ISANG BUWAN NA KAMING KASAL NG ASAWA KO PERO NEVER NIYA AKONG GINALAW. HANGGANG ISANG ARAW, MAY IPINAGTAPAT SIYA SA AKIN.

PART 1

Ako si Jane, 29 years old. Panganay sa tatlong magkakapatid. Sa aming tatlo, ako pa lang ang may asawa pero wala pang anak dahil never kaming naglaro ni Mister sa kama.

Nakilala ko si Jake sa social media noong 2023. Kahera ako noon sa isang grocery store at siya naman ay nasa barko dahil seaman siya.

Noong una, hindi naman ako seryoso sa kaniya dahil ang layo nga namin sa isa’t-isa. Pero kalauna’y napapansin kong nahuhulog na ang loob ko sa kaniya. Napaka bait kasi niya at palagi ko siyang nakakausap thru videocall. Kung itsura lang ang pag-uusapan, guwapo si Jake, maputi at matangkad.

Pero hindi maalis sa isipan ko na baka may asawa na siya o girlfriend. Na baka, ginagawa lang niya akong libangan habang magkalayo sila.

Pero ang sabi naman niya sa akin ay single siya at gusto niya akong ligawan. Pero bago ako nagpaligaw, nag imbestiga na muna ako. Todo kalkal ako sa mga photos niya sa fb, pero kakaunti lang kasi ang inuupload niya, mas madalas siyang mag my day.

May chinat din ako na kakilala niya para tanungin lang kung single nga ba si Jake. At ang sagot nga sa akin ay never nagka girlfriend si Jake.

Nagtaka naman ako dahil do’n. Bakit never nagka GF? Gayong, guwapo naman siya.

Baka TORPE.

Halos dalawang buwan din niya akong niligawan sa cellphone. Hindi ko alam kung ligaw nga bang matatawag iyon gayong sa cellphone lang ang communication naming dalawa. Sa cellphone ko na rin siya sinagot.

Kapwa kami masaya lalo na ako, kahit hindi ko sigurado kung magtatagal ba kaming dalawa o kung seryoso ba talaga siya sa akin.

“Pag-uwi ko, pupuntahan kita sa inyo. Hihingin ko na ang kamay mo sa parents mo, para mapatunayan ko sa ‘yo kung gaano ako kaseryoso. Ngayon lang talaga ako nahulog ng ganito, Jane. Sana, magtiwala ka sa akin na mahal talaga kita. Magpakasal na tayo pagbaba ko ng barko.”

“Alam at ramdam ko naman na mahal mo ‘ko, Love. Pero kasi, hindi ko maiwasang magduda minsan. Sabi nga nila, basta seaman. SEAmanloloko raw” tugon ko sabay tawa.

“Ikaw ha, ginaganyan mo ‘ko. Hindi naman lahat ng seaman ay manloloko at hindi lahat ng manloloko ay seaman” tugon niya sabay tawa din.

Lalo tuloy akong naiinlove sa kaniya kapag ngumingiti siya. Paano ba naman napaka cute niya kapag lumilitaw ang mga dimples niya.

“Sa cellphone lang ako maganda, Love. Baka kapag nakita mo ako sa personal, magbago na ang isip mo. Baka makipag break ka na sa akin.”

“Ano ka ba? Hindi ‘no! Mahal na mahal kita, pangit ka man o maganda. Tsaka, alam kong maganda ka. Wala namang filter ‘yung mga pinopost mo sa fb mo ah. Kaya maganda ka.”

“Sus, binobola mo lang ako eh.”

“Hindi ‘yon pambobola. Basta ha? Basta pag baba ko ng barko, magpopropose na ako sa ‘yo”

“Hmmm. Sure ka? Agad-agad talaga?”

“Yes po, baka kasi maagaw ka pa ng iba. Yung lagi mong nakakasama d’yan.”

“Wala naman eh. Tsaka, ikaw lang ang gusto ko, wala ng iba.”

______

ISANG BUWAN NA KAMING KASAL NG ASAWA KO PERO NEVER NIYA AKONG GINALAW. HANGGANG ISANG ARAW, MAY IPINAGTAPAT SIYA SA AKIN

PART 2

Napaka saya ko nga ng malaman ko mula sa kaniya na isang linggo na lang at bababa na sila mula sa barko.Ibig sabihin lang nito ay makikita at makakasama ko na siya.

Pero ang saya na nararamdaman ko ay may halong kaba. Dahil siguro first time naming magkikita sa personal. At hindi pa ako sigurado kung hindi nga ba magbabago ang pagmamahal niya sa akin once na makita na niya ako.

Hanggang sa makatanggap nga ako ng chat mula sa kaniya na nakababa na sila ng barko. Hindi na siya tumawag sa akin, tanging chat lang ang natanggap ko mula sa kaniya.

Offline din siya, kung kaya’t hindi ko na alam ang nangyayari sa kaniya. Maghapon hanggang gabi siyang hindi nag-online.

Inisip ko na lang na baka lowbatt lang ang cellphone niya kahit puwede naman siyang makicharge.

Sa pagkakataong ito, ayoko pang mag-isip ng kung ano-ano. Pero napaka hirap iwasan. Iniisip ko na baka umuwi na siya sa girlfriend niya at itinago na niya ang cellphone niya na ginagamit na pang video call sa akin.

Nakaka praning pala.

Lalo na kapag hindi mo pa talaga lubusang kilala ang taong minahal mo.

Kinabukasan ay ganoon pa rin. Kaya naisipan ko ng i-chat ang kaibigan niya. Kaisa-isang kaibigan niya na nakaka usap ko. Iyon din ang nagsabi sa akin noon na wala namang girlfriend si Jake at never pa nga raw nagkaroon ng girlfriend.

Ngunit habang tinatype ko ang message ko sa kaniya ay kinakabahan ako. Lalo na nag magsent na ito at maseen niya.

“Ah, Jane. Pasensya ka na ha? Hindi ko rin alam kung ano ng lagay ni Jake. Hindi na rin siya nag chat sa akin pagkababa niya ng barko eh. Na try mo na bang tawagan? Alam mo ba ang number niya?”

“Hindi rin, Rhoi. Sige, salamat na lang. Hihintayin ko na lang ulit ang paramdam niya.”

“Sige, balitaan mo rin ako ha?”

Hindi ko na nga siya nireplyan pa dahil bigla akong tinawag ni tatay.

“Wait po, nandiyan na.” tugon ko habang lumalabas ng kuwarto ko.

“Anak, may bisita ka.”

“Bisita po? Sino po, ‘tay?”

Inginuso lang naman ni tatay ang lalaking naka upo sa sofa namin. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko ng mamukhaan ko kung sino ang lalaking iyon.

Napaka guwapo niya sa personal, ang puti, ang ganda ng katawan at matangkad.

Bigla akong napatingin sa sarili ko. Dahil nakapambahay lang ako. Naka sando, naka paa at naka short. Gulo-gulo din ang buhok ko na para bang sinabunutan ng sampong kabayo.

Kaagad akong napatalikod sa kaniya at kumaripas ng takbo pabalik sa kuwarto ko.

Hawak-hawak ko ang dibdib ko na napaka lakas ng kabog sa mga sandaling ito.

Masyado niya akong binigla. Bigla-bigla na lang siyang nandito sa bahay namin. Ang buong akala ko ay sa mall kami magkikita.

Dapat pala, hindi ko ibinigay sa kaniya ang complete address ko. Hindi ko manlang napaghandaan ang lahat.

“Anak, ano ba? Bakit mo naman iniwan ang boyfriend mo sa salas?” rinig kong sabi ni Tatay mula sa labas ng kuwarto ko.

“Ah, wait lang kamo tay, ano lang… ahm.. magbibihis lang ako.”

“Sige.” tugon niya.

Para naman akong turumpo na ikot ng ikot sa silid ko, hindi ko malaman kung ano ba ang dadamputin ko para isuot.

“What if magpantalon ako? Hays! Sa bahay lang naman bakit pa pantalon? Panjama na lang kaya? Pero hindi naman kami matutulog. Hays! Kainis ka, Jake!” sambit ko sa sarili at kumuha na nga lang ako ng tshirt ko at mas mahabang short.

Bahala na si Batman kung ano’ng maging itsura ko sa harapan ng guwapo kong kasintahan.

______

ISANG BUWAN NA KAMING KASAL NG ASAWA KO PERO NEVER NIYA AKONG GINALAW. HANGGANG ISANG ARAW, MAY IPINAGTAPAT SIYA SA AKIN

PART 3

Paglabas ko ng kuwarto ay hiyang-hiya akong nagtungong muli kay Jake. Sa pagkakataon nanamang ito ay nagtagpong muli ang aming mga mata.

Iba ang kaguwapuhan niya sa personal, para akong nananaginip lang. Hindi ko akalain na makakabingwit ako ng ganito kaguwapong lalaki.

“Hi, Jane.” pagbati niya sa akin at tumayo pa nga siya para lang ilahad ang palad niya sa akin.

Napatitig naman ako sa palad niya na halatang ang lambot-lambot. Dahan-dahan ko ngang inabot ‘yun at nakipag shake hands sa kaniya.

Tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko ng mahawakan ko ang kamay niya. Kinikilig ako ng sobra.

Si tatay naman ay nagpa alam sa amin na may gagawin daw sa likod. Pero alam ko namang gusto lang niyang magkaroon kami ng privacy ni Jake.

“Ah, paanong.. bakit?” iyan ang unang natanong ko sa kaniya dahil sa kaba.

Natawa naman siya ng mahina dahil sa magulo kong tanong.

“I mean, bakit ka nandito? Ikaw ha? May pa surprise ka pa. Binigla mo naman ako. Pagkatapos mong hindi magparamdam, bigla kang sumulpot dito na para bang kabute. Akala ko, in-injan mo na ‘ko eh. Akala ko, doon ka pumunta sa totoong girlfriend mo.”

“Totoong girlfriend? Eh, ikaw lang naman ang girlfriend ko ah. Until now ba, hindi ka pa rin naniniwala sa ‘kin?”

“Eh, hindi lang kasi ako makapaniwala. Maupo ka ulit, ano palang gusto mong meryenda?”

“Ikaw” mabilis niyang tugon.

“Ako? Paanong ako? Ako memeryendahin mo?” sabay ngisi ko sa kaniya at the same time ay nahiya ako.

Paano ba naman kasi, tinitigan niya ako ng nakakalusaw tapos nakangiti pa siya.

“Ang ibig kong sabihin, Love. Ikaw na ang bahala kung ano ang ipapameryenda mo sa ‘kin. Pero, busog pa naman ako eh. Kaya ‘wag ka ng mag-abala pa. Sabi ni Tito, nasa trabaho pa raw si Tita?”

“Ah, oo. Nasa botika pa s’ya. Mamayang 6 pm pa ang uwi no’n.”

Bigla naman itong tumayo at tumabi sa inuupuan ko. Sabay kuha niya ng kamay ko at ipinatong sa hita niya.

Grabeng kilig na talaga itong nararamdaman ko.

“Hindi ba’t sabi ko, pagbaba ko ng barko, aayain na kita ng kasal?”

“As in? As in seryoso ka talaga sa kasal?”

“Oo, Jane. Seryoso talaga ‘ko sa ‘yo. Mahal talaga kita.”


Hindi na nga ako tumanggi pa sa nais niya, sa loob lamang ng dalawang buwan ay nakasal kami ni Jake, mabilis naming inasikaso ang mga kinailangan para sa pagpapakasal namin.

Simple lang ang naging kasal namin, wala ring gaanong bisita. Ni hindi rin nakapunta sa kasal namin ang nanay niya dahil nasa ibang bansa ito. Pero naroroon naman ang mga kapatid at tatay niya.

Kahit kasal na kami, ay hindi pa rin ako makapaniwala na mag-asawa na kami. Medyo nalulungkot din ako dahil malapit na ulit siyang sumampa ng barko pero ako, hindi pa niya nasasampahan.

Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong galawin kahit pa nga mag-asawa naman na kami. Niyayakap lang niya ako habang magkatabi kami sa iisang kama at hinahalikan sa labi. Pagkatapos ay matutulog na siya.

Hanggang sa isang buwan na nga kaming kasal at isang linggo na lang, babalik na siya sa barko.

Sa pagkakataong ito ay ako na ang nag first move. Pagkatapos kong mag shower ay tumabi ako sa kaniya at hinalikan ko siya sa mga labi.

Pinagapang ko rin ang kamay ko sa dib-dib niya pababa sana sa private part niya pero bigla niyang inalis ang kamay ko at bumalikwas siya ng bangon.

Dahil dito, nasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit siya ganito.

“Ano ba’ng problema, Jake? Bakit ayaw mo? So, ano? Magtitinginan nalang tayo?”

“Love…” mahina niyang sambit.

“Ano?!”

“May dapat kang malaman.”

Biglang kumabog ang dibdib ko at kung ano-ano na ang naiisip ko sa pagkakataong ito.

“Umamin ka nga sa ‘kin, Jake! Bakla ka ba?”

“No!” madiin niyang tugon. “Hindi ako bakla.”

“Eh, ano? Bakit ayaw mo?”

“Kasi…”

______

ISANG BUWAN NA KAMING KASAL NG ASAWA KO PERO NEVER NIYA AKONG GINALAW. HANGGANG ISANG ARAW, MAY IPINAGTAPAT SIYA SA AKIN

PART 4

Nakatitig lamang ako sa kaniya habang hinihintay ang sagot niya. Wala talaga akong idea kung bakit ayaw niyang makipag one on one.

“Ano na, Jake? Yuyuko ka na lang ba? Hinihintay ko ang sagot mo. Ano nga ba ang dahilan mo? Kung hindi ka bakla, e ano ka? Trans gender? Trans man? Ano?!”

“Wala sa mga nabanggit mo, Love. Sorry… sorry.. kapag inamin ko sa ‘yo ang totoo, maiintindihan ko kung makikipaghiwalay ka sa ‘kin. Pero sana, hindi. Sana, bigyan mo pa ‘ko ng chance.”

“Puwede ba, Jake. Sabihin mo na lang sa ‘kin agad kung ano ba talaga ‘yon. Hindi ‘yung ang dami mo pang sinasabi eh.” inis na sabi ko at tumalikod na ko sa kaniya.

Hinawakan naman niya ang balikat ko tsaka muling humingi ng tawad.

“Mapapatawad mo pa ba ‘ko?”

Muli naman akong humarap sa kaniya.

“Depende ‘yan sa aaminin mo sa ‘kin, Jake. At kung gaano kalaki ang kasalanan mo sa ‘kin!”

“Ito na, aamin na ‘ko.” mangiyak-ngiyak niyang sambit. “Hindi ko alam kung paano ko ‘to aaminin sa ‘yo. Maniwala ka, matagal ko ng gustong aminin pero nahihiya ako. Natatakot ako. May… may malaki kasi akong kasalanan sa ‘yo, Jane. Naaalala mo nung… nung maghapon, magdamag akong hindi nagparamdam sa ‘yo? Tapos bigla akong nagpunta dito?”

“Oo naman, naaalala ko ‘yun. Bakit ko ‘yun makakalimutan. So ano nga? Bakit ‘yon? Don’t tell me, may girlfriend ka talaga? Tapos nakipag break ka lang at inamin mo ang tungkol sa ‘tin?”

“Gaya ng sabi ko sa ‘yo noon, never akong nagka girlfriend pero…”

“Pero ano?”

“May naikama ako, Jane.”

Napa awang ang mga labi ko at mabilis na nag-init ang palibot ng mga mata ko.

Sobra akong nabigla sa ipinagtapat niya sa akin.

Ang lalaking never nagka nobya, may naikama na pala. At bago niya ako puntahan, may nangyari na pala sa kanila.

“A-ano? Paano? Habang girlfriend mo ‘ko, may ginagalaw kang ibang babae?! Napaka sama mo, Jake! Taksil ka pala eh!”

“Patawarin mo ‘ko, Jane. Patawad. Nalasing ako ng sobra no’n, tapos itong mga katrabaho ko, nagdala ng mga babae sa hotel. Maniwala ka, Love, Hindi ko ‘yun ginusto.”

“Nagpapatawa ka ba? Hindi mo ginustong tanggalin ang butones ng pantalon mo at ibaba ang zipper?! Wag nga ako, Jake! Siyempre, ‘yan ang sasabihin mo! Alangan namang aminin mo sa ‘kin na gustong-gusto mo ‘yung nangyari sa inyo ‘di ba?! Ilang beses may nangyari sa inyo ha? Nagkikita pa kayo?! Niloloko mo pa rin ba ‘ko?! Sumagot ka!”

“Isang beses lang ‘yon, Love. At lasing lang ako no’n. Kaya hindi ko na nakontrol ‘yung sarili ko. Maniwala ka sa ‘kin… maniwala ka, Love. Kaya hindi kita ginagalaw kasi, natatakot ako. Natatakot ako na baka, na baka may H!V ‘yung babaeng nak4talik ko kasi bayarang babae ‘yun eh. Natatakot ako na baka nahawaan ako tapos mahawaan kita. Pero may ginamit kaming proteksyon, hindi ko lang alam kung may possibility pa rin akong mahawa kung sakaling may sakit nga siya.”

Dito na tumulo ng tumulo ang mga luha ko. Sobrang sakit. Bakit pa niya ako pinakasalan kung nagdududa na pala siyang baka may sakit ang babaeng iyon.

Ngayon, alam ko na ang dahilan niya, kung bakit todo pigil siya sa sarili niya na galawin ako. Pinunasan ko naman ang mga luha ko at bumaba ako sa kama.

“Mas mabuti pa ngang maghiwalay na tayo, Jake. Minsan mo na ‘kong nagawang lokohin, alam kong magagawa mo ulit ‘yon sa ‘kin.”

Pero mabilis din siyang bumaba sa kama at lumuhod sa harapan ko.

“Parang awa mo na, Love. Wag mo ‘kong hiwalayan, ‘wag mo ‘kong iwan. Magpapa test ako, kapag nagpositive ako sa sakit na ‘yon, ako na mismo ang lalayo. Pero kapag hindi, bigyan mo pa ‘ko ng chance. Parang awa mo na, mahal na mahal kita.”

“Kung mahal mo ‘ko, Jake. Hindi mo magagawa ‘yun sa ‘kin! Hindi mo maaatim na tumikim ng ibang babae kung talagang mahal mo ‘ko! Ang sabihin mo, ginusto mo rin! Hangang-hanga pa naman ako sa ‘yo, ipinagmamalaki pa naman kita. Kasi ang sabi ko, NGSB ka. (No Girlfriend Since Birth) tapos may naikama ka na pala! Alam mo ba kung gaano ‘yon kasakit sa ‘kin ha?! Paano kung ako ‘yung gumawa n’yan?! Ano’ng mararamdaman mo? Kaya mo nga ba akong patawarin?!”

Pero wala na akong natanggap na sagot mula sa kaniya. Umiyak lang siya at ganoon din ako.

Umalis nga ako sa inuupahan namin bahay at umuwi ako kila Tatay.

_______

ISANG BUWAN NA KAMING KASAL NG ASAWA KO PERO NEVER NIYA AKONG GINALAW. HANGGANG ISANG ARAW, MAY IPINAGTAPAT SIYA SA AKIN

PART 5

Tatlong araw din kaming hindi magkasama ni Jake dahil nga umuwi ako kila tatay. Ilang beses din siyang tumatawag at nagtetext pero hindi ko sinasagot ang mga ito. Pero sa kabilang banda, naaawa ako sa kaniya.

Alam ko sa sarili ko na hindi naman talaga niya ginusto ang nangyari at alam kong mahal na mahal niya ako kaya nga nagtitiis siya na huwag akong galawin dahil natatakot siya na baka mahawa ako. Ako pa rin ang iniisip niya.

May kasunduan kami ni Jake, na kapag negative ang result ng H!V test niya ay bibigyan ko pa siya ng chance, magsasama ulit kami at kakalimutan ang nangyari. Pero kapag nagpositive siya, magpapakita lang siya sa akin para magpa alam at lalayo na siya.

Nagtataka sina Nanay at Tatay kung bakit tatlong araw na akong nag-i-stay sa bahay. Hindi ko kasi sinabi sa kanila ang totoo, ayokong magalit din sila kay Jake. Kahit papaano ay pinoprotektahan ko pa rin ang asawa ko.

Habang nagwawalis nga ako sa bakuran ay may humintong motor, pag-angat ko ng tingin ay nakita kong si Jake ito.

Nakangiti ang mga labi niya pero hindi ang mga mata niya. Nag-umpisa na akong kutuban ng masama. Nabitiwan ko ang walis na hawak ko at lumapit ako sa kaniya.

“M-may r-result na ba? A-ano? N-negative?” utal-utal kong tanong at gusto kong iyon nga ang isagot niya sa akin.

Pero umiling-iling siya sabay yuko. Kaya mabilis na rumagasa sa mukha ko ang mga luha ko.

“P-positive? Nag positive ka sa H!V?” umiiyak kong tanong sa kaniya.

Bumaba naman siya sa motor at pagkatapos niyang i-stand ito ay lumapit siya sa akin at bigla na lamang akong siniil ng halik.

“Ano ‘to? Good bye kiss, Jake?”

Muli naman siyang umiling at muli nanaman akong hinalikan.

“Negative ang result, Love. Wala akong H!V. Kaya sana, tuparin mo ‘yung promise mo sa ‘kin na bibigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon. Kung kailangang ligawan kita ulit, gagawin ko ‘yun. Mahal na mahal kita, Jane. Ikaw lang talaga ang babaeng minahal ko ng ganito. Hindi man ikaw ang unang babaeng naikama ko, ikaw naman ang laman ng puso’t-isipan ko at ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama habang-buhay.” sabay halik niya sa noo ko at niyakap ako ng mahigpit.

“Mahal na mahal din kita, Jake. Kahit nga asawa na kita, crush pa rin kita eh.” naka ngiti kong tugon sabay tingkad ko upang maabot ng mga labi ko ang mga labi niya. “Ayan ah, ‘yang kiss na ‘yan ang patunay na handa akong bigyan ka ng second chance. Sa totoo lang, napaka deserving mo for second chances. Kasi, napaka honest mong tao. Kung tutuusin, p’wede mo namang hindi ipagtapat sa akin ‘yon eh. At itago na lamang habang-buhay. Pero ginawa mo at ako ang inisip mo.”

“Dahil hindi kaya ng konsensya ko na itago ‘yon ng matagal. Sabi sa akin ni papa, ang nagpapasarap daw sa pagsasama ng mag-asawa ay ang TIWALA at RESPETO sa isa’t-isa.”

“Tama naman d’yan ang papa mo, Love.”

“So, tara na? Ngayon tayo mag honey moon? Punta tayo sa Batangas o kahit saan mo gustong lugar. Tapos doon tayo gagawa ng first baby natin.”

“Aba, parang gusto ko ‘yan ha? Sige ba. Let’s go, My Love!”

“Gawin mo ulit ‘yung ginawa mo sa ‘kin nung gabing ‘yon ha?” nakangisi nitong sambit at alam ko naman ang tinutukoy niya.

“Oo na, ako na ang magpapaliy4b sa ‘yo” natatawa kong tugon.

Naging masaya nga ang pagsasama namin kahit ilang buwan kaming hindi nagkakasama dahil nga sa uri ng trabaho niya. Pero kapag bumababa siya ng barko ay sinusulit namin ang bawat oras na magkasama kami. Para lang kaming mag nobyo at nobya na kung saan-saan nagtatravel. Sinusulit namin ang isa’t-isa habang wala pa kaming anak.

WAKAS..

By admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *