantalang mas pinili naman ni Arnel na pumunta sa ibang bansa para doon mag-aral ng college at para maka-move-on na rin sa sakit ng kanyang puso dahil sa kanilang pahihiwalay ni Jerlyn. Sa kanilang muling pagkikita iba na ang Arnel na nakilala noon ni Jerlyn, dahil ang dating Arnel na mabait, malambing, mapagmahal at maalaga ay isa ng cold hearted, masungit, seryoso, strikto na parang galit sa mundo. Na kahit kay Jerlyn ay hindi niya magawang ngumiti at ayaw niya na itong kausapin. Mahal niya ang dalaga dahil first love niya ito. Ngunit kailangan ni Arnel na ipakita sa dalaga na galit siya dito dahil sa ginawa noon sa kanya ni Jerlyn. Na hindi manlang muna nagtanong o inalam ang totoo bago gumawa ng desisyon na nakapagpawasak ng kanilang dadamin. Mahal pa rin ni Jerlyn si Arnel ngunit sa pagbabalik ng binata sa Pilipinas ibang-iba na ang ugali nito. Kaya naisipan ni Jerlyn na mag give-up na lang sa pagsuyo kay Arnel. May chance pa ba na muling silang magkabalikan dahil mahal pa naman nila ang isa’t-isa? O mas paninindigan ni Arnel ang pagiging cold niya kay Jerlyn dahil nga sa ginawa noon ni Jerlyn sa kanya? Tunghayan natin kung muling mabubuo ang pag-ibig ng dalawang tao na naghiwalay lamang dahil sa maling desisyon.
“Good morning, Mayor.” Narinig kong bati ng mga tao dito sa loob ng canteen. Kaya napaangat ako ng ulo. Nagtaka ako, kung bakit nandito si Arnel. Magkahiwalay naman ang canteen sa munusipyo. Isang buwan bago ang election umuwi siya galing ibang bansa.
Sapagkat siya ang tatakbo bilang Mayor dahil siya ang papalit bilang Mayor kay Tito Arley na Daddy niya. Dahil tatakbo bilang governor si Tito Arley Dahil wala naman siyang kalaban bilang Mayor. Automatic na naging Mayor siya sa aming bayan. Nanalo naman bilang governor si Tito Arley. Ako naman ang secretary ni Arnel. Actually secretary talaga ako ni Tito Arley, n’ong mayor pa siya. Pero ngayon Governor na si Tito Arley at may iba siyang secretary. Dalawang buwan na si Arnel bilang Mayor kaya dalawang buwan na rin ako’ng secretary niya. Ang akala ko nuon sa kanyang pagbalik maging kami pa. Pero simula n’ong dumating siya hindi kami
nagkausap dahil iniiwasan niya ako. Sobrang sakit sa aking pakiraramdam dahil ang akala ko mahal niya pa ako, na hindi nawala ang pagmamahal niya sa akin. Ngunit akala ko lang pala ang lahat. Dahil parang may sakit ako’ng nakakahawala kong iwasan niya ako. Ilang beses ko sinubukan na kausapin siya. Ngunit palaging niyang sinasabi na marami siyang ginagawa kahit wala naman. Excited pa naman ako nuon nang nalaman ko na dadating na siya, nang sinabi ni Tito Arley at Tita Mina na uuwi na si Arnel. Sinabi din nila na wala itong naging girlfriend sa ibang bansa dahil ako ang gusto nila para kay Arnel. Pero sobrang lungkot ko ng hindi niya ako pinansin pagdating niya.

“Mayor anong gusto niyo? Magka kape ba kayo, o kakain ng almusal?” Narinig ko’ng tanong nila kay Arnel. Nakaupo siya sa kabilang mesa. Pagtingin ko sa kanya, nakatingin din pala siya sa akin. Kaya kaagad ako’ng umiwas. Ang akala ko kasi hindi siya ngayon papasok dahil narinig ko na may pinuntahan daw siya sa kabilang bayan. Kaya pumunta muna ako sa canteen para uminum ng kape. Kahit mainit pa ang kape, inubos ko kaagad para makalabas sa canteen. Kahit secretary niya ako, hindi kami nag-usap. Civil lang kaming dalawa kapag may iutos siya sa akin. Hindi na nga ako nag go-good morning sa kanya dahil hindi niya naman ako sinasagot. Pagkaubos ko ng kape, kaagad ako’ng tumayo at dumaan sa likod ng canteen. Madaanan ko kasi siya kapag sa harapan ako ng pintuan dadaan.
Habang naglalakad ako pabalik sa sa kanyang opisina. Pa simple ko’ng pinahiran ang aking luha. Naisip ko na rin na baka hindi na ako mahal ni Arnel kaya nakapag desisyon na ako na kalimutan siya kahit sobrang sakit. Hihintayin ko lang matapos ang kasal ni Joy at Brent saka aalis din ako dito. Hahanapin ko muna ang sarili ko. Dahil kahit wala si Arnel dito nuon, sa kanya lang umikot ang mundo ko. Umaasa na sa kanyang pagbalik maging maayos ang sa amin. Ngunit parang malabo na magkabalikan kami dahil hindi niya na ako mahal. Mahal na mahal ko siya, pero kailangan ko nang bumitaw. Total ilang beses ko naman sana siyang gustong kausapin pero ayaw niya na. Alam ko naman na may kasalanan ako nuon sa kanya. Pero parang malaki talaga ang galit niya sa akin. Pagdating ko sa aking mesa, umupo ako kaagad dahil sobrang bigat ng aking pakiraramdam. Hindi lang ngayon, kundi araw-araw simula n’ong dumating si Arnel. Pinatong ko ang aking ulo sa mesa dahil gusto kong sumigaw. Habang nakayuko ako, pakiramdam ko may nakatingin sa akin. Kaya umangat ako ng aking ulo. Laking gulat ko na, naka tayo si Arnel sa aking harapan at seryuso na nakatingin sa akin. Kaya yumuko ako muli. Tumigil pa siya sa harapan ko ng ilang segundo bago pumasok sa kanyang opisina. Hindi ko naman maiwasan na tumulo ang aking luha. Malakas akong bumuntong hininga saka tiningnan ang mga papelis sa mesa. Wala naman talaga ako’ng trabaho dito. Hindi ko din alam kung bakit alam ni Arnel ang kanyang schedule samantala wala naman ako’ng sinabi sa kanya. Nakaupo lang ako maghapon hanggang sa oras ng uwian na walang ginagawa. Kapag may meeting naman siya, ang kasama niya ay ang body guard niya. Isang beses nga nuon na hindi ako pumasok, pinasundo niya ako sa kanyang body guard dahil may ipagawa daw siya sa akin. Pagdating ko sa opisina, pinaupo niya lang pala ako hanggang mag hapon.
Alas onse y medya na nang tanghali pero hindi naman ako tinawag ni Arnel. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya kung saan siya kakain. Kung mag order ba ako. Hindi ko kasi nakita na pumasok ang kanyang body guard para dalhan siya ng lunch. Usually kasi may nag hahatid ng pagkain niya. Nagtatalo ang isip ko kung tatanungin ko siya o hindi. Pero sa huli, nanatili nalang ako’ng nakaupo at hindi siya tinanong. Hihintayin ko nalang mag alas dose ng tanghali saka pupunta ako ng canteen para kumain ng lunch. Habang inaayos ko ang mga papel sa aking mesa. Napatingin ako sa aking harapan ng may tumikhim. Nakangiti si Jomar sa aking harapan.
“Magandang tanghali Joy. Kain na tayo, kanina ka pa nakatulala diyan. Kaya nilapitan kita para yayain kumain ng lunch sa canteen. Total malapit na rin mag alas dose. Kaya tara na, mamaya na muna iyan.” Yaya sa akin ni Jomar. Isa din si Jomar sa empleyado dito sa munusipyo. Ngumiti ako saka tumango sa kanya. Akmang tatayo na sana ako ng tumunog ang intercom mula sa loob ng opisina ni Arnel.
“Get inside.” Mautoridad na utos ni Arnel. Kaya sinabi ko kay Jomar na mauna na siya at susunod na lang ako. Ngumiti si Jomar saka umalis. Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa pintuan ng opisina ni Arnel. Kumatok muna ako ng tatlong beses saka pumasok. Pagbukas ko ng pintuan, dumako ang tingin ko sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata. Nakasandal siya sa kanyang swivel chair habang walang kurap na nakatingin sa akin. Ilang segundo pa kami nagkatinginan. Ako na ang unang nag-iwas ng tingin.
“Me-Mayor may ipag-uutos ba kayo?” Pormal ko’ng tanong.
“Pumasok at umupo pa.” Utos niya. Kaya pumasok na ako at sinara ang pinto. Dumiretso ako sa sofa saka umupo.
“Matagal na kayo nag-uusap ni Jomar?” Tanong niya sa akin. Kunot-noo ako’ng tumingin sa kanya kung bakit alam niya na kausap ko si Jomar. May folds naman na nakaharang sa loob ng kanyang opisina kaya hindi nakita ang tao sa loob at labas. Sasagot na sana ako ng may kumatok sa pintuan.
“Come in.” Sambit ni Arnel. Bumukas naman kaagad ang pintuan. Isang delivery boy at may dalang paper bag na alam ko’ng pagkain. Dahil may tatak ng pangalan ng restaurant. Naalala ko na, no’ng unang date namin nuon sa restaurant kami kumain. Katulad ng pangalan ng nakatatak sa paper bag.
“Please put it on the table.” Utos ni Arnel sa delivery boy. Dinala ng delivery boy sa mesa at pinatong ang dalawang paper bag. Pagkatapos nagpaalam rin kaagad.
“Thank you.” Pasalamat ni Arnel bago lumabas ang delivery boy. Binigyan niya pa ito ng pera.
“Kumain ka na.” Aniya. Hindi ko alam ko’ng ako ba ang sinabihan niya dahil hindi niya naman binanggit ang pangalan ko. Kaya hindi ako kumilos.
“Para sa iyo iyan. Tumawag si Mommy na nagpa deliver daw siya ng lunch mo. At sinabi ni Mommy, na dito ka sa loob kumain. Kaya kumain ka na, para ma piktiyuran kita at ma send ko kay Mommy. Bilin niya sa akin para daw sure siya na kinain mo ang inorder niya para sa iyo.” Wika ni Arnel. Mapait ako’ng ngumiti dahil kung hindi pala dahil kay Tita hindi niya ako kinausap. Ang akala ko, pina deliver niya, para sa akin.
Dahil nakaramdam na rin ako ng gutom at baka magtampo si Tita kung hindi ko kakainin ang pinadala niya. Tumayo ako saka lumapit sa mesa. Binuksan ko ang laman ng mga container. Umupo ako sa upuan at inumpisahan nang kumain. Hindi ko na siya niyaya dahil ayaw niya naman ako’ng makasama o kausapin. Siguro napilitan lang siya dahil sa utos ni Tita. Pilit ko na pinakalma ang aking sarili para hindi lumabas ang aking luha. Dahil kahit pangalan ko parang ayaw banggitin ni Arnel. Ibang-iba na talaga siya. Dati sobrang ma-alaga at malambing siya sa akin. Pero ngayon parang allergy na siya sa akin. Mabilis ang bawat pagsubo ko para makalabas ako kaagad. Parang awkward kasi na magkasama kami dito na parang hindi naman magkakilala. Habang kumakain ako, parang naramdaman ko na nakatingin siya sa akin. Kaya pa simple ako’ng tumingin sa kanya. Nakatingin din pala siya sa akin. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata na parang may gustong sabihin. Kaagad ako’ng umiwas at pinagpatuloy ang pagkain. Kahit na sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Pinilit ko’ng maging kalmado baka kasi mabilaukan ako sa aking kinakain. Hindi ko naubos ang pagkain sa sobrang dami. Kaya inayos mo muli ang container at tinakpan. Hindi ko alam kung tatanungin ko ba siya kung itapon ko ba. O magpaalam ako na dadalhin ko pauwi sa bahay. Pero sa huli nagsalita din ako.
“Itatapon ko ba? Pero sayang dahil ang dami. Uuwi ko nalang sa bahay.” Mahinang sabi ko. Tumango lang siya at hindi nagsalita. Tinuon niya ang kanyang mata sa kanyang laptop. Kaya tuloy hindi ko alam ko’ng itapon ko ba o dadalhin sa baby. Sa huli bit-bit ang paper bag, lumabas ako ng kanyang opisina na hindi nagpasalamat at nagpaalam. Parang hangin lang naman kasi ako sa kanya. Kaya ayaw ko nang sayangin ang laway ko. Tatlong buwan na pagsuyo sa kanya, siguro sapat na iyun. Ayaw ko nang ipilit ang sarili ko sa kanya kung ayaw niya na talaga sa akin. Mag move on nalang talaga ako.
CHAPTER TWO
JERLYN
Biglang sumama ang pakiramdam ko na parang lalagnatin ako. Kaya inayos ko ang mga gamit ko para umuwi. Total wala naman ako’ng ginagawa dito. Ayaw ko na magpaalam kay Arnel dahil hindi niya naman ako sasagutin. Nang maayos ko ang mga papel sa mesa. Nilagay ko sa loob ng cabinet at kinuha ang bag saka ang paper bag na may laman na pagkain. Ibibigay ko ito kay Mama at Papa. Tumayo na ako para umuwi. Nakita ko ang isa sa body guard ni Arnel na papasok yata sa kanyang opisina kaya nakiusap ako sa kanya na sabihin sa amo nila na mauna na ako’ng uuwi dahil masama ang pakiramdam ko. Pagkatapos naglakad na ako palabas ng munusipyo. Nakayuko lang ako hanggang sa makalabas ako ng munusipyo. Pumunta ako sa malaking puno ng acacia para maghintay ng trysikel na masasakyan. Habang nakayuko dahil sobrang hilo talaga ng ulo ko ng may huminto na motor sa harapan ko. Hawak ko ang aking sintido inangat ko ang aking ulo. Si Arnel na seryuso ang mukha. Hindi ako kumilos dahil hindi naman siya nagsasalita. Kaya umiwas ako ng tingin at humakbang palayo sa kanya.
“Sakay na ihahatid kita. Sabi ni Mommy kanina ihahatid kita sa bahay niyo.” Aniya ngunit hindi ako nagsalita. Sakto na may dumating na trysikel kaya pumara ako at sumakay. Pagkasakay ko, sinabi ko kay manong kung saan ako magpahatid. Nakita ko si Arnel na humarurot ang kanyang motor. Sa halip na umuwi ako sa bahay nagpahatid ako sa burol kung saan nuon ang tambayan naming dalawa. Inalagaan ko iyun at nagpagawa pa ako ng kubo dahil ang akala ko magiging love nest namin kapag bumalik siya pero hindi na pala mangyayari.
“Salamat Manong.” Pasalamat ko sa trysikel driver pagbaba ko ng kanyang trysikel at dumiretso sa burol. Umupo ako sa loob ng kubo. Mapait ako’ng napangiti habang tinitingnan ang mga pictures namin ni Arnel. Dahil nga gusto ko nang mag move on, kinuha ko ang mga pictures saka tinago sa aking bag. Gusto ko sanang punitin pero hindi ko ginawa. Paglabas ko sa kubo napa kunot ang aking noo ng makita ang motor ni Arnel na papalayo. Anong ginagawa niya dito? O baka may pinuntahan sa kabilang Lugar. Nag muni-muni ako ng isang oras bago nag desisyon na umuwi. Naisipan ko rin na huwag na muna dito bumalik para maumpisahan ko na ang pag move on. Bumaba na ako sa burol saka nag-abang ng trysikel. Maya-maya may dumating naman kaya nagpahatid na ajo sa bahay. Pagdating ko nanunuod ng tv si Mama at Papa. Nagmano ako saka binigay ko ang dala ko’ng pagkain na hindi ko naubos kanina.
“Bigay ni Tita Mina kanina Ma. Hindi ko naubos kaya dinala ko sa inyo. Pasok muna ako sa kwarto ko Ma.” Paalam ko sa kanila. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama at Papa. Dumiretso na ako kaagad sa kwarto. Pagpasok ko sumalampak ako kaagad sa kama. Nakaramdam ako ulit ng sakit ng ulo, kaya pumikit ako hanggang sa tuluyan na ako’ng nakatulog. Nagising ako sa mahinang tapik sa aking balikat. Kaya dahan-dahan ko’ng minulat ang aking mata.
“Sabi ni Arnel masama ang pakiramdam mo. Sinabi daw ng body guard niya kanina. Nagpadala siya ng gamot at pagkain. Kaya bumangon ka na para makakain at makainum ng gamot mo anak. Okay na ba kayong dalawa ni Arnel? Nag-usap na ba kayo?” Tanong ni Mama. Tumango lang ako para hindi na si Mama magtanong. Alam din naman kasi nila ang lahat tungkol sa amin ni Arnel.
“Masakit pala ang ulo, bakit hindi mo sinabi sa amin? Kamusta ang pakiramdam mo ngayon? Masakit pa ba ang ulo mo?” Tanong ulit ni Mama.
“Salamat Ma. Ayos lang ako Ma. Inaantok lang ako kanina kaya nang makatulog ako nawala naman. Pasok lang ako sa banyo Ma.” Paalam ko kay Mama. Bumangon na ako sa kama saka dumiretso sa banyo. Lumabas naman si Mama at sinabi na hintayin nila ako ni Papa para makapag hapunan ng sabay. Habang naghilamos ako, napaisip ako sa sinabi ni Mama na nagbigay si Arnel ng pagkain at gamot. Kung saan ako mag-umpisa nang mag move on saka naman may pa ganun siya. Naisip ko bigla na baka inutos ni Tita Mina sa kanya kaya nagpadala siya ng pagkain. Pagkatapos ko’ng maghilamos, pinatuyo ko ang aking mukha saka lumabas na ng kwarto. Paglabas ko, nakita ko ang isang bilao ang nasa gitna ng mesa. May buttered shrimp, fried chicken, beef broccoli, chopseuy at lumpia.
“Nan’diyan ka na pala anak. Halika na, ito ang pinadala ni Arnel sa iyo. Mabuti nagkaayos na kayo. Bukas daw susunduin ka niya.” Wika ni Papa. Hindi na ako nagsalita pa. Ngumiti lang ako saka umupo na sa upuan. Pagkatapos ni Mama magdasal nag-umpisa na rin kaming kumain.
“Kailan kayo nag-usap ni Arnel anak?” Tanong ni Mama.
“Kanina Ma.” Maikling sagot ko kahit hindi naman totoo. Ayaw ko na mag-alala pa sila sa akin.
“Mabuti naman kung ganun.” Wika naman ni Papa. Tumango lang ako at kumain. Ayaw ko sana kumain ng binigay ni Arnel pero ayaw ko naman maghinala sila Mama at Papa. Kunti lang ang kinain ko at uminum ng gamot. Pagkatapos nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na mauna nang matulog para mawala ng tuluyan ang sakit ng ulo ko. Pagpasok ko sa kwarto nakita ko ang cellphone ko na umiilaw. Kaya umupo ako sa kama saka kinuha ang cellphone ko.
“How are you feeling?” Basa ko sa message. Hindi ako nag reply dahil kay Arnel galing. Pinapatanong ko balik ang cellphone sa side table ng may message ulit na dumating.
“Pinapatanong ni Mommy kung kamusta ka.” Basa ko ulit sa message. Hindi ako nag reply at pinatay ang cellphone ko. Pagkatapos humiga na ako ulit para matulog. Maaga ako’ng nagising kaya ginawa ko kaagad ang daily routine ko. Pagkatapos ko’ng mag-ayos lumabas na ako sa aking silid para pumunta ng munusipyo. Nakita ko si Mama at Papa na kumakain ng almusal dahil pupunta din sila sa groceries store namin.
“Ma, Pa, Good morning po, Mauna na po ako. Sa canteen nalang sa munusipyo ako kakain.” Paalam ko Mama at Papa.
“Mag-ingat ka anak. Akala namin susunduin ka ni Arnel?” Tanong ni Mama.
“Sa labas ko nalang siya hintayin, Ma.” Pagsisinungaling ko. Paglabas ko ng bahay sakto may trysikel na dumating kaya sumakay ako kaagad. Nakita ko nga ang sasakyan ni Arnel na parating kaya sinabi ko kay Manong driver na bilisan ang pagpatakbo dahil ma li-late na ako sa trabaho. Yumuko ako para hindi ko makita si Arnel. Nang malagpasan namin siya nakahinga ako ng maluwag. Pagdating ko sa munusipyo binata ko ang mga nakasulubong kong mga empleyado din ng munusipyo.
“Jerlyn alam mo na ba?” Tanong sa akin ni Nancy na isang clerk.
“Ang alin?” Inosenting tanong ko sa kanya.
“Na-post na sa page ng munisipyo kagabi. Magkakaroon ng Grand Ball para sa anibersaryo ng bayan sa susunod na buwan. At ang sabi-sabi, kailangang may ‘First Lady’ si Mayor na isasayaw sa opening,” excited na kwento ni Nancy habang naglalakad kami patungo sa lobby.
Tipid lang akong ngumiti. Alam ko naman kung sino ang nasa isip ng mga tao—si Joy, ang anak ng Governor sa kabilang probinsya na balitang ipinagkakasundo kay Arnel, o kaya naman ay si Ate Lianne na matagal nang may gusto sa kanya. Imposibleng ako iyon.
“Mauna na ako, Nancy. Marami pa akong aayusin,” paalam ko kahit ang totoo ay gusto ko lang umiwas sa usapan.
Pagdating ko sa tapat ng opisina ni Arnel, laking gulat ko nang makitang nakabukas na ang pinto nito. Ang aga niya. Pumasok ako nang tahimik at dumeretso sa mesa ko. Nakita kong nakatayo siya sa tapat ng bintana, nakatalikod at tila malalim ang iniisip.
“Mayor, nandito na po ako,” pormal kong sabi habang inilalapag ang bag ko.
Hindi siya lumingon, pero narinig ko ang malamig niyang boses. “Bakit hindi ka naghintay sa bahay niyo?”
Natigilan ako. “Po? Ah, maaga po kasi akong nagising kaya sumakay na lang ako ng traysikel.”
Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Bakas ang puyat sa kanyang mga mata at mas lalong naging seryoso ang kanyang mukha. “I texted you. You didn’t reply.”
“Naka-off po ang phone ko kagabi, masakit po kasi ang ulo ko,” pagsisinungaling ko habang hindi tumitingin sa kanya. Ayaw kong makita niya ang panginginig ng mga kamay ko.
Lumapit siya sa mesa ko, sapat na para maamoy ko ang pamilyar niyang pabango na kahit pitong taon na ang lumipas ay hindi ko pa rin nalilimutan. Inilapag niya ang isang maliit na paper bag sa harap ko.
“Eat your breakfast. Ayaw ni Mommy na nalilipasan ka ng gutom,” aniya bago bumalik sa loob ng kanyang opisina at isinara ang pinto nang malakas.
Napaupo ako nang mahina. Laging si Tita Mina ang dahilan. Laging dahil sa ibang tao kaya niya ako pinapansin. Sa bawat “pakitang-tao” niya, mas lalong nadudurog ang puso ko dahil alam kong napipilitan lang siya.